CHAPTER 11

88 2 3
                                    

—ELYAS POV—

Nang maging ok na ang lahat, ay kaagad narin kami sumibat ng mga tauhan ko.

Pero bigla ko narinig ang pagtawag ni Jazz sa pangalan ko kaya agad ako napalingon sa likod ko.

At nakita ko siyang naglakad palapit sakin.

“Hindi ko inasahan ang pagtulong na ginawa niyo kanina. Maraming salamat.” seryosong sambit niya.

“Ganyan ba talaga ang boses kapag nagpapasalamat ka? Parang hindi naman sincere.” nakangising tanong ko sakanya.

Agad naman nagsalubong ang kilay ni Jazz.

At bigla ko siya hinila palapit sakin saka ko siya mahigpit na niyakap.

Halos lahat ng sundalo na nakapaligid ay gulat na gulat sa nakita nilang pag-yakap ko sa Lieutenant nila.

—CLEA POV—

“Magkakilala ba si First Lieutenant Vargas at yung NPA Commander na tumulong satin kanina?” pagtatakang tanong ni Master Sergeant Tolentino habang nakatingin sa kinaroroonan ni First Lieutenant Vargas at ni Elyas.

“It's a long story.” nakangiti kong sambit kaya agad siyang napatingin sakin.

“I didn't expect na isang grupo pa talaga ng NPA ang magba-back up satin kanina.” sabat ni Captain Gomez.

“Although, magkakaiba tayo ng pinaglalaban. Pero kanina, nakita niyo naman diba? Nagkaisa tayo.” dagdag pa ni Captain Gomez.

“At naniniwala naman kayong may naganap na pagkakaisa kanina? Tinulungan tayo na maipanalo ang laba hindi dahil sa gusto nilang maki-isa satin,  kundi dahil yun kay First Lieutenant.” sarcastic na sabat ni Techinical Sergeant Bautista.

“Kung ano man ang naging rason ng pagtulong nila satin, pwede ba magpasalamat na lang tayo? Alam mo aminin man natin o sa hindi, kung hindi dahil sa pagdating nila malamang namatay na tayong lahat kanina.” seryosong pagkakasabi ko.

At hindi naman na nagsalita pa si Technical Sergeant Bautista.

—JAZZ POV—

“*salute* First Lieutenant Vargas, kayo nalang po ang iniintay.” saad ni Private Zamora.

“Mauna na muna kayo. Susunod ako.” seryosong pagkakasabi ko.

Agad naman sumaludo muli sakin si Private Zamora saka siya umalis.

At muli ako bumaling ng tingin kay Elyas.

“Mag iingat ka lagi, inaasahan ko ang muli natin pagkikita. First Lieutenant Jazz Vargas.” seryosong pagkakasabi sakin ni Elyas saka siya sumaludo sakin.

Pinipigilan ko naman ang pagpatak ng luha ko habang nakatitig sa kanya.

At nang mabaling ako ng tingin sa mga sundalong tauhan ko. Sinenyasan nila ako na aalis na kami.

“Sige na, iniintay kana ng mga kasama mo.” saad ni Elyas.

Agad naman ako ngumiti sakanya at sinimulan ihakbang ang mga paa ko palayo.

Bago ako sumakay sa C-130 ay muli ko pang nilingon si Elyas at masaya naman siyang kumaway sakin.

Nang makasakay na ako sa C-130 at mag umpisa ito lumipad sa himpapawid ay bigla nalang tumulo ang luha sa mga mata ko. Habang kinakapa ko ang kwentas na suot ko, ang kwentas na binigay sakin ni Elyas limang taon na ang nakakalipas.

[FLASHBACK: 5YEARS AGO]

“Ito lang ang kaya kong ipabaon sayo para kahit nasa malayo kang lugar, lagi mong maiisip na nasa tabi mo lang ako.” nakangiting pagkakasabi sakin ni Elyas sabat suot ng kwentas sa leeg ko.

“Mamimiss kita. Umaasa ako na magbabago ang isip mo, mag iintay ako.” sambit ko saka niyakap si Elyas.

[END OF FLASHBACK]

To be continue..

GUNS N' ROSES (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon