CHAPTER 7

107 4 0
                                    

[FLASHBACK: 5years ago]

—JAZZ POV—

“Ate Jazz, may nagpapabigay po sayo.” nakangiting pagkakasabi ni Len-Len sabay abot sakin ng mga bulaklak na pinitas lang sa paligid.

“Kanino galing 'to?” pagtataka ko.

Hindi nagsalita ang mga bata at agad din nagsipaktakbuhan palayo.

Sa 'di kalayuan ay nakita ko si Elyas na nakangiti habang papalapit sakin.

“Wag mo sabihing sayo galing 'to?” tanong ko.

“Paano kung sakin nga, anong gagawin mo?” nakangiting pagkakasabi niya.

“At anong meron? Bakit mo 'ko bibigyan ng bulaklak? Malapit mo na ba 'kong patayin? Tulad ng ginagawa ng ibang rebelde sa mga bihag nila.” magkakasunod na tanong ko.

“Nagkakamali ka dahil ang mga bulaklak na yan ay simbolo ng pag ibig ko sayo.” seryosong pagkakasabi niya habang nakatitig sakin.

Nagulat ako sa sinabing yun ni Elyas kaya hindi ako agad nakapag salita. Paanong ang isang commander ng NPA na tulad niya ay magkakagusto sa isang tulad ko na bihag nila.

Pero magsisinungaling ako kapag sinabi kong hindi ako kinilig sa sinabi niya.

“Nagpapatawa ka ba?” seryosong tanong ko.

“Mukha ba akong nagpapatawa?” balik na tanong niya sakin.

Ngumiti lang ako sakanya at kaagad naman niya ako niyakap.

[END OF FLASHBACK]

—ELYAS POV—

Ilang saglit pa at bumitaw narin ako mula sa pagkakayakap kay Jazz. At nang mapansin ko na lumuluha siya ay agad kong pinunasan ang luha niya.

“Ano bang ginagawa mo dito? Hindi ka dapat nagpupunta dito sa campo. Dahil kapag may nakakita sayo na Militar ay patayin ka lang, dahil isa kang kaaway.” seryosong pagkakasabi ni Jazz.

Agad ko naman hinawakan ang kamay niya at tinitigan siya sa mga mata.

“Militar karin naman tulad nila. Pero bakit hindi mo 'ko patayin ngayon?” seryosong tanong ko kay Jazz habang nakatitig ako sa mata niya.

Hindi naman agad nakapag salita si Jazz at kaagad na binawe ang kamay niya mula sa pagkakahawak ko.

“Isa ka ng Lieutenant ngayon, may mataas na katungkulan sa AFP. Ano man oras ay susundin ka ng mga mas nakakababa sayo, kapag inutusan mo silang patayin ako. O kahit ikaw, pwedeng pwede mo na akong patayin ngayon ng matapos na ang Mission niyo dito sa Mindanao. Pero nakakapagtaka lang na hindi mo yun ginagawa.” seryosong muling pagkakasabi ko.

“Umalis kana, bago pa may makakita sayo dito.” seryosong pagkakasabi niya at saka agad na umalis.

—CLEA POV—

“Nasaan si First Lieutenant Vargas?” seryosong tanong ni Techinical Sergeant Bautista.

“*salute* Hindi ko alam, hindi ko rin siya nakikita kanina pa.” saad ko.

Maya maya pa ay nakita na namin si First Lieutenant Vargas na naglalakad palapit samin.

Kaya agad kami sumaludo ni Technical Sergeant Bautista sakanya.

“Saan ka galing? Kanina ka pa namin hinahanap.” seryosong tanong ni Technical Sergeant Bautista kaya agad ako napatingin sakanya.

“May inasikaso lang ako. Nagpunta lang ako sa silid kong saan pansamantalang nakapiit ang bihag natin.” seryosong pagkakasabi ni First Lieutenant Vargas.

Pag aalis niya ay kaagad ko siyang sinundan.

“Jazz----I mean First Lieutenant Vargas, are you ok? Para kasing kagagaling mo lang sa pag iyak.” mahinanon na tanong ko.

“I'm ok. Don't worry about me.” seryoso niyang pagkakasabi at agad narin naglakad palayo.

To be continue..

GUNS N' ROSES (BOOK #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon