TALUMPATI

154 2 0
                                    

"Mga Pangarap na nais Makamit"

"Walang bagay na mahirap sa taong may pangarap. Walang bagay na imposible sa taong nag pupursige" Isang doktor? Guro? Sundalo? Enhineryo? Makapagtapos ng kolehiyo? Magkaroon ng sariling bahay? Ilan lang yan sa mga pangarap na nais nating kamitin at hindi natin titigalan hanggang sa ating marating. Ako'y isang simpleng tao na may simpleng buhay lamang. May mataas na pangarap para sa aking hinaharap. Bata palang ay may mumunting pangarap na at sa pag laki unti-unti rin itong dumadami. Hindi ako nangangarap ng walang dahilan, lahat ng aking pangarap ay para sa aking mga magulang na nagsisilbing inspirasyon ko upang hindi bumitaw sa laban. Naaalala ko pa noon na gusto kong maging isang magaling na mang-aawit at isang doktor na gumagaling ng sakit. Walang pinipiling edad ang pagkakaroon ng pangarap, bata man o matanda pwedeng mangarap. May kasabihan nga na "Libre lang mangarap, itodo mo na!" Basta't mag tiwala lang tayo sa ating sarili at sa Dakilang Lumikha.

Sa ating buhay habang tayo ay naglalakbay, may mga tao talagang humahadlang sa ating pangarap. Yung mga taong nagsasabi sayo ng "di mo kaya yan!" "Wag kang ambisyosa, sila lang pwedeng gumawa niyan!" "Hindi ka qualified para jan, wag ka ngang mangarap!" sila yung mga taong nakakasakit ng damdamin natin ngunit sila din yung mga taong naguudyok sa atin na mas galingan at patunayan natin. Kaya lang, may mga pangarap talaga na hindi natin makamit, dahil itoy hindi tinadhana para sa atin. Ang buhay ay sadyang mapagbiro, akala mo yon na hindi pa pala. Pero wag tayong mawalan ng pag-asa at malulumbay sa ating buhay. Pilitin ang sariling bumangon at gumawa ng bagong pangarap para sa ating buhay.

Mahirap abutin ang pangarap, pero mas mahirap kong walang pinapangarap. Marami tayong pagdadaanan na kailangan nating lalagpasan, masusubukan ang ating puso't-isipan at katatagan. Walang sumusuko sa mga taong nangangarap, kahit gaano kahirap abutin gagawin natin ang lahat upang ito'y maisakatuparan. At balang araw, masasabi rin natin sa ating sarili, at sa mga tao na sumuporta sa atin, na tayo'y nagtagumpay dahil nakamit natin ang ating mga mithiin.

Kaya kaibigan, Ika'y lumaban! Para sa pangarap na gusto mong makamtan. Dahil walang imposible at walang pangarap na hindi kayang abutin, magtiwala lamang sa Panginoon at sa sarili natin.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 23, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

School Works Where stories live. Discover now