- 45

319 8 0
                                    

PAT'S POV

I've been working with Agnes para dun sa project and for some reason, she rarely smiles. She would smile but it would be a nervous smile or an awkward smile, ngiting intern nga daw sabi ni Coelli sa 'kin. She would smile when she's enjoying what she's hearing pero most of the time she would have this crease on her forehead and she would look very serious. I guess sobrang hardworker lang talaga siya. I'm astounded by her dedication. Somehow, despite her being very serious most of the time, Agnes is very friendly and very approachable. Madali din siyang hatakin kung saan-saan and very insightful yung mga ideas niya.

"Uy Intern. Mamayang gabi ha."sabi ni Coelli kay Agnes habang nage-edit kami.

"Anong meron?"sabi ni Agnes.

"Alam mo Intern, tradition na yan dito. Kapag may bago kami, kailangan nating magdinner. Sagot na namin ni Alex."sabi ni Coelli. Tumingin sa 'kin si Agnes for confirmation.

"Kasama buong department. Pati harmless labas 'to."sabi ni Coelli. Tumango na lang si Agnes.

Kaya after work, nagpunta na kami dun sa malapit na KTV. Ewan ko ba naman kasi dito kela Coelli, biglang naisipang mag-videoke. Pero totoo naman na pag may bago, lumalabas kami. But Agnes is too shy and I find it interesting na mukhang hindi siya mahilig lumabas.

"O ako na bahalang magpakanta sa inyo."sabi ni Alex tapos naglagay na siya ng mga random na kanta dun sa machine.

"O walang KJ ah. Kahit anong mapatapat sa inyo kailangan niyong kantahin ah."dagdag ni Alex.

"Sige! G!"sigaw nung mga kasama namin.

"O intern. Uminom ka pa."sabi ni Coelli tapos inabutan niya ng shot si Agnes.

"Shot! Shot!"sabi ni Alex.

"Hoy kayo. Tigilan niyo nga si Agnes. Pinagtutulungan niyo yung tao eh."

"Hala. Si boss naman. We're being friendly nga eh."sabi ni Coelli. "Alam mo Intern, tradition na yan dito. Sige na!"

"Sorry pero kasi hindi ako pwedeng uminom ng marami. I still need to drive. Ayokong uminom kapag magda-drive ako."

"Narinig niyo? Narinig niyo ba? Tumigil na kayo."sabi ko sa kanila at tiningnan ko sila nang masama.

"Okay, okay. Yes boss!"sabi ni Coelli.

So ayun, isa-isa na kaming kumakanta nung mga nilagay ni Alex. Hanggang sa tinawag na nila si Agnes at natawa ako kasi ang napatapat sa kanyang kanta is yung Itsumo by Dice & K9.

"Ayan! Classic yan! Wag mo sabihing hindi mo alam yan ah!"sabi ni Alex kay Agnes. Napakamot lang sa ulo si Agnes. Natatawa ako kasi hiyang-hiya talaga yung itsura niya.

"Para po talaga 'to sa crush ko. Ito talaga yung love song ko para sa kanya."sabi niya. Nagtawanan lang tuloy kami.

Habang kumakanta si Agnes nakita ko na medyo natatawa siya at nakangiti lang siya. It was the first time I saw a smiling Agnes. Well, at least a real smile coming from her. Yung umaabot talaga sa mata niya. Napangiti na lang din ako. Habang kumakanta siya chini-cheer din siya ng mga kasama namin kaya lalo siyang napangiti. Hala. Ang cute naman ng baby na 'to. Talaga self, baby? Sana okay ka lang, bakit may paganon? Pero para siyang bata. Tuwang-tuwa siya.

Pero nagulat ako nung dun sa isang verse bigla siyang napatingin sa 'kin at nagkatitigan kaming dalawa. And I saw it again -- smiling Agnes. She's really happy and I've never seen her this way before. Natapos niya na yung song at pinalakpakan namin siya. Nagbow naman siya. Cute talaga ng batang 'to.

Late na kami natapos at karamihan sa mga kasama namin lasing na. Inantay lang namin yung iba na makasakay. Iniwan ko yung sasakyan dun sa office building kaya kailangan kong bumalik ng office.

"Paano ka uuwi?"tanong sa 'kin ni Coelli. I shrugged.

"Bahala na. Madali na yun."

"Ihatid na kita."sabi ni Coelli.

"Hindi na. Ihatid mo na yan si Alex. Pa-North naman kayo pareho. Gagabihin pa kayo."

"I can drive you back."sabi ni Agnes.

"Eh what if, si Agnes na lang sumama kay Alex?"sabi ni Coelli.

"Hindi na. Pa-north kayo pareho eh. Kay Agnes na lang ako sasabay."

"Taga-Makati lang din naman ako."sabi ni Agnes.

"Okay, fine. Pero mag-ingat ka ha. I-message mo ako kapag nakauwi ka na."sabi ni Coelli sa 'kin. Tumango lang ako.

"Hoy Agnes ingatan mo yang si Pat ha."sabi niya. Tumango lang din si Agnes. Tapos umalis na rin sila. Naglakad na rin kami papuntang parking. Medyo nagulat pa ako nung pinagbukas ako ni Agnes ng pinto.

"Songerist ka pala eh."sabi ko sa kanya. Natawa na lang siya.

"Ikaw din naman eh."nahihiyang sabi niya sa 'kin. Palagi talaga siyang nahihiya kapag kasama niya ako. At dahil hindi naman traffic, ilang minuto lang nakabalik na kami agad sa office. Sinamahan lang din ako ni Agnes sa sasakyan ko.

"Hmm.. paano? Ingat ka pauwi."sabi ko sa kanya. Tumango lang siya.

"Uh... Pat."

"Ano yun?"

"Ingat ka rin ah. Message mo ako kapag nakauwi ka na."sabi niya. Tumango lang ako.

Habang nakatayo siya sa labas, binuksan ko na yung kotse ko. For some reason, at sa hindi ko talaga maintindihang dahilan, pagbukas ko ng kotse ko, nagplay agad yung music. Napatawa tuloy ako. I rolled down my window.

"Naririnig mo?"sabi ko sa kanya. Napangiti siya.

"Kanta ko talaga yan para sa'yo."sabi niya. "Goodnight Pat. Drive safe." Tapos ngumiti ulit siya. The same smile I saw nung kumakanta siya. I waved goodbye tapos umalis na lang ako.

And tonight, for the first time in so many years, hindi ko alam kung bakit, pero...

I had Itsumo on repeat.

The InverseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon