Chapter 47

20 10 0
                                    

Smile

Xariya's POV

Nag-iba na kami ng daan at pagkalikong-pagkaliko namin ay si Lucas agad ang nakita namin na mukhang galit na galit.

"Traidor ka Luke! Matapos kitang tulungan? Damn you." Napapailing na yumuko si Luke.

"Kuya." Nag-angat ng tingin si Luke at namumula ang matang tinignan ang kapatid. "Tama na, wala ng patutunguhan 'to."

Sa halip na maawa sa kapatid ay tinawanan n'ya lang ito at binalingan si Ken na pinapalibot ang hawak na baril sa kamay.

"Bakit hindi ka pa namatay? Mas gusto mo bang ako pa ang tumapos sa 'yo?!" Napalunok ako sa galit na nakikinig sa boses n'ya.

"Go, let me handle him." Bulong ni Ken sa amin ni Luke at walang takot na naglakad papalapit kay Lucas.

"Ken." Pagpigil ko at hinawakan pa ang kamay n'ya.

Tumigil s'ya sa paglapit kay Lucas at pinisil ang kamay ko tsaka ako nginitian, parang sinasabi n'ya sa ngiting 'yon na magiging ayos lang s'ya.

"After killing my father, you're taking Xariya away from me?" Natigilan ako.

"I didn't kill him, aksidente ang nangyari, Lucas." Nagpipigil ng galit na sagot ni Ken.

"Sabihin na nating aksidente nga, pero 'yong pag-agaw mo kay Xariya ay hindi na, sinadya mo na 'yon! And now, even my own brother chose to help you. Ilang tao pa ba ang kukunin mo sa akin, ha?!"

"Hindi ko s'ya inagaw, wala akong inagaw sa 'yo." Natahimik si Lucas kaya nagsalita ulit si Ken.

"I'm sorry for what happened to your father."

"Sa tingin mo maaawa ako sa 'yo?!" Sigaw ni Lucas at bigla na lang nagpaputok ng baril. Muntik na kaming matamaan kung hindi pa kami iniwas ni Ken doon.

"Hindi, hindi ko sinasabi sa 'yo 'to para kaawaan mo ako. I'm telling you this because you're lucky for still having your mother and brother on your side, samantalang ako? Walang-wala ako kung ikukumpara sa 'yo Lucas. Hindi ko nakasama ng matagal ang mga magulang ko, hindi ko man lang nasabi sa kanila kung gaano ko sila kamahal bago sila nawala sa akin." Tumigil s'ya sa pagsasalita at kinagat ang labi. "Kung nandito ang ama mo, sa tingin mo matutuwa s'ya sa mga ginawa mo? Hindi. Kaya Lucas, itigil mo na 'to. Hindi na babalik ang daddy mo kahit patayin mo pa ako rito."

"Shut up!" Mas lalong nanlisik ang mga mata ni Lucas sa galit at kitang-kita ko mismo kung paano nila binaril ng sabay ang isa't isa.

Kitang-kita ko rin kung paano sinalo ni Luke ang bala na dapat ay tatama kay Ken.

Nanigas ang katawan ko sa nasaksihan at ang tanging alam ko na lang ay dumating sina Ricko at hinila na kami papalayo sa lugar na 'yon.

***
Nate's POV

Inakala ko kanina na katapusan ko na kaya pinili ko ng sumuko at tinanggap na ang magiging kahihinatnan ko.

Nagising naman ang buong diwa ko ng sinigawan ako ni Ken at hanggang ngayon ay hindi mawala sa isip ko ang sinabi n'ya.

"Wake up, Nate! Kailangan pa nating iligtas ang pinsan mo."

Kaya kahit napapagod na ako ay tinulungan ko s'yang ilabas ang mga kasama namin at nagtagumpay naman kami.

Ang kaso nga lang ay hindi kinaya ng katawan nina Pauline at Voni ang usok at pareho pa silang nawalan ng malay kaya sinabihan ako ni Ken na dalhin sila sa hospital at silang apat na raw nina Kenneth ang bahala kay Xariya.

Montero Anthology: SmileWhere stories live. Discover now