Chapter 46

20 9 0
                                    

Smile

RD's POV

Medyo madilim ang paligid nang maalimpungatan ako at tanging sinag lang ng buwan mula sa bintana ang nagbibigay liwanag sa buong kuwarto. Tinignan ko ang oras sa cellphone ko na nakapatong sa side table, nakita ko na alas kuwarto pa lang ng madaling araw.

Napangiti ako ng maalala ang mga nangyari.

Inangat ko ang kumot na nakapatong sa katawan ko para sana tumayo nang maramadaman kong may nakatutok na kung anong matulis na patalim sa bandang tagiliran ko. Agad ko naman 'yong hinila kasama ang kamay ng may hawak no'n at ipinailalim ko sa s'ya sa katawan ko.

Hindi na ako nagulat nang mabitawan ni Dainty ang hawak n'yang kutsilyo at pilit na kumakawala sa pagkakahawak ko sa mga braso n'ya. Nakadamit na s'ya at para bang plano n'ya talaga ang bagay na iyon.

"Dainty! Anong ginagawa mo?" Madiin kong tanong sa kan'ya. Iba't ibang emosyon ang naramdaman ko lalo na noong makita ko ang kutsilyo na mahulog sahig.

Nakita ko rin ang biglang pagpatak ng mga luha n'ya kaya agad ko s'yang binitawan at naguguluhan na tumingin sa kan'ya.

"RD, pakawalan mo na ako. RD, maawa ka. RD, hayaan mo na ako." Sambit n'ya habang umiiyak.

Napanganga ako dahil hindi ko s'ya maintindihan. "Dain---"

"RD, ako si Dainty 'di ba? Sabihin mo, ako si Dainty 'di ba?" Tanong n'ya habang patuloy pa rin sa pag-iyak.

Natigilan ako. Hindi ko alam kung saang lugar ako kukuha ng mga salita para may maisagot sa kan'ya. Wala akong naisagot kaya mas lalo s'yang umiyak.

"So totoo nga, RD? Hahaha totoo? Medyo matagal ko ng gustong itanong sa 'yo." Humihikbing sabi n'ya.

"Kaso hinihintay ko lang talaga na ikaw na ang kusang magsabi sa akin. Kaso mukha namang wala ka talagang balak e. Ano bang gusto mong gawin sa akin?" Dagdag n'ya. Noon din ay dahan-dahan ko s'yang binitawan at napaatras ako palayo sa kan'ya.

Alam n'ya na.

Naupo s'ya sa kama at binalot ang sarili sa comforter. Patuloy pa rin s'ya sa pag-iyak habang nakatingin sa akin.

"Hindi mo man lang sinabi na nakakalimot ako. Siguro ay pabor na pabor ka talaga sa mga nangyari ano?" Garalgal na boses n'ya.

"Dain---"

"Sino ba talaga ako ha, RD?" Madiin na tonong tanong n'ya. Sandali akong natigilan at nag-iisip kung paano sasagot. Handa naman ako sa ganitong sitwasyon pero nagugulat ako sa mga nangyayari. Hindi ngayon.

"You're not Dainty." Sagot ko.

"Totoo nga." Pigil na pigil ang pag-iyak n'ya. Nasasaktan ako dahil ako ang dahilan no'n.

"Dain--- Dainty I'll tell you everything. Just listen to me okay? Dainty."

"Bago mo pa sabihin RD, alam ko na lahat. Alam ko na. Wala na ang pamilya ko, wala na ang totoo kong pagkatao pero hindi ko alam kung paano kita sisisihin." Sambit n'ya pa habang pilit na ngumingiti.

"I'm just protecting you. I'm sorry." Sagot ko, lumalapit ako sa kan'ya pero lumalayo s'ya.

"RD, hindi ko alam kung galit ako o hindi. " Umiiling na sambit n'ya at nagsimula nang tumayo para maglakad na paalis. Agad ko naman s'yang hinabol at niyakap mula sa likuran.

"Dainty, don't leave me. Dainty, huwag." Isinubsob ko ang mukha ko sa balikat n'ya at nagsimula nang umiyak.

Lalo naman s'yang umiyak at hindi magawang alisin ang mga braso ko sa bewang n'ya. "RD, tama na."

Montero Anthology: SmileWhere stories live. Discover now