Chapter 35

16 10 0
                                    

Smile

Dainty's POV

Dalawang araw na kami ni RD dito sa Hawaii at hanggang ngayon ay naninibago pa rin ako. Dito kami tumuloy sa bahay ng kaibigan ni RD, nagulat naman ako kasi may bigatin pala s'yang kaibigan. At ang sabi pa ay si Kuya Kian ang may-ari ng buong isla na ito kung nasaan kami ngayon.

Pero hanggang ngayon ay nagtataka pa rin ako kung bakit biglaang nagdesisyon si RD na pumunta kami rito. Hindi ko naman magawang magtanong nang magtanong dahil masakit sa ulo at pansin ko kay RD na parang ang lalim lagi ng iniisip n'ya. Kaya mas pinili ko na lang na manahimik.

"Dainty, hahaha. Tara na sa labas. Nandoon na ang mga pagkain, kanina pa naghihintay si Renz." Anyaya ni Kuya Kian sa akin, ang kaibigan ni RD. Nakasuot ito ng polo shirt at short na Hawaiian style. Nakasuot din s'ya ng tsinelas. Sa itsura n'ya ay mukha talagang excited s'ya na kumain kami sa tabing dagat.

Kumuha naman ako ng jacket bago sumabay na lumabas kay Kuya Kian para pumunta sa tabi ng dagat kung nasaan si RD. May mga tent din na nakaposisyon sa labas, marami ring mga pagkain at kasalukuyang nag-iihaw si RD ng isda.

Ewan ko ba kung anong trip ang gusto nilang gawin talaga. Sinabayan ko na lang kasi matagal din daw silang 'di nagkita.

Tatlong tent ang mayroon sa buhanginan at nakapalibot ito sa isang bonfire. Nasa kabilang gilid si RD na busy na nagpapaypay ng mga iniihaw n'ya. Palihim naman akong natatawa kasi ang cute n'ya.

Gustong-gusto ko s'ya na nagluluto, kahit sa bahay n'ya sa tuwing magluluto s'ya ay gustong-gusto ko s'yang panoorin.

Palubog na ang araw kaya medyo malamig na ang simoy ng hangin pero masaya sa pakiramdam. Isama mo na rin ang kalmadong paghampas ng mga alon. Masarap sa pandinig kaya nakakarelax talaga.

Nang makarating kami ni Kuya Kian sa buhanginan ay agad na binitawan ni RD ang pamaypay na hawak n'ya at inalalayan ako na maglakad papunta sa mahabang upuang kahoy na nasa buhanginan at katabi ng bonfire na s'yang nagbibigay liwanag sa papadilim na paligid. Nagtataka na talaga ako sa pakikitungo n'ya sa akin. Hindi naman s'ya dating ganito.

"Takot na takot madapa ha, Renz?" Tanong ni Kuya Kian at sumubo ng hotdog. Maya-maya pa ay tumawa s'ya na para bang inaasar si RD. Napailing naman si RD habang nakangiti.

"Ayos ka lang? Nilalamig ka ba? Ikukuha pa kita ng isang jacket doon sa loob." Sambit ni RD nang ibaling n'ya ulit sa akin ang atensyon n'ya.

Natawa naman ako. Maya't maya kasi s'ya lagi magtanong kung ayos lang ako. "Oo hahaha. RD, ayos lang ako." Sagot ko at nag thumbs up. Ngumiti s'ya sa naging sagot ko at bumalik na ulit sa pag-iihaw.

Taimtim ko namang pinanood ang dahan-dahang paglubog ng araw. Matagal na rin yata akong hindi nakakita ng ganoong eksena dahil sa tambak ang trabaho. Hindi ko alam kung alam ng boss namin ni RD sa trabaho na nandito kami sa Hawaii. Hindi ko rin kasi alam kung kailan kami uuwi.

"Kumusta ka?" Napalingon ako sa gawing kanan ko at nakita ko na nakaupo na rin dito sa kinauupuan ko si Kuya Kian. Nakacross legs s'ya at kumakain ng pizza.

"Gusto mo?" Tanong n'ya pa at inalok sa akin ang box ng pizza na hawak n'ya. Kumuha naman ako ng isang slice at kumain.

Habang kumakain kami ay panay ang tingin n'ya sa akin. Hindi naman ako makapagtanong at makapagsalita, nakakahiya kasi. Naiilang ako.

"Sorry hahaha. 'Di ko kasi mapigilan na tignan ka. Ang laki-laki mo na." Sabi ni Kuya Kian. Napansin n'ya siguro na hindi ako palagay sa mga tingin n'ya. Napakunot naman ang noo ko sa mga sinabi n'ya.

Montero Anthology: SmileWhere stories live. Discover now