"Bakit sa Zambales pa kasi? Ang layo no'n, mapapagod lang ako sa biyahe." Sabi n'ya at inubos ang fishball na kinakain.
"Ang advance mo namang mag-isip." Sagot ko na naman at ininom ang orange juice na paborito ko.
"Gano'n talaga, sino-sino ba ang kasama? Baka pumayag naman ako." Tanong n'ya a nagkaroon naman ako ng pag-asa.
"Ang dalawang Montero---"
"Tama na, kahit may idagdag ka pa hindi na ako sasama." Pagputol n'ya sa sinabi ko kaya sinipa ko s'ya sa ilalim ng mesa.
"Kahit kasama si Pauline? Si Dainty? Idagdag na rin natin si Voni." Sabi ko pa, nagbabasakaling pumayag siya pero hindi, umiling lang s'ya at sinenyasan akong tumahimik.
"Sa bahay na lang ako, manonood ng movie." Sabi n'ya kaya napasimangot na lang ako.
Dumaan pa ang tatlong araw na pinipilit ko pa rin si Xariya na sumama pero ayaw talaga. Isang araw na lang din ang natitira bago ang bakasyon namin kaya hindi ko na s'ya tinigilan.
Nagpatulong din ako kay Pauline at Dainty kaya ngayon ay nandito sila sa bahay namin at tinulungan nga akong pilitin ang pinsan ko na sumama pero mukhang ayaw n'ya pa rin talaga.
"Ikaw lang 'yong kilala kong tao na ayaw sumama sa libreng bakasyon." Parang hindi makapaniwalang sabi ni Dainty.
"Ang hilig mong gumala tapos ngayon hindi ka sasama? Ayos ka lang 'te?" Si Pauline naman.
"Ayoko nga kasi, nakakapagod kaya magligpit ng gamit." Sagot ni Xariya kaya sabay kaming tatlo na napakamot sa ulo namin.
"Ang sabihin mo ay ayaw mo lang makita si Ken." Natatawang sabi ni Dainty kaya tumawa na rin ako.
Sapul na sapul ang pinsan ko.
"Hindi ah! Ayoko lang talaga." Sagot ni Xariya at bigla nalang namula.
"Utuin mo na lahat 'wag lang ako, oy." Sabi naman ni Pauline at biglang hinampas ng unan si Xariya sa ulo.
"Kasama rin si Sir Adrian." Sambit ni Dainty kaya napatingin ako sa kaniya.
"Talaga? Sinong nagyaya sa kaniya?" Tanong ko kay Dainty.
"Si RD, na shock kasi 'yon si Sir Adrian nang makita si RD na buhay pala kaya gusto ni RD na bumawi dahil iniyakan daw s'ya no'ng isa." Natawa naman ako dahil sa ikinuwento niya.
"Nagsasawa na ako sa mukha ni Adrian, ilang beses ko na s'yang nakita." Sabi ni Xariya.
Babatuhin ko na sana s'ya ng tsinelas pero pinigilan ko lang ang sarili ko.
"Bahala ka, 'pag hindi ka sumama bibisitahin ka ni Lucas dito." Pananakot ko at nakita ko namang nag-iba ang mood n'ya.
Gumana kaya?
"Sige sasama na lang ako." Sagot niya at nilayasan na kaming tatlo rito sa sala.
Gumana nga!
Pag-alis n'ya ay bigla na lang tumalon sina Pauline at niyakap-yakap pa ako.
I feel so handsome.
Nakitalon na lang din ako sa kanila, Hindi ako makapaniwala na si Lucas lang pala ang magic word.
"Sabihin n'yo lang sa mayabang na si Ken na hindi sasama si Xariya para masaktan hahaha." Utos ko pa sa dalawa bago sila umalis dito sa bahay.
Kinagabihan naman ay masaya akong nag-iimpake ng mga gamit ko nang bigla nalang pumasok si Xariya sa kuwarto ko.
"Ilang araw ba tayo ro'n?" Tanong n'ya sa'kin.
Chapter 29
Start from the beginning