03

271 17 18
                                    

•••

CHAPTER.03
JIHOON

"Jihoon, nak, ikaw na bahala magsara nito ha. Need ko ng umuwi, e." bilin ng manager sa akin habang nililinis ko ang sahig gamit ang mop.




"Sige, po. Ingat po kayo!"




Malapit ng mag 9PM. Ganito ako ka-late umuwi after ng shift ko, minsan hindi pa ako natutulog kaagad pag-uwi ko, nag aaral pa ako at minsan gagawin pa ang mga projects para sa school.




Pero, kahit papano, kinakaya ko pa din gawin lahat ng 'yon.




Pagtapos kong mag-mop ng sahig, dumiretso ako sa labas ng store para itapon ang garbage bag. Binuksan ko ang garbage bin at nandiri sa amoy nito, agad kong inilagay ang basurahan at isinira ito.



Malakas ang hangin nang lumabas ako, maiingay ang mga sasakyan na dumadaan sa kalsada, nabigla ako nang may marinig akong nagsisigawan at nagbubusinahan. Akala ko normal lang 'yong mga ingay na 'yon tuwing gabi.



"Miss, nakaharang ka!" napatingin ako sa kalsada nang narinig ko ang mga nagbubusinahang sasakyan.




Isang pamilyar na babae ang nakatayo sa gitna ng kalsada, na sa harap ng madaming sasakyan na nakatutok ang ilaw sa kanya. Mabagal pa din siyang tumawid kahit na nag kulay berde na ang stoplight.



Agad naman akong tumakbo papunta roon at nakita ang babae na nakatayo sa gitna ng kalsada, namumula ang mata, naka suot ng kanyang pajama at jacket. Mukhang pamilyar siya.



si Miss Eli. Bakit siya nandito?



"Miss Eli! Anong ginagawa mo diyan? Gusto mo bang mamatay?!" bulyaw ko.



Nagkatinginan na kami, kitang kita ko ang lungkot sa kanyang mga mata. Ang walang katapusan na pagbuhos ng luha.



"Gusto ko nang mawala!" sigaw niya na sumabay sa ingay sa kalsada.



Hinila ko ang braso niya at nilapit siya sa akin. Nabigla ako sa pagtunog ng busina at nagulat na lang ako sa pagtama ng katawan niya sa katawan ko.



Naririnig ko ang mahinang pag iyak niya nang ipatong niya ang ulo niya sa balikat ko. Hindi siya nagsasalita at tuloy lang sa pag iyak. Nag aalangan akong hawakan ang ano mang parte ng katawan niya na nakadikit sa akin.




"Miss Eli..."



Hindi pa din tumitigil ang pagbuhos ng luha niya na nararamdaman ko nang tumulo sa aking balikat.



"Ayoko na mabuhay..."



Dahan dahan kong inilagay ang kamay ko and slowly rub her back for comfort.



"Huwag mo sabihin yan, Miss Eli." 'yon na lang ang nasabi ko sa kanya.


my sweet escape. park jihoonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon