"Anong ginagawa mo rito?" usisa ko kay Caden.
Kinikilabutan ako sa mga titig niya sa'min. Para siyang kampon ng kadiliman na nababalutan ng itim na aura. Napalunok tuloy ako.
"Ako dapat ang magtanong, 'di ba? Ano sa tingin niyong ginagawa niyo?" seryoso niyang sabi.
Bumangon naman si Chester mula sa pagkakahiga niya.
"Chill, bro. I'm just a bit carried away," nakangising tugon ni Chester sa kapatid.
"I don't wanna be rude because you're my elder brother. But, would you please get lost? Remember, she's my fiancée," seryoso namang tugon ni Caden sa kuya niya.
Ngumisi si Chester, "Yeah. I know. But, also remember that she's only engaged to you because of some sort of agreement, Caden. So, I still have a chance, right?"
At seryosong nagtitigan ang magkapatid. Nakaramdam na ako ng mabigat na tension sa pagitan nila. Nakakunot ang noo ko habang pinapanood sila dahil hindi ko alam ang gagawin.
Isang ringtone ng phone ang biglang bumasag sa katahimikan at nagpahupa ng tension sa pagitan ng magkapatid.
Nakita kong may kinuha si Chester sa bulsa niya at phone niya 'yon. Pinatay niya 'yong tunog ng phone niya. Mukhang alarm yata 'yon.
"I gotta go. Babalik na ako sa school. Be more careful next time, okay? See you later, Roma," paalam ni Chester sabay tapik ng marahan sa ulo ko.
At parang hangin lang na dinaanan nito si Caden palabas ng pintuan.
Nang tuluyan nang nakaalis si Chester ay nilapitan ako ni Caden at bigla niya 'kong pinitik sa noo.
"Aray! Para saan 'yon?" inis kong tanong.
"Magpapahalik ka kay Kuya? Really? Okay ka lang, Roma?" sambit niya habang pinandidilatan ako ng mata.
"Malay ko ba? I mean, masyadong mabilis ang pangyayari kaya hindi ako agad naka-react," paliwanag ko.
"Buti na lang pala dumating ako kaagad," aniya na parang nanggigigil.
Tumingin siya sa bandang tuhod ko, "Nabalitaan ko mula sa mga kaibigan mo 'yong nangyari sa'yong aksidente habang nasa track ka kanina. Okay ka lang?" pag-aalala niya.
"Oo. Okay lang ako. Gasgas lang 'yan. Hindi naman 'yan nakakamatay," tugon ko sabay tawa.
Pinitik na naman ako ni Caden sa noo.
"Oh, para saan na naman 'yon?" inis kong tanong.
"Para 'yan sa pagpapa-picture mo kasama si Kuya."
"Ha? Paano mo nalaman 'yon?" pagtataka ko.
"Posted na siya sa Facebook ni Kuya at s-in-end sa'kin 'yon ng kaibigan ko. Kaya napasugod kaagad ako rito pagkatapos ng klase namin."
Ang bilis naman ni Chester. Nai-post niya kaagad 'yon?
"Kumain ka na ba?" tanong niya.
"Hindi pa nga, eh. Lunch na rin naman. Saka may isang oras pa bago ang last event."
"Tara, kumain tayo. Saan mo gusto?" tanong niya.
"Hmm. Kahit saan sigurong pinakamalapit na kainan dito sa school."
"Teka, kaya mo na bang maglakad?" pag-aalala niya.
"Oo naman. Ako pa."
---
Nakaupo ako ngayon sa isang two-seater table na katabi ng bintana rito sa fast-food chain na malapit sa school kung saan ako dinala ni Caden para mag-lunch. Siya na ang nakapila ro'n para um-order at sinabi ko na rin naman sa kanya ang gusto ko para hindi na raw ako mahirapan.
BINABASA MO ANG
Under Our Starry Sky
Teen Fiction[ COMPLETED ] Tulog, kain, anime, at school--- iyan ang buhay ng eighteen-year-old high school student na si Roma hanggang sa magdesisyon ang parents niya na ipagkasundo siya sa isang lalaking hindi niya kilala para sa isang kasal upang isalba ang k...