31 - Worst Field Trip
"This would be the best field trip ever," malakas at sarkastikong sabi ni Jet saka lumingon sa kanyang katabi, si Manong Jules na nakapwesto na sa driver's seat. "Ano po sa tingin niyo, Manong Jules?"
Tumawa lamang ang matandang driver. Binuhay niya ang makina ng sasakyan at inayos ang rearview mirror. Tinignan niya doon ang lahat ng kasama sa loob ng sasakyan.
Ang pinakadulong helera ng upuan ay siyang naging lagayan ng kanilang mga gamit at pagkain. Sa pangatlong helera ay nakapwesto si Aiah na nakatali pa din ang mga kamay at paa. Katabi ng dalaga si Gian na inatasan ni Yuan na "magbantay" dito. Wala sanang problema ngunit sa hindi malamang dahilan, doon din sa dulo pumwesto si Pia. Napakatahimik ng dulong upuan.
Sa pangalawang helera naman ay nakapwesto si Mara at ang kanyang anak na si Tricia. Sa dalawang magkadugtong na upuan ay naglatag sila ng makapal na kumot na hinarangan pa ng mga unan. Iyon ang magsisilbing kuna ng sanggol sa buong biyahe na hindi nila sigurado kung may katapusan.
Lalong napangiti si Manong Jules noong tignan ang helera ng upuan sa kanilang mismong likuran. Ang helerang iyon ang katapat ng pinto kaya doon nakapwesto si Lucas. Nagkataon nga lamang na nauna ng pumwesto doon sina Kevin at Yuan. Kung tahimik ang pangatlong helara ng upuan, tila may namumuong tensyon naman sa pwestong ito.
Nabawi ni Manong Jules ang tingin mula sa salamin noong halos mapatalon si Jet na nakapwesto sa shotgun. Nagulat kasi ito noong may sumipa sa likod ng kinauupuan nito.
"This is not a field trip, you idiot," inis na sabi ni Yuan. Hindi siya natutuwang napaggigitnaan siya ng ngiting-ngiting si Kevin, at ng tila mananapak na si Lucas. "We're doing this for survival."
"Well, I hope you survive," pang-aasar pa ni Jet.
"Tangina mo, Jethro!" sigaw naman ni Gian mula sa likuran. Hindi niya rin magawang maging komportable sa pagitan nina Aiah at Pia na pareho namang hindi nagsasalita.
"Language!" saway ni Yuan saka pasimpleng itinuro ang sanggol na kasama nila.
"Naalala ko lang naman na madaling makatulog si Yuan sa biyahe." Nagkibit balikat pa si Jet habang hindi maitago ang kanyang ngisi. Tuwang-tuwa siya noong maramdamang parehong natigilan sina Lucas at Kevin. "Sanay na akong sumasandal 'yan sakin kaya lang hindi kami magkatabi ngayon. Sorry, Yuan."
"Manahimik ka, Jethro."
Nagsimula na nga ang mahabang biyahe. Walang signal ang radyo at wala din silang kahit anong gadget na mayroong audio file. Nakakabingi ang katahimikan sa loob ng sasakyan.
"Do you want to sit beside the window?" mahinang tanong ni Kevin kay Yuan.
Walang pag-aalinlangan na tumango ang dalaga na nakakaramdam na ng antok. Nagpalit sila ni Kevin ng upuan, walang ka-alam alam na may isa pang binata na napakuyom ang mga kamay.
Habang hinihintay ang sarili na tuluyang makatulog, nakatanaw lamang si Yuan sa labas ng bintana. Alas-onse pa lamang ng hapon at napakaliwanag ng buong paligid. Tanaw na tanaw ang dagat mula sa gilid ng kalsada. "I can't believe I've been running around here without noticing this view."
"This is the most beautiful view," ani Kevin na bagaman sa parehong direksyon nakatingin, wala sa labas ng bintana ang kanyang atensyon.
Walang lingon na tumango si Yuan. "Batanes is really breathtaking."
"Turn right."
BINABASA MO ANG
2025: The Second Half
Science Fiction⚠️TW: Violence, Depression, Suicide She's still Yuan Ignacio and she still cares. Already got more than enough of the thrill she had always sought for, the 20-year-old girl with the biggest heart continues to risk her life for everyone until the zom...