"I love you," tatlong salitang sinabi ng binata na punong puno ng damdamin.
Tatlong salita na agad bumihag sa taong kausap niya ngayon.
Maagang pumasok sa kanyang trabaho ang binata bitbit ang paborito niyang camera na ginagamit niya sa kanyang trabaho.
Sa bawat taong kanyang nakakasalubong walang sino man ang pinapansin niya. Diretso lang ang tingin niya sa daan habang nakikinig ng paborito niyang kanta gamit ang earphones niyang tanging binibigyan ng pansin.
Nagulat na lamang siya ng may taong humalik sa kanyang pisngi.
"Good morning," masaya nitong bati sa kanya.
"Do I know you?" walang emosyon niyang tanong
"Kilala ba kita?" muli niyang tanong ng di sumagot agad ang babae.
Kunot-noo siyang tinignan nito.
"Hindi mo ba talaga ako naaalala?" naguguluhang tanong nito
Bahagya lamang siyang umiling. Wala siyang kahit na isang idea kung sino yung taong nasa harap niya ngayon.
Base sa nakikita niya, isa itong babae na may pang modelong itsura. Pakiramdam niya kilala niya nga ito pero hindi niya talaga mamukhaan.
Sabagay, paano niya nga ba ito mamumukhaan sa sitwasyon niya?
"Sorry miss pero hindi talaga kita kilala." saad niya at muling tinitigan ang mukha nito
"May nangyari ba sa atin kagabi?" tanong niya pero hindi sumagot ang babae "Gusto mo bang ulitin?" painosente niyang tanong
Muli wala siyang sagot na nakuha mula sa babae tanging paglagapak lamang ng sampal ang nakuha niya.
"Napakagago mo!" bulalas nito bago tuluyang umalis.
Himas himas niya ang ngayon ay namamaga niyang pisngi. Sa sobrang lakas ng pagsampal sa kanya pakiramdam niya matatanggal lahat ng ngipin niya.
Pero wala siyang oras para isipin kung matatanggal nga ba ng tuluyan ang ngipin niya dahil sa pagsampal sa kanya.
Pinagpatuloy niya ang paglalakad hanggang sa tuluyan niya nang marating ang photo studio niya.
"Kuys anong nangyari dyan sa pisngi mo?" bungad na tanong ng lalaki sa kanya.
Tinitigan niyang mabuti ang mukha nito. Iba man ang nakikita niya sigurado siyang ito ang kaibigan niya.
"Hindi mo na naman ako nakilala?" natatawang tanong nito sa kanya
"Alam mo naman yung kalagayan ko diba?" balik na tanong naman niya
"Hay naku kuys Vhong! Kahit kailan talaga di mo makabisado ang mukha ko." saad nito at inakbayan siya "Ako 'to si Billy, best friend mo." sabi niya pa at pinakita kay Vhong ang picture niya
Inalis niya ang pagkakaakbay sa kanya ng kaibigan at maingat na inilapag ang camera niya sa kaniyang mesa.
"Alam mo naman kahit ilang beses ko yang tignan, hindi ko pa rin masisiguro kung makikilala na kita sa susunod." minsan parang gusto niya na ring sukuan ang sarili niya dahil sa kondisyong meron siya.
"Kuys grabe naman kasi yang kondisyon mo. Kaya ka laging nasasampal." nakapalumbaba nitong saad.
Muli siyang tinignan ni Vhong. Sa pagkakataong ito nakikita na niya ang mukha ng kaibigan. Ibang iba ito kaysa sa kanina.
"Ngayon nakikilala mo na ko?" tanong ni Billy ng makitang nakangiti na siyang tignan ni Vhong.
Tumango naman si Vhong bilang sagot.