Chapter 5: One-Woman Picket

308 110 10
                                    

“LUMABAS ka r'yan Uriah Khan!” sigaw ni Sandy sa hawak niyang megaphone. Kasalukuyan siyang nasa harap ng E.O.S. Entertainment Headquarters at nagwewelga. “Aminin mo na ang totoo! Aminin mo nang sinaktan mo si Jewel! Aminin mo na ring ikaw ang may kagagawan kung bakit ako natanggal sa trabaho at kung bakit walang tumatanggap sa 'king kompanya!”

Kanina pa siya nagtatatalak sa harap ng E.O.S. Entertainment Headquarters. Pinagtitinginan na siya ng mga tao at empleyadong naglalabas-masok sa building. Pero, wala siyang pakialam at walang makakapigil sa kaniya. She’s just practicing her freedom of expression at nasa isang demokratikong bansa siya. Isa pa'y wala namang pulis o kahit security guard na pumipigil sa kaniya.

Nang mapagod na siya ay naupo muna siya sa gutter at nilapag ang megaphone sa tabi niya. Pagkatapos ay inalis niya ang placard na nakasabit sa leeg niya kung saan nakasulat ang mga salitang:

URIAH KHAN IS A LIAR!
APOLOGIZE TO ME NOW!

Habang tinutungga niya ang tubig sa dala niyang tumbler ay may lumapit sa kaniyang tatlong babae. Obvious na estudyante ang mga iyon – college students, specifically – dahil nakasuot ang mga iyon ng uniform na may logo ng isang university. Masama ang tinging pinupukol ng mga ito sa kaniya.

“Anong problema mo?!” pasigaw na tanong ng unang babae. Payat, maitim at mahabang ang itim nitong buhok.

“Kaya nga! Bakit ba sinisiraan mo ang Uriah Khan namin?!” pasigaw na tanong din ng pangalawang babae. Mataba, maputi at maikli ang itim nitong buhok.

“Teka! Sino ba kayo?!” ganting-tanong ni Sandy sa mga ito.

“Ako si Peach,” sagot ng unang babae.

“I’m Lily,” pakilala naman ng pangalawang babae

“And, my name's Daisy,” sabi naman ng pangatlong babae. Morena, balingkinitan at wavy ang naka-pigtails na buhok nito. Masasabing di hamak na mas maganda ito kesa sa dalawang kasama nitong babae.

“And we’re members of the Candy Club,” sabay-sabay na wika ng tatlong babae. They pronounced the syllable ‘can’ as ‘khan’. “And no one messes with our khan.”

Double meaning ang salitang “khan” sa pangungusap ng mga ito dahil bukod sa Khan ang apelyido ni Uriah ay “king” o hari din ang ibig sabihin ng salitang ito sa Arabo.

Tumawa siya nang nakakaloko na lalong kinasama ng mukha ng tatlong babae. Kung naglalabas lang ng kutsilyo ang mata ng mga ito ay sigurado siyang puno na siya ng stab wounds ngayon.

“’Di n'yo kilala ang idol n'yo,” mapang-asar niyang pahayag sa mga ito. “Sinungaling ‘yon saka nananakit ng babae.”

“That’s not true,” sigaw ni Daisy.

“Tama!” sang-ayon naman ni Lily. “Kung merong mang sinungaling dito'y ikaw 'yon!”

“Aba! Gan'yan na ba ang tinuturo sa mga estudyante ngayon?! Saka anong ginagawa n'yo rito?! ‘Di ba dapat nasa eskwelahan kayo ngayon?! Alam ba ng mga magulang n'yong andito kayo?!” sunud-sunod niyang tanong sa mga ito.

“Wala kang pakialam sa 'min!” pabulyaw na sagot ni Peach. “Andito kami para makita ang idol namin! Gagawin namin ang lahat dahil mahal namin s'ya! Palibhasa, ikaw, walang nagmamahal sa 'yo kaya nagpapansin ka!”

Kumukulo na ang dugo ni Sandy sa tatlong babaeng ito. If she was their age, siguro ay nakatikim na ang mga ito sa kaniya. But, she knew better than that. Hindi niya papatulan ang mga batang ito kung kaya naman tumayo siya at nagpasyang bukas na lang ipagpatuloy ang pagwewelga niya.

My Superstar Housemate (Superbly Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon