Limang letra
Pero marami ng na biktima
At umaasa
Ang iba'y nasaktan na
At nagpakatanga
Naranasan ko na rin 'to mga kasama
Ito'y isang tula
Na pwede rin maging isang babalaIkaw ay kilig na kilig
Pero ang totoo pala'y hindi ka niya tunay na iniibig
Ito'y isang sinungalingHinarot pero sa huli ay may charot
Isa sa mga galawan at palusot
Mag-ingat ka, dahil pwede ka niyang
i-ghostCharot lang pala 'yon sana hindi kaagad naniwala
"Mahal kita" dalawang salita
Pero ka-plastikan lang pala
Ako naman, parang isang tanga
Marupok at umaasa
Akala ko, ikaw na
Hindi pa pala
Iniwan mo lang akong nag-iisaAng sakit diba?
Sana, sana...
Hindi nalang kita nakilala
Sana, sinabihan mo nalang ako sa una pa
Pero huwag mo akong kakalimutan ha?
Tanggap ko pa rin kahit kaibigan lang ha?
Paalam.VidiaScarlet
YOU ARE READING
Rhythm Of Her Emotions: Poems Of ScarletVidia
PoetryAs she sat at her table Her imaginations enable Her computer, pens, and a notebook Comforts her, like the main character's best friend in a fable Making herself escape or lost in reality, perhaps her magical nook As she writes it down This made...