Natapos ang una at pangalawang araw ng exam, at grabe, ito lang ata 'yong araw na naging kampante ako sa likod ng katotohanang exam week at finals na. Ewan, dahil siguro kampante akong pasado ang makukuha ko sa exam. Sana nga, Avi! Magdilang anghel ka sana, unang set ka pa lang sa pangalawang araw!
Pero totoo nga, grabe, ewan ko ko sadyang madali lang ba 'yong subject na ni-take namin ngayon o sadyang nag-aral lang talaga ako nang maigi kaya hindi ako nahirapan. Thanks to Sir Lean! Nako, credits talaga sa kanya kasi siya talaga ang dahilan kung bakit ako kalmado ngayon. Sana magtuloy-tuloy hanggang sa huli.
Lalo na ngayon na isiningit na ngayong week ang departmental exam. Ang daming nagrereklamo pero para sa akin, okay lang, at least hindi na maaamag 'yong ni-review ko kung ipapa-next week pa. Kaya ang natira na lang ay 'yong comprehensive exam which is doon talaga malalaman kung tutuloy ka pa bang BSA, magshi-shift na ka o gugustuhin mong maging irregular. Kaya pagkatapos talaga ng next week, ayun ang hayahay! Kasi bakasyon na after nun.
"Grabe si Avi, parang hindi kabado." Narinig kong sabi ni Elysa at napatingin ako sa kanila.
"Focus lang 'yan!" Sabi ko sa kanya.
At ipinagdarasal ko na sana rin ay magtuloy-tuloy itong pagfo-focus ko, dahil ayun din ang isa sa mga dahilan kung bakit ako masaya at hindi haggard na namomroblema. First time talaga ito.
Napangiti naman ako nang maalala ko 'yong huling bilin sa akin ni Sir Lean. Pareho kami ng iniisip, na malamang ay pagpasok ko na naman dito sa campus, pag-uusapan ako, na sa akin na naman ang center of attraction, pero pinaalalahanan niya akong mag-focus sa exam, huwag sa isyu na kumakalat. Baka raw kasi way ng kung sinong naninira ito sa akin para ma-distract o hindi makapasa. Tama naman siya.
"Ay, wow! Nagtaka ka pa? Eh, 'di ba, Elysa, noong nagpunta tayo roon sa dorm niya, mukhang na-review na niya lahat ng subject natin." Pagpapaalala naman ni Lesly tungkol sa pa-surprise visit nila sa akin sa dorm.
Hindi ko 'yon makakalimutan, mabuti na lang at lumabas si Sir para mag-CR kasi kung hindi, baka madatnan siyang naroon sa loob ng kwarto ko. Eh, ayung nalaman lang nila na ka-dorm ko siya't katabi ng kwarto ay para silang bulate riyan na kinikilig.
Pero sumapit ang 5 ay umalis na rin si Elysa at Lesly para umuwi, mga 3 hours din sila roon sa dorm ko para mag-review. Ay, hindi lang pala review ang nangyari. Group study daw pero tsismisan ang nangyari. At pagkaalis nila, bumalik si Sir sa kwarto ko para ituloy ang pagtuturo niya sa akin.
Nakagat ko ang ibabang labi ko nang maalala ko kung paano kami nag-review sa law. 'Yung kapag hindi ko nakuha 'yong article, pipitikin niya ako sa kamay, tapos kapag nakuha ko naman, ako ang pipitik sa kanya. Pero ang daya, mahina lang ang pitik niya sa akin.
Mukhang mawawala talaga sa isipan ko ang tungkol sa kumakalat at iniisip ng lahat sa akin dahil kay Sir Lean. Ang lakas niya yatang mag-motivate! Kaya ito, dedma, naging dedma na ang lahat sa akin.
Nakarating kami sa room kung saan ang susunod naming exam, at nagulat na lang ako nang makita ko si Sir Lean na siyang naririto. Teka, tapos na kaya ang exam namin sa kanya. Siya ulit ang proctor namin dito? Okay lang, edi may motivation ako.
Nang magtugma ang mga mata namin, ngumiti ako sa kanya at ngumiti rin siya sa akin. Nag-iwas ako agad ng tingin nang maalala kong nasa school pala kami at maraming nakatingin.
Sumapit ang Friday ng hapon, tapos na ang dalawang klase ng exam na kailangan naming i-take na mga accountancy students. Actually, hindi lang ata kami. Mga ibang courses din na may board exam. Bigla kong naalala si Kyle, hindi ko na na-reply-an 'yong chat niya sa akin kagabi. Maiintindihan niya naman siguro 'yon.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...