Smile
Dainty's POV
Lumipas ang mga araw na parang normal na lang talaga sa akin ang lahat. Magt-trabaho ako sa company, magpr-practice ako sa A.O at pupunta sa mission.
Sa pagkakaalam ko ay arkitekto ako pero bakit ganito?
Natatawa na lang ako sa mga naiisip ko. Kahapon ay katatapos lang namin sa isang mission, sa isang casino. Kasama ko sina Ricko at Vincent, sila ang ka-team ko.
Si Voni naman ay iyon, nagpresinta s'ya kay Montero na s'ya na raw ang magt-train kay Nate. Natatawa nga ako sa kan'ya kasi mukhang pinapatulan naman ni Nate ang mga kalokohan n'ya.
Naging matagumpay ang mission namin, at nalaman namin na ilegal ang pagtransaction ng pera doon sa casino na iyon. Matapos noon ay agad namin itong ipinaalam sa mga awtoridad at kasalukuyan nang iniimbestigahan ng pulisya.
Ginagamit kasi ng casino na 'yon ang pangalan ng mga Montero sa transaction nila ng pera, e wala namang kinalaman ang mga Montero doon. Kaya kahit mukha namang walang pakialam si Montero ay kumilos na ako.
Tinawanan lang ako ni Montero kasi mukha raw na bored na bored na ako sa buhay at pati ang casino na iyon ay pinatulan ko. Wala naman daw kasi s'yang pakialam, at kayang-kaya niya ipasara ang casino na 'yon kung gugustuhin n'ya kaso raw e tinatamad s'ya.
"Wow. Natapos mo ah? Nice." Bati sa akin ni Ricko habang nandito kami sa labas ng bahay ni RD at tinitignan ang kabuuan ng bahay.
"Oo nga e. Halos kalahating taon din ang ginugol ko rito para maibalik sa dati." Sagot ko at ngumiti.
"Nice one, architect. Parang walang nangyari na pagsabog dito." Nailing pang sabi ni Ricko. Napatango naman ako. Hindi ko na binago ang style nitong bahay, kung ano ito noong unang nakita ko ito ay gano'n pa rin ang ginawa ko. Sinabi ko kasi kay Sir Adrian na s'yang naging Engineer ng renovation ay 'wag n'ya babaguhin ang design.
Pumasok naman kami ni Ricko sa loob para maglibot. Gano'n pa rin ang buong bahay, parang walang nagbago bukod sa mga bagong materials na ginamit dito.
"Alam na ba ito ni Boss RD?" Tanong ni Ricko habang naglalakad kami sa loob ng living area.
Umiling ako at naupo sa sofa. "Hindi, hindi ko sinasabi sa kan'ya. Gusto ko s'ya isurprise. Malapit na kasi s'yang umuwi."
Nakita ko namang ngumisi si Ricko at tumingin ng nakaloloko. "Wow, ang bait mo namang girlfriend, hahaha. Biruin mo ginawa mo itong lahat." Sabi n'ya at naghand gestures pa.
"Hindi ko s'ya boyfriend, alam mo 'yan. Ginagawa kong lahat ito kasi importante s'ya sa akin." Sagot ko.
Tumawa naman si Ricko at naglakad papunta sa kusina. Sumunod naman ako sa kan'ya.
"Isa pa rin kasi s'yang mabagal pero mautak. Hahaha 'di mo pati nagegets, Dainty."
Naintindihan ko ang sinabi n'ya. Hindi lang ako sumagot. Ayoko kasing pag-usapan, kaibigan ko si RD at sa tingin ko ay hanggang doon lang 'yon. Na kahit alam ko sa sarili ko na may kakaiba rin akong nararamdaman para sa kan'ya ay ipinapagsawalang bahala ko na lang.
Matapos namin maglibot ay nakatanggap kami ng tawag mula sa A.O at pinapapunta kami roon. Agad naman kaming sumunod.
"May mission siguro tayo." Sambit ni Ricko habang nasa loob kami ng kotse n'ya.
"Oo nga. Naexcite tuloy ako." Sabi ko pa at ngumiti. Katatapos lang ng mission namin kahapon at heto, may panibago na naman yata. Hahawak na naman ako ng mga patalim.