"Hindi ka pa ba napapagod mabuhay, Basthy?" Sambit ng buhay na bangkay na nakaluwa ang kaliwang mata. Tapyas-tapyas rin ang balat niya sa mukha. Ganoon na rin ang bahagi ng kanyang labi. Dahilan para halos mapunit iyon sa tuwing ngumingiti siya nang malawak.
Ang kasama naman niya ay humahalakhak. Tumingin pa muna siya sa langit habang tumatawa na animo isang mabentang joke ang sinambit ng kasama niya. Sa ginawa niya ay bumulwak ang dugo sa leeg niyang halos mahati dahil sa laki ng hiwa mula doon.
Noong tila bang mag-sawa siyang tumawa ay pinanlisikan niya ako ng mga mata. Habang nakangiti nang malawak. Habang maya't-mayang dinidilaan ang tabi ng kanyang labi.
"Hindi ka pa ba talaga napapagod mabuhay?" Nanlalaki ang kanyang mga mata habang nagtataas-baba ang kanyang mga kilay. "Hindi mo pa ba gustong makita ang asawa mo? Matagal na rin siyang nawala noong maisilang niya si Santhy. Sigurado, hinihintay ka na niya sa impyerno."
What he said automatically fumed me. I found myself grasping the knife hard-- in a way that I am afraid, I might be able to break it just by my hand.
Bullshit.
Paano nila nalaman ang personal kong buhay?
Paano?
"Putangina, Basthy. Magdadalawang dekada ka nang tuyot! Hindi ka pa ba napapagod at nasasabik?" The other zombie has this sarcasm on his tone. He is fucking smiling wide. "Kung ako sa 'yo, papakamatay na ako. Iiwan ko na ang anak kong lampa para makatikim na ako ng babae sa impyerno! Pangako, maraming magaganda sa lugar namin!"
Not my kid.
No fucking way.
"Tangina niyo!" I was about to attack them when the zombie with wound on his neck started to attack me. Nasuntok niya ako sa mukha dahilan para mapahiga ako sa lupa. Hindi ako naging handa sa kung papaanong naging malakas ang suntok na natamo ko.
"Tangina mo rin! Patay ka na ngayon!" Humalakhak na naman sila.
And that moment, anger is within my system. All I wanted on that specific seconds is to fucking double kill them. They succeeded getting on my nerves, I will never let myself fail on ending their god damn breath!
Bago pa man nila ako muling atakihin ay nagawa kong makatayo nang mabilis. Nakuha ko ang galaw na ito noong minsan kaming mag-training ng martial arts. Agad akong pumwesto para atakihin sila. Kamao sa kamao ang laban. Ang kutsilyo ko kasi ay tumilapon sa malayo dahil sa natamo kanina.
"Gusto mo pa rin talagang mabuhay? Ayaw mong masaksihan kung paano masarapan ang mga demonyong sipingan ang asawa mo--"
Putangina mo!
Buong lakas kong inilapat ang kamao ko sa kanyang mukha. Sa lakas ng ginawa ko ay ramdam kong nabali ang buto ko. Ngunit hindi ko iyon ininda nang iyong isa naman ang umatake sa akin.
Inilapat ko ang combat shoes ko sa ulo ng nakahigang patay na bangkay nang sa gayon ay hindi na niya ako atakihin pa. Pinagtuunan ko na lang itong zombie na ngayon papalapat ang kamao sa akin.
Galit ang nangibabaw sa akin noong mga oras na iyon.
Sa mga segundong iyon, ang gusto ko lang ay ang tapusin ang dalawang ito.
Bago pa man lumapat ang kamao niya sa akin ay nahablot ko na ang kanyang kamay. Pinilipit kong muli iyon dahilan para mapatalikod siya sa akin. At kinuha ko ang pagkakataong iyon para pilipitin ang kanyang leeg. Dahil nga malaki ang hiwa niya doon ay bumulwak ang dugo niya sa lupa noong unti-unti, hiniwalay ko ang ulo niya sa kanyang katawan.
Umiigting ang panga ko noong itinapon ko ang kanyang ulo sa malayo.
"Putangina niyo!" I mumbled because of the anger I am fighting deep inside my heart.
Kinakain ng galit, pinag-tatapakan ko ang ulo ng zombie sa ilalim ko. Dahil ang ilalim ng combat shoes ko ay matigas, unti-unting nabiyak ang bungo ng buhay na bangkay. Hanggang sa mabutas iyon dahilan para lumabas ang utak niya kasabay ng pagdanak ng kanyang dugo sa lupa.
At hindi ko siya tinigilan.
Wala akong balak na tigilan siya.
Patuloy ko siyang pinagaapakan hanggang sa nagmukhang giniling ang namumula niyang utak.
"Tangina niyo! Tangina niyo!" I am yelling with the bead of tears on my eyes. Mga demonyo sila! Mga kampon ni Satanas!
Ilang marahas na pagtapak pa ang ginawa ko sa ulo niyang pisang pisa na bago ko napakalma ang sarili. Hingal na hingal akong napailing bago ibinaling ang ang tingin sa escape hole.
I should escape now!
Ano bang ginagawa ko?!
Tumingin muna ako sa paligid bago buksan ang metal na pinto. Nakakapanlumo ang natutunghayan ko ngayon. Lahat ay nakikipaglaban para sa kanilang buhay habang ang mga buhay na bangkay ay nagsisipag-halakhakan lang na para bang isang laro lang ang lahat. Na para bang hindi buhay ang nakasalalay sa kagaguhang ginagawa nila.
I sigh deeply.
Wala akong magawa.
At wala akong balak na gawin.
I hate to admit this but this is one of the rare moments where I will choose to be selfish. Sasagipin ko ang sarili ko nang sa gayon ay masagip ko ang anak ko.
Halfhearted, I slowly go down the escape hole. Dilim ang unang yumakap sa akin nang maisarado ko ang metal na pintuan. Madalim man ay ginawa ko ang lahat para makababa nang mabilis. At unti-unti, sa pagbaba ko ay nakaaninag ako ng liwanag.
And then there is Briela's voice. "Look, Manuel! Ayan na si Sir! I told you, he is going to survive!" She is hysterical.
Minabuti ko na lang na ituon ang pansin sa bakal na hagdan. Ilang segundo makalipas ay naaapakan ko na rin ang lupa.
Then I was shocked when Briela pull my arms with all her force.
"Thanks, God you are alive!" She is embracing me. Her head is resting on my chest as I slowly feel her hug to tighten.
×××
Author's Note:
B U L L E T 🖤
BINABASA MO ANG
The Last Quarantine (Published Under LIB)
HorrorDuring the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old student should be worrying about school, friends, girls, growing up-not battling the deadliest virus...