Smile
Xariya's POV
"Ang dami mo namang inorder, Lucas. Mauubos ba natin ito?" Nahihiya kong tanong kay Lucas na prente lang na nakaupo. Nagpunas muna s'ya ng bibig gamit ang side towel na nasa table bago nagsalita.
"It doesn't matter kung maubos natin o hindi."
Kami naman ni Nate ay nagkakatinginan na lang, alam namin parehas na sobrang mahal ng presyo ng kinakain namin ngayon. Kaya nakapanghihinayang kung hindi mauubos.
Para tuloy kaming kumakain ng ginto.
"This is my way of saying my gratitude. Salamat sa pagpatuloy n'yo sa akin sa bahay n'yo." Sabi pa ni Lucas at ngumiti.
Grabe! Ang puputi at pantay ang mga ngipin n'ya.
Ang guwapo, omg. Parang nahihirapan akong tukuyin kung sino ang mas guwapo sa kanila ni Dr. Luke.
Napakahumble n'ya, hindi s'ya nagyayabang. Ni hindi n'ya nga jinudge ang suot namin ni Nate ngayon. Samantalang s'ya, ah! Mukha s'yang prinsipe."Ang ibig sabihin mo ba ay aalis ka na sa bahay?" Tanong ni Nate habang hawak-hawak ang isang kutsara.
"Yes. Kahit alam ko na two weeks ang usapan natin. Naisip ko kasi na baka madamay pa kayo. I don't want to cause trouble on you guys. You're such a good people." Nakangiti ulit na sagot ni Lucas.
"Wala 'yon. Pero kinabahan din ako hahaha." Sabi naman ni Nate at nagtawanan sila ni Lucas.
Kung ano-ano pa ang napagkuwentuhan naming tatlo, minsan kapag may dumadaan na ibang tao na mukhang ka-standard ni Lucas ang buhay ay binabati s'ya. Ipinapakilala naman kami ni Lucas sa kanila. Medyo nakakahiya pero okay na rin.
Matapos namin kumain ay gumala-gala muna kami ni Nate sa paligid. Si Lucas naman ay nagpaalam na may kakausapin lang sandali. Napakaganda rito.
Ang ganda ng chandelier, basta sosyal lahat ng gamit, tapos 'yong mga tao gano'n din, mga mukhang sosyal. Mayroon ding mga musikero na nagp-play ng piano, violin at iba pang instrument kaya napakaclassic ng tunog ng paligid.
Feeling ko tuloy nasa movie ako na Titanic at s'yempre ako si Rose hahaha.
"Punta tayo sa railings nitong barko." Anyaya ko kay Nate at hinila siya.
"Huh? Bakit? 'Wag na hoy baka malaglag ka lang doon." Pagtanggi ni Nate kaya napatigil ako. Kill joy talaga.
"Ano ka ba? Doon nagkakilala si Jack at Rose ng Titanic, sa railings ng barko! Doon sila tumayo at sinabi ni Rose na "I'm flying, Jack!" Habang si Jack ay nakahawak sa bewang ni Rose." Sagot ko at ginaya ko pa ang position ni Rose doon sa movie na nakataas ang dalawang braso na parang lumilipad.
"Alam ko. Pero wala ka nang makikitang Jack ngayon, hoy. 'Wag ka na magfeeling Rose d'yan." Sagot ni Nate at tinalikuran ako. Kaya naman wala na akong nagawa kundi ang pumunta mag-isa sa may railings. May iilang mga tao rin doon at karamihan ay magkasintahan o mag-asawa na nakatingin sa ilalim. Tinitignan nila ang dagat.
"Ano bang sinisilip nila rito, isda?" Tanong ko sa sarili ko ng makarating ako sa pinakang railings at yumuko. Wala naman akong makita kundi tubig.
"Wala kang isda na makikita. Madilim na masyado."
Halos muntik na akong makabitaw sa pagkakahawak ko sa railings dahil sa sobrang gulat ko. Naramdaman ko na lang na may humila sa bewang ko.