Chapter 14

14 2 0
                                    

ZANE'S POV

Pagkasikat na pagkasikat ng araw. Agad na kaming lumabas ng bahay, nagdala kami ng mga armas na maaaring makatulong sa amin. Sa huling pagkakataon tingnan muna namin si angel. Ipaghihiganti kita pangako. Itinaklob ko na ulit ang kumot na nakatabing dito at lumapit na kila van at rica.

"Tara"

"Sure ba kayo na iiwan na natin sila?" tanong ulit ni rica.

"Hindi naman natin sila iiwan, hihingi tayo ng tulong sa mga pulis para mas mapadali ang pagligtas sa kanila" paliwanag ko at agad naman itong napatango. Tahimik lang din si van na sumusunod sa amin.

Sinimulan na naming maglakad ngunit parang walang katapusan ang aming nilalakaran.

"What if tunay ang sumpa kaya hindi tayo makaalis dito" biglaang sabi ni rica. Napakunot naman agad ang noo ko. Pero hindi malabong totoo ang kanyang sinabi. Bigla naman akong may naalala..

"Ang Mapa.." agad namang napabaling ang tingin nilang dalawa sa akin.

"May hawak na mapa si melody nung pumunta tayo dito" pag uulit ko pa.

"Nasa mansyon..." mahinang sabi ni van. Nanumbalik naman ang kilabot na naramdaman ko.

Ang babae...

Ngunit kailangan ko munang isantabi ang aking takot. Kailangan naming makalabas dito ng buhay at matulungan pa ang aming mga kaibigan.

Tumango na lang ako kay van kaya sinimulan na namin ang paglalakad pabalik sa mansyon. Nasabi ni van kanina na hindi daw kalayuan ang tinakbo niya noong gabing makakita kami ng multo kaya paniguradong alam pa daw niya ang daan.

Nagtiwala na lang kami dito. Hawak kamay kaming naglalakad ni rica. Sana matapos agad ito..

-

CRISTINE'S POV

Nagising ako sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha.

Nakatulog nga pala kami sa isang kwarto dito. Ngunit hindi pa din maalis ang takot sa aking sistema gayong kasama namin si rave. Una palang masama na ang kutob ko dito ngunit ayaw kong mambintang kaya hinayaan ko muna ito.

Asan na kaya ang iba..

Inilibot ko ang aking paningin sa loob ng kwarto at nakita ko namang mahimbing pang natutulog si Renalyn at Cedric. Magkatabi pa ito. Hinanap naman ng mata ko si Rave at Christian ngunit hindi ko sila makita. Kinutuban naman ako dahil dito.

Saan ba nagsimula ito? Tanong ko sa aking sarili.

Nagsimula ito sa pag aaya ni melody dito. Pagkawala ng iba naming kasama. Wait, pagkawala.

Hindi kaya...

Hindi kaya lahat ng nawala ay ang nga killers?

Stop it Cristine huwag kang mambintang. Pagsasaway ko sa aking sariling ng bigla akong may maalala.

"Ayan! Kasalan mo ito na bata ka! Kung hindi ka masyadong bintangera edi sana buhay pa ang ama mo ngayon!" Sigaw sakin ni nanay saka ako sinampal ng malakas.

Kaya simula ng pangyayaring iyon hindi na ako basta basta nangbibintang lalot nat wala akong sapat
na ebidensya.

Sa halip na mag isip isip ng kung ano ano. Bigla kong naalala ang mga newspaper at notebook na nakita namin ni arcy sa atic.

Arcy....

Sinimulan kong basahin ang nilalaman nito at pangalan agad unang bumungad sa akin.

Alexander Jordan.

Familiar huh.

Si Alexander jordan ang suspect sa sunod sunod na patayan sa sikat na Subdivision dito sa probinsya ng Batangas ang Celia Corazon Subdivision. Napatunayan na siya talaga ang pumatay base sa mga taong tumistigo laban dito.

Ang brutal naman. Pagkomento ko. Itutuloy ko na sana ang pagbabasa ng biglang pumasok si rave sa kwarto. Agad ko namang itinago ang aking binabasa.

"Kamusta ka" tanong nito sa akin. Tanging tango lamang ang isinagot ko dito.

"Mabuti" sagot pa nito bago lumabas. Agad naman akong kinilabutan sa ngisi nito.

Pagkalabas na pagkalabas nito ay agad akong nagtungo sa kinahihigaan ni Renalyn at Cedric.

"Guys! Gising kailangan na nating umalis" mahinang panggigising ko dito. Ngunit tila ba mga manhid ang mga ito dahil kahit na anong uga ang gawin ko hindi man lang magising gising.

Shit hindi kaya...

Agad naman akong napalingon ng biglang may bumukas ng pinto. At pumasok ang tatlong tao. Shit! Sila?!

"Hi Cristine" Nakangisi nilang sabi.



-

YSABELLE'S POV

Agad akong napahiyaw ng biglang may humila sa aking buhok.

"Huwag na huwag mong hahawakan ang buhok ko! Nanggagaliti kong sigaw dito saka buong lakas na iwinakli ang kanyang kamay. Agad ko namang hinarap ito ng mabitawan niya ang buhok ko.

" Melody?! What the fuck! " sigaw ko dito saka sinugod at pinagsasabunutan.

Napaurong naman ito kaya hindi ko namalayan na nakadampot na pala siya ng kutsilyo at agad na inamba sa akin. Ngunit agad kong naiwas ang aking sarili kaya daplis lamang ang aking natamo.

" Tulong! "sigaw ko, baka sakaling magising si kim sa pagkakatulog.

Ngunit tila himbing na himbing ito. Napairap nalang tuloy ako saka umisip ng paraan. Ng magkaroon ng tyempo dali dali akong tumakbo upang makalapit kay kim. Labis ang panlulumo ko ng makitang wala siya dito. Hindi na ako nagintay ng pasko at dali dali ng nagtatakbo papalabas ng convenience store.

-

MERRY'S POV

"Hmmmmm" ungot ko ng magkaroon ng malay. Nakatulog pala ako sa ilalim ng kama habang nagtatago.

Dahan dahan akong lumabas ng kwarto at nasaksihan ko ang magugulong gamit sa bahay, maging ang bubog ng lampshade ay nagkalat.

Habang naglalakad, nakakita din ako ng mga dugo. Kanino ito? Saka asan naba ang mga kasama ko.

Napatingin naman agad ako sa relo ko. 11 am. Magtatanghali na pala ambilis naman. Arghhh gutom nadin ako.

Lumabas na lang ako ng bahay at sa di kalayuan nakita kong natakbo si ysabelle.

"Si Ysabelle ba iyon?" naguguluhan kong tanong. O baka gutom lang to.


"Merry!" agad naman akong napalingon ng biglang may tumawag sakin. Si melody lang pala. Nginitian ko naman ito at dali daling lumapit dito.





"Tara sabay na tayo" aya nito sakin. Sumama nalang ako dahil wala akong kasama.


"hanapin naman natin ang iba" Sabi ko dito.









"Tara sumama ka sakin. Alam ko kung nasaan sila" Sabi nito saka ngumiti sumunod nalang ako dito. Nakita ko naman sa di kalayuan si melvin. Oww magkasama lang pala sila.






THIRD PERSON'S POV


Tirik na tirik ang araw dahil magtatanghali na. Kasabay nito ang malakas na hiyaw ni merry na animo'y pinapahirapan ng lubusan.











"Ahhhhhhhhhh!!!!"





CURSED SUBDIVISION Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon