CHAPTER 03

4.8K 200 6
                                    

NARIAH RIYE VELNIROÑIA

We were done buying so we headed the way to Lumen Academy. Kailangan pa naming sumakay ng bus dahil nasa pinaka gitna ang Lumen Academy, kumbaga siya ang pinakacenter ng Cretorven.

Siguro mga dalawang oras pa bago kami makakarating ng Akademya.

Tumigil sa harapan ko si Sister Katie at hinawakan ang dalawa kong kamay.

"Nak, mag-iingat ka dun ha? Wag na wag kang makikisali sa gulo o gumawa ng di kaaya-ayang gawain." Pagpapaalala niya sa'kin.

Sana nga...

Makalipas ang ilang oras ay nakababa na kami ng bus at nasa harapan na kami ng isang malahiganteng gate ng Lumen Academy.

"Halika nak at kumapit sa akin." kahit nagtataka man ay ginawa ko ang sinabi niya. May binanggit siyang spell na hindi ko mainindihan. Maya-maya ay nakikita kong umiikot ang paningin ko at parang kung may anong sensasyon akong nararamdaman sa aking katawan at sa isang iglap ay bumulagta sa amin ang naglalakihang mga gusali.

Wala ka halos makikitang mga estudyante dahil lahat sila ay nasa kani-kanilang klase ngunit meron din akong nakikitang mga estudyante na tumitingin sa gawi namin.

"Tara na nak, kailangan na nating pumunta ng Administration Office para kunin ang mga uniporme at gamit mo at para narin maregister ka na dito."

Tumango nalang ako sa kaniya at iniikot ang tingin sa mga naglalakihang gusali at mga punong nakapalibot sa paaralang ito.

Halatang mga mayayaman ang nag aaral dito.

Hindi ko pa pala nababanggit na bago sabihin sa akin ni Sister Katie ang pagpasok ko dito ay in-enroll niya na pala ako kaya kahit anong gawing pagtanggi ko ay wala akong magagawa.

Alam ni Sister Katie ang pasikot-sikot sa paaralang ito dahil minsan narin siyang nag trabaho dito. Base lamang iyon sa sinabi niya. Ano naman ang naging dahilan ng paglisan niya sa paaralang ito?

Maraming napapatingin sa gawi namin at animo'y nagtataka. Hindi ko nalang sila pinansin at sumunod na lang ako kay Sister Katie.

Nandito na kami sa harapan ng pintuan na sinasabing Administration Office at kumatok ng tatlong beses si Sister Katie.

Maya-maya ay bumukas ang pinto at tumambad sa amin ang babaeng simple lamang ang taglay na kagandahan ngunit natitiyak kong kaedad niya lang si Sister Katie.

"I'm glad to meet you, I'm Klea. The Head Administer of this Academy."

Pagpapakilala niya sa amin. Pumasok na kami ni Sister Katie at umupo sa malambot na upuan. Napaka-eleganteng tignan ang mga gamit dito sa loob at napakalaki. Hindi mo maiiwasang hindi tignan ang mga bawat gamit dahil lahat ng mga ito ay kumikislap.

"Visch—I mean Katie what are you doing here?" mahinhin na tanong ni Ms.Klea habang nakatingin kay Sister Katie. Nagsalubong ang aking kilay sa narinig. I'm very sure na may sasabihin sana siyang ibang pangalan.

"Ipaparegister ko lamang ang aking alaga at aalis narin naman ako pagkatapos kong iregister siya dito." Paliwanag sa kaniya ni Sister Katie. Napansin kong parang naguluhan siya pero kalaunan ay tumango siya at may pinindot na bagay saka may lumabas na hologram na sa tingin ko ay galing 'yon sa bayan ng Techreinal.

May kinuha siya sa isang sulok at may binigay sa akin na mga gamit.

"That is your uniforms, shoes, and other things that you may need." I nodded at her as a sign that I understand her.

"Last but not the least, this is your dorm key, clanner card and your schedule." Tumango nalang ulit ako sa kaniya at nakita kong nakangiti sa akin si Sister Katie kaya ngumiti din ako pabalik ngunit pilit lamang.

She looks happy, while I'm not.

"Iha, hindi mo ba tatanggalin ang eye patch sa mata mo?" Umiling lang ako sa kaniya.

Hindi ko maaring tanggaling ang eye patch na ito. Matatakot sa'kin ang ibang mga estudyante rito.

"Nak, tara na at ihahatid kita sa magiging dormitoryo mo."

Hinawakan niya ang kamay ko at hindi na ako nag atubiling tanggalin iyon. Hindi ko na nakabisado ang mga daang tinatahak namin dahil masyadong marami na kaming dinaanan at ang pokus ko lang ay ang mga nag gagandahang mga tanawin.

Maya-maya ay nakarating na kami sa aming destinasyon at tinignan ang napakalaking kulay pink na gusali. Ito na siguro ang tinatawag nilang Girl's Dormitory.

Maganda nga tulad ng pagkakapaliwanag sa'kin ni Sister Katie.

"Nak, pa'no ba yan hanggang dito nalang ako at kailangan ko ng umalis." Ngumiti nalang ako sa kaniya at niyakap ako saka ginawaran ng halik sa noo.

"Sige na nak, pumasok ka na. Lagi kang mag iingat ha?" I nodded at her. Tinahak ko na ang daan papunta sa building.

Pumasok na ako sa building na ito at tinignan ang numero na nakalagay sa susi.

Number 342 huh? I see.

Sumakay na ako ng elevator at tinype ko ang number na 342. Maya-maya ay bumukas na ang pinto ng elevator kaya lumabas na ako at bumungad sa akin ang napakatahimik na hallway na animo'y walang katao-tao.

Tumapat na ako sa pintuan at tumambad sa akin ang simpleng pagkakadisensiyo ng loob ng dorm. Napansin kong may dalawang kwarto sa taas kaya nalaman kong may kadorm mate ako.

May kasama pala ako rito. Mukhang mahihirapan akong lumayo sa mga tao.

I went upstairs and entered in my bedroom at agad na sumalampak sa higaan.

Nakakapagod ang araw na ito. Dito na pala mag uumpisa ang bagong yugto ng buhay ko.

I hope nothing will gonna happen in the Orphanage...

Tumingala ako sa kisame at pinagmasdan ito at inaasahan ko na mamaya dadating ang karoom mate ko. Sana naman isang matino at seryoso ang makasama ko.

It does matter right? Everything happens for a reason. I hope so...

Lumen Academy: Who Am I?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon