4 - They're here

7.2K 477 140
                                    




4 - They're here



Napahinto si Dr. Vergara sa paghigop mula sa bitbit na tasa ng kape noong buksan niya ang pinto ng kanyang opisina. Hindi niya inaasahang may madadatnang tao doon. Inilibot niya ang paningin sa buong silid at ibinalik iyon sa dalagang nakatalikod sa kanya.



"Where's Kevin?"



"Taking a bath," walang lingon na sagot ni Yuan. Hawak ang hinawing kurtina sa kanyang kaliwang kamay, nakatitig siya sa may bintana at pinapanood ang pagbuhos ng malakas na ulan sa labas.



Tumatangong nagpatuloy ang matandang doktor sa pagpasok. Ibinaba niya ang tasa sa mesa at muling lumingon sa dalaga. "Do you need anything?"



Lumipas ang ilang segundo at hindi umimik ang dalaga. Kung normal na pagkakataon ay magtataka si Dr. Vergara pero alam niyang may mabigat na pinagdadaanan ngayon ang kanyang kausap. Lumapit siya dito at pinanood din tubig ulan na umaagos pababa sa salamin ng bintana.



"Ilang linggo na ding pabalik-balik ang ulan. Mukhang may bagyo. Kevin and I weren't even able to go out last Saturday due to the heavy rain. Buti na lang may pagkain pa." Sinubukan ng doktor na magsimula ng usapan pero wala pa rin siyang natanggap na kahit na anong reaksyon mula sa dalaga. Tumingala na lamang siya sa makulimlim na langit.



"You didn't tell us everything."



Mula sa bintana ay unti-unting nailipat ni Dr. Vergara ang tingin kay Yuan. Hindi siya sigurado kung tama ba ang pagkakarinig sa sinabi ng dalaga na nananatiling nakatingin sa bintana.



"If those helicopters dropped zombies all over the country, how come there's none here in Batanes?" Nilingon ni Yuan ang kausap na tila na-pipi dahil sa tanong niya. "Are those people here?"



"Yuan..." Susubukan sanang magpaliwanag ng doktor pero tila nanghina siya dahil sa kawalan ng buhay sa mga mata ng dalaga. Dahan-dahan siyang tumango. "Crescent's laboratory is here in Batanes."



Napapikit si Yuan dahil sa kumpirmasyon.



"But I didn't and never plan to bring anyone to the organization," paliwanag pa ni Dr. Vergara. "I also want to end this, Yuan."



"I appreciate that you saved me but I don't trust you," dire-diretsong sabi ng dalaga noong magmulat at tumingin mismo sa mga mata ng matandang doktor. Tumalikod siya at naglakad patungo sa pintuan. "Unfortunately, Kevin does. He really thinks you're here to help us. At least, tell him if you're not."



Napakamot sa ulo si Dr. Vergara habang pinapanood si Yuan na maglakad palayo. Noong nasa pinto na ito ay marahas siyang bumuntong hininga. "Take a sit."



Blangko ang ekspresyon ng dalaga noong pumihit pabalik at naupo sa harapan ng table. Pumwesto naman si Dr. Vergara sa kabilang dulo.



Ilang beses pa munang bumuntong hininga ang doktor na tila ba pinagiisipang mabuti kung tama bang sabihin kay Yuan ang lahat. "Crescent has at least a hundred employees that live as normal citizens here in Batanes that's why they're keeping the whole province zombie-free. That's why we're safe here."



Nagsalubong agad ang mga kilay ni Yuan. Bahagya siyang tumawa ng mapakla. "Paano kayo nakakasiguro? Do you really think those people value human lives?"



Diretsong tumingin si Dr. Vergara sa mga mata ng dalaga para iparating na sigurado siya sa susunod na sasabihin. "That's the only good thing in that organization. They protect all members at all costs."



2025: The Second HalfTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon