"Avi, okay ka lang? Maputla ka." Nag-aalalang tanong sa akin ni Rachel kaya mula sa libro ay lumipat ang mga mata ko sa kanya.
"Okay lang. Medyo sinisipon." Sagot ko at sumunod si Elysa sa pagsita sa akin.
"Eh, paanong 'di ka sisipunin? Mukhang nilusob mo yata 'yong ulan kahapon! Wala ka bang payong?"
"Mayroon. Pwede ba? Magbasa na nga kayo. May quiz pa tayo." Sabi ko at alam kong nagulat sila sa sinabi ko. Sino ba naman ang hindi magugulat? Ako? Magsasabi nun?
Pero wala talaga ako sa mood makipag-usap dahil sa sipon na nararamdaman ko. Dahil na rin sa para bang bigat na pakiramdam ko ngayon. Iisipin ko sanang dahil sa mga pinapagawa ng mga prof namin 'yong sakit ng ulo ko pero hindi eh, tama si Elysa. Dahil sa paglusob ko sa ulan kahapon.
Paano ba naman ako hindi mapapalusob? Eh, wala akong payong. At kahapon pa walang tigil ang ulan hanggang ngayon. May bagyo, signal number one lang dito sa Maynila. Pero as usual, aasa pa ba kaming isu-suspend ang college? Mga bangus kaya kami.
Pero shet, ang sakit ng ulo ko. Idagdag mo pa itong pa-singhot-singhot ako. At alam kong naiirita na itong tatlong kasama ko ngayon dahil sa nakakairitang pagsinghot ko na nakakaitsorbo sa pagbabasa ng libro rito sa library.
At ako, nagbabasa nga, pero hindi ako makpag-focus dahil sa panghihina na nararamdaman ko. Parang anytime ay babagsak ako.. Sa sahig ah. Mas okay na sa sahig, kaysa grades ko ang bumagsak.
Nabigla ako nang hawakan ni Lesly ang noo ko. Nanlaki ang mga mata niya nang bumitaw siya.
"Oy, shet, Avi. Ang init mo!" Sabi niya.
Alam ko 'yon, 'no. Hot talaga ako. Kaya ang daming nagkaka-crush sa akin eh.
"Oo nga, may lagnat ka." Sabi rin ni Rachel nang sumunod siyang humawak sa akin, sa leeg naman.
"Ano ba? Huwag niyo na akong pansinin." Sabi ko naman dahil nag-aalala na naman silang tatlo sa akin.
"Gaga ka. Mukha ka pang nanghihina. Magpahinga ka na lang kaya. I-excuse ka na lang namin."
Makapagsabi ito ng excuse, para namang mangyayari! Excuse? Uso ba 'yon? Hindi na 'yon uso sa college!
"Hindi na nga, kaya ko pa. Sipon lang ito, para kayong ano.." Pagpupumilit ko pa.
Pero iba ang nangyari, hindi na ako nakapasok sa second subject dahil sa nararamdaman ko. Ako na mismo ang nagpaalam sa prof namin sa Financial para naman makita niya ang lagay ko at makapagdesisyon kong papayagan niya ba akong umuwi na. Himala, nag-alala rin sa akin si Sir Mark at pinauwi na ako.
Nakauwi ako sa dorm, naglakad pa rin ako pauwi. Syempre, nakapayong na ako. May dala na ako eh. Ayaw ko naman nang dagdagan pa itong sipon ko at parang init na nararamdaman ko.
Nang mabuksan ko ang pinto ko, agad na akong dumiretso sa kama ko para ibagsak itong sarili ko. Ito lang pala ang hinahanap ko, itong kama. Ito ang kanina ko pang gustong gawin.
Humiga ako nang padapa at pumikit. Mukhang natuluyan nga ako dahil sa paglusob ko kagabi sa ulan. Kahit nakipayong ako kay Sir Lean, tapos sinunod ko 'yong sinabi niyang iligo ko dahil sa basa ako.
Bumuntong-hininga ako, at ramdam ko ang init ng hininga ko dahil doon. Ibinukas ko ang mga mata ko, parang 'di ko kayang idilat nang hanggang 10 seconds kaya napapikit ulit ako. Kinuha ko ang kumot na nakatupi sa inuunan ko at agad na itinalukbong sa akin. Malamig eh. Hanggang sa itulog ko na lang.
Nagising ako, parang mas lumakas ang ulan. Oh, wala pa ring tigil. Buti na lang at third floor kinaroroonan ko. Iisipin ko sanang babahain na 'ko rito sa dorm. Papikit-pikit pa akong inabot ang phone ko sa ilalim ng unan ko para tignan ang oras. 5:25 na rin, naka-tatlong oras din ako sa pagtulog.
BINABASA MO ANG
Until The Sunset
RomanceAvi is an appreciative woman in a way that she's contented in everything she has in her life. She rarely wishes about things that a typical woman would also wish for. Whenever she wishes for something, it is most likely about her family, to totally...