27. Bucket List

474 28 5
                                    

Chapter 27: Bucket List

Landon

Pagabi na nang matapos ang operasyon ni Yala at nailipat na rin siya sa kaniyang kuwarto para makapagpahinga. Naisin ko man siyang puntahan para kumustahin manlang subalit pinigilan ako ng mommy niya dahil natutulog na raw ito, ayaw ko rin naman siyang istorbuhin kaya bumalik na lamang ako sa sarili kong kuwarto. Ipapakita ko rin kasi sana sa kanya 'yong bucket list ko, katulad ng napagkasunduan namin kahapon.

-

Kinabukasan, pagkatapos kong kumain ng almusal, uminom at tinurukan ako ng gamot ni Nurse Jenny, agad na akong nagtungo sa kuwarto ni Yala, dala-dala ang notebook ko. Kailangan ko na siyang bisitihan ngayon dahil bukas, hindi ko na magagawa iyon, magsisimula na kasi ang unang araw ng Chemotherapy ko at ang ibig sabihin no'n, isang linggo muli akong nakahilata sa kama ko habang maraming apparatus na naman ang nakakabit sa ibang bahagi ng ugat ko; sa may katawan ko. Lalaban na ulit ako sa tunay kong laban.

Isinuot ko ang ngiti ko nang magsimula na akong kumatok sa harapan ng pintuan ng kuwarto ni Yala. Hindi na ako naghintay na pagbuksan pa ako ng mga taong nasa loob dahil dulot ng excitement, agad ko na ring dinahan-dahan pihitin ang door knob. Una kong ipinasok ang ulo ko para bahagyang silipin kung anong meron sa loob.

Bumaba ang ngiti ko at nagtaka nang maabutan ko si Yala na tahimik at nakatulala sa labas ng bintana, wala sa sarili at malamin ang iniisip. Mukhang hindi niya pa nararamdaman ang presensiya ko dahil hindi manlang ito tumitingin sa direksyon ko. Bakit hindi ko manlang nakuha ang atensiyon niya? Mukhang hindi rin kasi niya narinig ang pagkatok at pagbukas ko ng pintuan. Inikot ko ang paningin ko sa paligid, napansin kong wala pala 'yong mga magulang niya rito sa loob ng kuwarto niya kaya mag-isa lang siya ngayon.

Napakunot man ang noo ko, binura ko pa rin iyon at pinalitan ng ngiti. "Hello!" masigla kong bati sa kanya at tuluyang nang ipinasok ang buong katawan ko sa loob ng pinto.

Mabuti na lang, nakuha ko na rin agad ang atensiyon niya dahilan para tumingin siya sa akin na may kasamang pagkabigla. Agad siyang napangiti ngunit hindi niya magawang itago ang bakas sa mukha nito ang kakaibang lungkot dahil hindi sumabay sa kaniyang pagngiti ang kaniyang mga mata.

"Andiyan ka pala... Hi," bati niya sa akin. "Good morning."

Hindi na ako bumati pa at tumango na lang. "Kumusta na?" naglalakad ako palapit sa kanya habang tinatanong iyan.

"Heto, ayos naman. Naputol na talaga 'yong kanang binti ko at medyo kumikirot-kirot pa siya ngayon. Hindi ko pa kayang gumalaw-galaw kasi sumasakit." Umiwas siya ng tingin sa akin at bumaling ulit sa bintana. "Bakit ka nga pala naparito?"

"Maliban sa kukumustahin lang sana kita, napag-usapan din kasi natin na magpapakitaan tayo ng mga bucket list natin, 'di ba no'ng isang araw? Dapat nga kahapon iyon, eh."

Muli siyang tumingin sa akin. "Ay, oo nga pala." Napakamot siya ng ulo. "Puwedeng pakikuha no'ng notebook ko sa loob ng drawer kong iyon," malumanay niyang utos sa akin habang may itinuturo ito.

Tumango ako sa kanya at pinuntahan kung ano man ang itinuturo niya. Pagkabukas ko ng drawer, may isang kulay-rosas na notebook ang nasa loob nito at sigurado akong ito 'yong tinutukoy niya na kung nasaan nakalista ang bucket list niya.

"Malaya kang basahin iyan pero akin na muna 'yong sa iyo," sambit niya.

Umupo ako sa tagiliran ng higaan niya at saka, walang pag-aalinglangan ibinigay sa kanya 'yong notebook ko. Pagkatapos niyang kunin iyon, agad niya rin iyong binuklat. Taimtim ko muna siyang pinagmasdan habang nagbabasa, halata talaga sa kanya na wala siyang gana ngayon, nababasa ko talaga sa ekspresyon ng mukha niya na nalulungkot siya. Hindi ko alam kung dahil ba 'yon sa kahapon o sa anumang bagay.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon