Chapter 18

4.5K 223 23
                                    

***

BRIGHT

Kinabukasan, nakatambay lang ako sa labas, sa hardinan nina Haze. Malalim ang iniisip hanggang sa tumingala ako at nakita ang tree house.

I sighed. Is it really okay for me to fall?

Umiling ako. I shouldn't fall for Haze. Ano bang pumasok sa isipan ko at hinayaan ko ang sarili? I bit my lower lip and stood up at napailing at sumagi sa isipan ko ang katotohanang wala rin naman akong magagawa.

Naglakad ako papasok sa loob at paakyat. Bago pumasok sa kwarto ni Bright, huminga muna ako nang malalim.

And when I enter, magkayakap si Haze at Clara na mahimbing na natutulog. Tumitig ako sa kanila. And the familiar pain came back.

I sighed once again and sat down at the sofa. Tumitig ako sa nakapatay na TV.

Out of frustration, ginulo ko ang buhok ko. Bakit ba ako nagkakaganito? Hindi ko maintindihan ang sarili ko.

Muli akong tumayo at lumapit sa kanila. Tumitig ako kay Haze. Wala akong inisip kundi ang titigan lang siya. Titigan ang maamo niyang mukha. Makapal na kilay, pointed nose, and red lips. Umiling ako.

Napunta naman kay Clara ang titig ko pero binalik ko rin ulit kay Haze. I noticed late that my tears are already streaming down my face. Napahawak ako sa bahagi ng dibdib ko and clutch it.

"Bright?"

Mabilis akong tumalikod at pinunasan ko ang mga luha bago pa man niya ako mahuli at muling humarap at saka ngumiti.

"Bakit?" I asked, keeping my voice not to crack.

"Kanina ka pa ba diyan?" bumangon na siya. Clara is till asleep. My stare flew to her hands that were snaked around Haze's waist.

Tinanggal naman 'yon ni Haze nang marahan bago bumaling sa akin.

Umiling ako. "Ngayon lang," sabi ko.

"Bakit ka pala nakatayo diyan?" tanong niya.

I bit my lips. "Plano ko sana kayong gisingin, e," I lied. He just nodded at deretso na sa banyo para makapagbanyo.

Lumipas ang mga oras at gising na gising na ang mga tao sa bahay nila. Nakasunod naman ako sa dalawa pababa ng hagdan.

"After breakfast na lang tayo pumunta sa kapatid ni Bright," sabi ni Haze.

"Oo nga pala. Daan muna rin tayo sa bahay." si Clara. Haze nodded.

Haze's parents were at the living room. Bumati agad ang Daddy at Mommy ni Haze ng good morning sa kanila.

Ako naman ay tahimik lang. I couldn't seem to feel the happiness that the two are feeling, especially kay Clara. Kabaliktaran ang nangyayari ngayon.

Kung kahapon malungkot si Clara, ngayon ako naman ang malungkot. Sa akin naman dumapo ang lungkot.

I can feel kung gaano kasaya si Clara ngayon habang ako, hindi ko maipaliwanag ang nararamdaman.

"Ang kapatid mo pala, Clar. Naiwan 'yon kagabi?" tanong pa ulit ni Haze.

Clara laughed. "Wala sa bahay 'yon. Nagtext kahapon na hindi makakauwi dahil may gagawin siyang project so he had to sleep to his groupmate's house."

Haze nodded.

Napabaling naman sa akin si Clara.

"Were you able to sleep?" tanong sa akin ni Clara. I nodded. Kahit ang totoo ay hindi talaga ako nakatulog dahil sa sobrang pag-iisip.

Until We Meet Again (BL) (Wattys 2020 Winner)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon