Roan Dela Mercid
"Isabel, kinakabahan ako." Ang seryoso kong sabi kay Isabel habang nasa loob kami ng sasakyan.
Pagkatapos ng proposal ni Axel, inaya niya akong bumalik sa Manila. Ayoko pa sanang iwan ang Negros dahil napamahal na rin ako sa lugar na 'yon pero sabi ni Axel mas mabuti daw na dito upang mapaghandaan din namin ang panganganak ko.
"Why ba? It's not like it's your first time to meet his family. Doon ka kaya lumaki." Ang nagtatakang tanong ni Isabel sa akin.
Hindi naman siya nagkakamali but we parted in a bad way. Lalo na sa mga magulang ni Axel. I know I disappointed them noong birthday party ni Axel. Kaya nahihiya akong makita sila ulit.
"Nevermind. Saka bakit ba andaming nakasunod sa ating mga sasakyan?" Ang nagtataka kong tanong dito.
Pinapagitnaan ng dalawang motor ang sasakyan namin. Sa unahan namin ay dalawang itim na sasakyan at dalawang motor din. Ganun rin ang set-up sa likuran namin. Hindi kaya masyadong oa ito?
"It's better to be safe than sorry, sweety. You'll have to get used to this." Si Axel na ang sumagot sa akin.
Nakaupo ito sa harapan katabi ang kaibigan nitong si Esmero na diretso lamang ang tingin sa daan. Pero panaka-naka itong tumitingin sa front mirror para silipin si Isabel na busy sa cellphone niya.
Sa hindi kalayuan muli kong natanaw ang mansyon na tinirhan ko ng ilang taon. Ang mansyon kung saan nabuo at nagsimula ang pagtingin ko kay Axel. The place where I grew up. The place I used to call home.
Napahimas na lang ako sa aking tiyan dahil sa pinaghalong kaba at excitement.
Huminto ang aming sasakyan sa harap ng mansyon. Naunang lumabas si Axel at pinagbuksan ako ng pintuan.
"Ayos ka lang?" Tanong niya habang pinupunasan ang namumuong pawis sa aking noo. Kinakabahan talaga kasi ako. Lalo pa't ipapaalam rin ngayon ni Axel sa kanila ang tungkol sa amin. Hindi ko alam kung tatanggapin nila kami.
"Medyo nahihilo lang ako ng kaunti." Ang sagot ko dito.
"Okay, lovebirds sa loob na kayo maglandian because I'm already hungry." Napalingon ako kay Isabel st sarkastikong ngumite dito. She smiled back at me with the same level of sarcasm bago nito isinuot ang kanyang mamahaling salamin at naglakad patungo sa pintuan ng mansyon.
Nakaalalay lang si Axel si akin habang nilalandas namin ang daan patungo sa pintuan. We stopped beside Isabel before Axel pushed the big door wide open. Nalungkot ako nang makitang walang sumalubong sa amin. Kahit si Austine man lang ay hindi ko nakita. Sinabi ko naman sa kanya na pupunta kami dito pero...baka may iba itong ginagawa o busy.
Naglakad si Isabel papunta ng dining hall at kami naman dalawa ni Axel at tahimik lang na nakasunod dito. It's already past 1 at kaunti lang ang kinain ko kanins sa eroplano.
Pagbukas ni Isabel sa pinto ng dining hall sunod-sunod na putok ng confetti ang narinig at nakita ko.
"CONGRATULATIONS!!!" Ang malakas na sigaw ng mga tao dito sa loob ng dining hall.
Nakita ko ang mga magulang at lahat ng kapatid ni Axel maliban kay kuya Jonas. Nandoon rin ang kasintahan ni Ian na si Melisa, ang buong pamilya ni Austine, isang babae at lalaking hindi ko kilala at si tito Christian na karga-karga si Nigel.
BINABASA MO ANG
JB2: The General's Affair [BXB] [√]
RomanceJuariz Bachelors #2 [BXB] [MPREG] STATUS: COMPLETED Lumaki si Roan Dela Mercid kasama ang mga anak ni Don Allistain Juariz na amo ng kanyang ina. Growing up, Roan was particularly close with Axel Juariz ang isa sa pinakabatang heneral ng Pilipinas...