Obsession 38

14.7K 600 50
                                    

Third Person

"You will be a valuable asset. Help me win this war," alok ni Lucios sa kanyang kausap ngayon ngunit tanging iling lang ang iginanti nito.

Nang malamang nagising na si Caldrix ay agad siyang naghanap ng malalakas na bampira upang kumampi sa kanya. Hanggang ngayon ay hindi niya mawari kung paano nagising si Caldrix gayong ang sabi ni Laila ay malakas ang spell na naigawad niya rito.

Ngunit lingid sa kanilang kaalaman, ang koneksiyon nila ni Gresha ang nagpagising sa kanya. Nang masira ang King's Seal ay agad naramdaman ni Caldrix ang takot ni Gresha kaya ginawa niya lahat upang magising.

"No matter what you do, I won't join you, brother. My wife died because of a war like this. I will not do same mistake twice," sagot ni Lukas kaya napahampas si Lucios sa mesa.

Si Lukas Black ang kaisa-isang kapatid ni Lucios. Ngunit magkapatid man, ay magkaiba ang prinsipyo ng kanilang buhay. Mas gusto ni Lukas ng tahimik at simpleng buhay para sa kanyang dalawang anak na tinuturing niyang kayamanan.

"You're too powerful to be hidden here. You're making yourself even more useless as you were. We should be ruling the whole Vampyria like what our ancestors did. We were born to rule and conquer."

"Kung hindi lang naging sakim ang ating mga ninuno, malamang ay ang pamilya pa rin natin ang naghahari ngayon. They did a terrible mistake, it's just fitting for us. You're still lucky to hold such position, and I can't comprehend why you still want more."

Bago malagay sa trono ang pamilyang Dark, ang mga nakaraang hari ay kadalasang galing sa pamilyang Black. Ngunit ang ninuno ni Lucios ay nakagawa ng malaking pagkakamali kaya pinatalsik sila sa trono.

Nagnais silang sakupin hindi lang ang Vampyria, kundi ang buong kaharian ng ibang lahi. Una nilang pinuntirya ay ang teritoryo ng witches at wizards. Pinuksa nila halos lahat sa kanila kaya hanggang ngayon ay tuluyang nabura ang mga mangkukulam. Bilang na lang ang natira sa kanila, at mas piniling magtago sa takot na maulit muli ang pag-ubos sa kanilang lahi.

Doon nakilala ni Lucios si Laila Witchter. Dahil sa pagmamakaawa nito ay iniligtas siya ni Lucios. Ngunit hindi basta basta ang pinagdaanan ni Laila sa kamay ni Lucios.

"You are full of excuses," asik ni Lucios sa kanyang kapatid.

Lumapit ang isang kawal ni Lucios at hinatid sa kanya ang balitang pagkakadakip sa kabiyak ni Caldrix, kaya naman ay malapad na ngisi ang gumuhit sa mukha nito.

"Perfect! Just what I need right now!" bulyaw niya at napalingon sa kanyang kapatid.

"For now, I can't do something about you. But once I become the king, you'll be the first one to taste my power. And to tell you honestly, I'm already winning."

Hindi na lang kumibo si Lukas at hinayaang maglaho sa paningin niya ang kanyang sakim na kapatid. Ngunit hindi mawala sa kanyang dibdib ang kabang nararamdaman dahil sa banta nito.

Gresha

Nagising ako sa isang hindi pamilyar na silid.

Sinubukan kong alalahanin ang huling nangyari sa akin at naalalang hinuli ako ng isang di-kilalang lalaki.

Napalingon ako ng biglang bumukas ang pinto.

"Make yourself ready," pahayag ni Stacey nang makapasok siya.

Tulad ng napagkasunduan, isinuplong niya si Lord Alexus sa kanyang ama upang makuha ang tiwala nito.

Napatango lang ako sa kanya. Buo na ang loob ko. Ito lang ang tanging paraan upang makatulong ako, upang mabigyan ko ng hustisya ang sakripisyong ginawa ni Cassiopeia.

Fated To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon