Chapter 42

38.7K 1.8K 658
                                    

Azriel

I watch Azriella lost her consciousness after I denied that she is my twin. Pinanood ko ang pagtakbo sa kaniya ng babae at niyakap ang walang malay na katawan nito. She's crying then she glanced at me.

"Anak, nagkakamali ka. Kapatid mo si Azriella. Mahal mo siya bilang kapatid, bilang kakambal, hindi bilang isang babae! Please, Dustin ko, huwag ganito," aniya at humagulhol.

I look around. Nilapitan siya ng lalake na sinasabing ama ko raw. I can feel nothing but anger. I know what I'm feeling! For the first time in my life, I felt the feeling of love. Tapos sasabihin na mali?

Umalis ako noon kahit ano pang pagmamakaawa nila sa akin. Galit na galit ako sa mga tunay kong magulang at dinadagdagan pa nila ang galit ko. Hindi pwede na darating na lang sila isang araw at sasabihin na mali ang ginagawa ko! Na mali ang pagmamahal na nararamdaman ko. I was deprived of the chance to love and to be loved. And now that I got it, they will invalidate me.

It all started when I was a kid. Wala akong alaala na kahit ano. Basta namalayan ko na lang na lumaki ako sa isang ampunan. I watch other kids playing with each other but I don't have a will to play with them. I was named Azriel. Natagpuan daw ako at ang tanging alam ko lang sabihin ay ang Azriel kaya naisip nila na iyon nga ang pangalan ko.

May umampon sa aking mag-asawa. They are so eager to get me. Narinig ko na ayon kasi sa hula sa kanila ay magiging swerte sila kapag nakakuha ng ginto. And that is the color of my eyes and hair. I was just a kid and I was longing for something. Akala ko sa kanila ko 'yon makukuha but I was wrong.

Nagsimulang gumanda ang kanilang buhay nang mapunta ako sa kanila. Ngunit sa kabila noon ay nalulong sila sa bisyo. O bago pa nila ako makilala ay may bisyo na sila na droga at hindi ko alam paanong pumayag ang ampunan na ibigay ako sa kanila. Bata pa lang ako ngunit nakakita na ako ng patayan, gulo at kung anu-anong kamunduhan sa loob ng kanilang mansion. It is horrifying for a kid like me.

Hanggang sa isang gabi ay nasali ako sa pananakit. Nagdugo ang aking braso matapos madaplisan ng patalim. Noon ko unang nalaman na hindi ako normal. Gumaling ang sugat ko sa loob lamang ng ilang segundo at nakita nila iyon. Since then, they would torture me. Ginawa pa akong entertainment show. May entrance fee pa kapag gusto manood. Lahat ay lango sa droga. Tapos magbabayad din iyong gusto akong saksakin. At wala 'yon problema para sa mga umampon sa akin dahil gumagaling naman agad ang sugat.

"Iyong blade naman. Talupin mo nga iyong anit!"

"Gripuhan mo sa tagiliran."

"Tangina, magic talaga! Isa pa nga na saksak!"

I would cry in pain. Nagmamakaawa na itigil nila. The boy would beg and shout in pain. Ngunit ang ginawa lang ay binusalan, itinali ang mga kamay at paa saka isinabit. Sometimes, I am a dart board for them. Minsan iyong dart ang gamit pero madalas ay kutsilyo. Hindi ko maintindihan kung paano nila nagawa ang ganoon na kahayupan sa isang bata na walang muwang. But what should you expect to the people who are addicted to drugs?

Ang inaasahan ko ay makaranas ng pag-aalaga at pagmamahal. Ngunit iba ang aking natanggap.

"Azriel, huwag ka na mag-inarte! Wala kang utang na loob, ah? Ikaw na nga ang inampon kaya gawin mo ang tungkulin bilang anak. Lalake tapos iyakin!"

Sa nagdaang mga taon ay pahina nang pahina ang aking iyak. Hanggang sa katagalan ay wala na akong kibo. Hindi na ako umiiyak. Hindi na ako nagmamakaawa. Hinayaan ko na lang sila. Napuno ako ng galit at pagkamuhi sa mga tao sa paligid ko. Pati na rin sa mga tunay kong magulang na hindi man lang ako hinanap. O baka sinadya nila akong iwala. At dahil sa kanila ay naranasan ko ang lahat ng 'to.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon