"Shane, dito oh! Mamaya na yan si Oliver. Ako naman ang kunan mo ng litrato.""No! Bessy. Magandang view dito oh. Kunan mo ulit ako na nakaganito."
Tapos na kaming kumain ng Lunch kanina sa Students Hall. Lunch pack yung mga ibinigay ng School nila. Tulad nga ng inaasahan, ginawa akong photographer ng dalawa. Sana pala di nalang ako nagdala ng camera eh.
Nasa may Quadrangle ng LH kami ngayon. Todo pose si bakla banda sa may fountain kasi maganda daw yung view, eto namang si Jade, dapat ko daw picturan siya sa green grass habang nakaupo siya. Wala nang araw ngayon, hapon na kasi. Nasa bandang alas 3 na ng hapon. Nagsiuwian narin kanina yung mga Studyante ng Lharvy High dahil hanggang 2:30 lang sa hapon yung mga classes nila habang 4:30 naman yung uwian dun samin. Anperr diba.
Dahil wala na ngang mga Studyante na mga taga LH ay malaya kaming nakakapag-take ng mga pictures dito. Pinayagan kami ni Ma'am na magtake ng mga pictures pero dapat daw hindi kami lalayo dun sa Student's Hall at sa building na naka-assigned namin. Pinayagan kami pero hanggang alas 6 lang daw kami pwedeng gumala dito. Okay lang naman daw maglakad-lakad dahil madami namang ilaw na nakakabit sa School nato pero pag tinawag daw kami ng Adviser namin, kailangang umalis na daw kami sa area na ito for our safety kung sakaling gabi na.
At hanggang ngayon, di ko parin nakikita yung presence niya. Sinubukan ko nang tanungin at sabihan si Ma'am na kulang kami at may nawawala samin pero di ako pinansin ni Ma'am. Mukhang nagbingi-bingihan lang siya. Ayss. Ito namang mga classmates ko walang pakialam kung may nawawala naba sa mga kaklase nila. May mga sariling mundo kasi.
"Dali na Shane. Ako na kunan mo. Bilis." anang Jade sabay higit ng braso ko. Nakasabit naman sa leeg ko yung camera habang nagte-take ako ng mga pictures ni bakla kanina.
Tumango na din ako dahil si Jade naman ngayon yung pipicturan ko at lalayo na sana ako kay bakla pero hinigit din ni Oliver yung isang braso ko.
"Di pa tayo tapos magpicture bessy eh. Ako muna kasi Tombz." sabay baling niya kay Beryl na ngayon ay nakakunot na ang noo. Ayss. Parang mapapasama ako sa gulo nila ah.
"Hoy bakla! Kanina ka pa kaya. Ako naman ngayon." Hinila ako Beryl kaya nadala yung katawan ko papunta sa kanya.
"Bakit kasi hindi ka nakakaintindi? Hindi pa nga kami tapos!" hinila din ako ni bakla kaya napasama yung katawan ko sa side niya. Ano ba naman tong dalawang to. Pambihira.
"Ah ganun. Kinakalaban mo na ako?" binitawan na ako ni Jade na siyang ipinagpapasalamat ko. Hayss buti naman.
"Hindi kasi habangbuhay susunod ako sayo." Anang bakla naman tapos binitawan narin ako. Salamat naman. Nakawala rin ako sa dalawang baliw nato.
Pasimple akong umalis sa harapan nila na hanggang ngayon ay nagbabangayan pa din saka mabilis na akong naglakad nang hindi tumitingin sa likod. Hindi namin kasama si Peach. Ewan ko kung saan nagsusuot ang babaeng yun. Kumain lang kami kanina, nawala agad.
Nakahinga ako ng maluwag nung masiguro kong nakalayo na ako sa dalawa. Hindi naman siguro sila aabot sa puntong magpapatayan na. Di naman siguro mali yung desisyon kong iwanan sila dun.
Tinignan ko yung paligid. Napunta na pala ako dito sa mga Tree house ng LH. Yung treehouse nila made of wood lang pero di mo mahahalata kasi may pintura na. Magandang pagmasdan, parang mumunting bahay. I think isa or dalawang tao lang ang kasya dun sa loob. Kinuha ko naman yung camera ko at pinicturan yun.
BINABASA MO ANG
Destined With Her (GxG)
Teen FictionDarylle Shane Yen-Alonzo and Cassidy Sandoval-Fontalejo Kwento ng dalawang taong pinagtagpo ng tadhana.At tinadhana sa isa't isa.. Pero tinadhana nga ba? Alamin.. -- -READ AT YOUR OWN RISK- [Tagalog-English] Warning: This is GxG Story. If ever you'r...