o6 : Thaw

27.5K 1.3K 1.6K
                                    

chapter theme: little league - conan grey

chapter theme: little league - conan grey

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


"Copeland! Bumangon ka na! Copeland, it's 11 am already!"

Nagsisipa ako sa kama nang ginising ako ni Ms. Wilma. Minsan na nga lang ako makatulog nang walang masamang panaginip, nadidistorbo pa. The nerve of her to enter my room!

"Did you sleep with the lights on? We have to conserve energy, sweetie."

Napakamot ako nang marahas sa ulo ko at binaon ang mukha ko sa unan.

"Anong oras ka ba natulog at hanggang ngayon antok ka pa? Inumaga ka naman ba sa kaka-internet?"

I grunted and raised my middle finger. Why can't she just leave me alone!

"Aray!" Napasigaw ako nang bigla niya akong pinalo sa pwet. I propped myself up with my elbows and turned to glare at her. "What the fuck is wrong with you?"

She crossed her arms and raised an eyebrow, still smiling. "I have to go to the city today to attend my classes. I want to see you up and alive before I get to leave."

"Just go to your classes already!" I spat out angrily. "Mapagalitan ka sana ng teacher mo."

"I'm the teacher." She grinned.

"I thought you were a psychiatrist?" Napangiwi ako.

"I'm a part-time teacher, too!" she said with pride. "Now get up! Kawawa si Shrimp, siya lang mag-isa doon sa sala."

Naupo ako at marahas na napakamot sa ulo ko dahil sa narinig. "Why would you let that dumbass in?! Pauwiin mo!"

"Copeland, don't be rude," She sighed, gone was the smile on her face. "Shrimp is a nice boy and he even brought his father's toolbox just to help you out."

Napairap na lamang ako. Sino ba kasing nagsabi na kailangan ko ng tulong?

***

Pagkatapos kong maligo at makapagbihis, bumaba ako sa sala at naabutan ko si Shrimp na nakaupo sa sahig at mano-manong tinatanggal ang door knob gamit ang screwdriver. Nakasuot na naman siya ng pajama at oversized shirt, pero this time ay may suot siyang blue construction helmet at protective goggles.

Akala ko malinaw ang usapan namin kahapon nang tinanggihan ko ang offer niyang tulungan ako sa mga door knob at lock. Sa ginagawa niyang 'to, lalo niya lang dinadagdagan ang utang ko sa kanya. 

"This isn't how people settle a score, you dumb shrimp," bulalas ko.

"Uy! Sa wakas, gising ka na!" He beamed and looked at me for a second before continuing what he's doing. "Nakaalis na pala si Ms. Wilma, sabi niya i-microwave mo lang daw ang pagkain na nasa mesa."

Napakamot ako nang marahas sa ulo ko. "For the last time, I don't need your help. Kaya kong gawin 'yan. Umuwi ka na sa inyo."

Bumuntong-hininga siya at sandaling huminto sa ginagawa. "Eh sa wala akong ibang gagawin at bagot na bagot na ako rito. I thought you wanted to settle the score? Ito na oh, binibigyan mo ako ng mapag-aabalahan."

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 14, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Sleep now, CopelandTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon