Chapter 38

28.2K 1.3K 337
                                    

Silver

Napaatras ako at mukhang narinig nila ang galaw ko. Sabay ang kambal na napatingin sa akin. Then their eyes widen. Namutla yata lalo ang kanilang mukha kahit maputla na sila. I tried to smile at them. Tumikhim ako at nataranta ngunit pinili ko na lang na umaktong normal. I felt my heart clenching in pain. Pero hindi naman gaano. Hindi ko talaga alam kung ano ang dapat na reaksyon.

"Kamahalan.." natataranta na saad ng isa.

I smiled at them. Kumuha ako ng baso para uminom ng tubig habang malakas pa rin ang kabog ng dibdib. Akma na sila ang gagawa ng aking gagawin ngunit tumanggi ako dahil kaya ko naman. Napapikit ako pag-inom ng tubig. Ang ginhawa na dala noon ay hindi naalis ang kaba at kung ano man sa aking dibdib. Hinugasan ko ang ginamit na baso at nanatili naman sila sa gilid ko, nakayuko.

"Patawad po, kamahalan.." they said on chorus.

Nginitian ko na lang sila at naglaho na sa hangin. Hindi naman ako dapat magalit sa kanila dahil wala naman silang kasalanan. They are just talking about something. Na mukhang ginawang sekreto sa palasyo na 'to.

Humiga ako sa kama at natulala. Muling pumasok sa isip ko ang pinag-uusapan nila. So Azriel loved ate Patrisha in a way that he shouldn't? Paano nangyari iyon? But then I remember him sharing to me that he grew on the mortal world. Siguro ay hindi niya alam na kapatid niya si ate..

Bigla kong naisip ang litrato na nakuha ko no'n sa libro niya. Malamang nga ay sa mundo iyon ng tao nangyari dahil parang walang camera dito. Mayroon siyang kakaibang saya sa mukha noong pinakuha noon ang litrato na 'yon.

I close my eyes tightly. I felt my heart hurting. Kinapa ko 'yon. Hindi ko naman dapat 'to maramdaman. Kung ano man 'yon at tapos na ang pangyayari na 'yon. At nangyari iyon bago pa ako dumating. Malamang ay isa 'yon pagkakamali na kinalimutan na at hindi na inungkat. Kung sakali, that was incest. Nanindig ang aking balahibo sa naisip. Napailing ako at bumuntong-hininga.

Ang daming tumatakbo sa isip ko ngunit pilit kong nilabanan. I just have to wait for my husband. I need to trust him. Ang dami niya ng ginawa para sa akin. He even waited for me for almost a decade. Ang dapat kong gawin ay tanungin siya tungkol dito at hindi magpadala sa kung anu-ano sa isip ko.

But it is killing me. Lalo na at tumagal sila ni Tatay Austin sa kung saan man iyon. It's been one month since they left. Ilang beses humingi ng paumanhin sa akin si Nanay Lauren tungkol doon. Ganoon daw kasi talaga ang tungkulin ng hari at prinsipe. Kailangan nilang tapusin kung ano man ang gulo na naroon.

Wala naman problema sa akin kung sana ay walang issue sa utak ko. Ngunit pilit ko na lang nilabanan dahil wala akong magagawa.

I am also missing him so much. Bagong kasal lamang kami ngunit heto at nagkalayo na kami sa isa't isa agad. But I understand it. Alam ko na may tungkulin na dapat gampanan ang asawa ko.

Ramdam na ramdam ko ang takot sa akin ng kambal na maid kaya nginingitian ko na lamang sila. Nalaman ko sa reyna na matagal na pala sila rito masyado at paborito pa niya. Maybe they are guilty, ngunit wala naman sa akin iyon. Kahit papaano ay nagpapasalamat ako dahil nalaman ko ang parte na 'yon. Mas gusto kong makilala si Azriel, ang lahat sa kaniya at ayoko sana na may itatago siya sa akin lalo na't mag-asawa na kami.

"Laurelia!" Ate Patrisha hugged me tightly. Niyakap ko siya pabalik at sunod ay binati si Solemn.

"Nasaan si Gabril at kuya Makheus?" takhang tanong ko at kinarga si Solemn.

"Nasa bahay, as usual. Narito lang ako para may ibalita kay Nanay at Tatay," aniya habang nakangiti.

Hinalikan ko si Solemn sa pisngi at humagikhik naman ito.

The Vampire's KissTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon