Yasmine's P.O.V.
*Uwian*
Dumiretso na agad ako sa library nung bayan para hanapin yung libro dun. Naalala ko, dito nilabanan ni Hazen si Wight.
"Ahm, Miss, meron po bang Julius Caesar na book?" tanong ko dun sa librarian
"Oo ija, tignan mo dun sa bandang dulo" tumango ako at pumunta dun sa dulo.
Puro libro ni Shakespeare yung nandito. Naalala ko nun, yung time na nakipaglaban siya kay Wight, hihiramin ko sana yung "Hamlet" libro din ni Shakespeare.
Tinignan ko bawat shelf, kaso ang hirap hanapin. Nakita ko sa bandang taas yung Julius Caesar.
Pinilit kong abutin kasi diko maabot. Aish! Nakakainis. Tumalon talon na din ako kaso diko talaga maabot eh. Uhu! Nakita ko yung hagdan. Kinuha ko yun tas tinapat ko dun sa shelf nung Julius Caesar.
Inakyat ko yung shelf na yun. Ayun! Naabot din kita. Nakalimutan kong naka hagdan pala ako. Hinakbang ko yung paa ko at na out of balance ako. Bigla akong nahulog. Pinikit ko yung mga mata ko.
Hhh! Hindi ako nasaktan. Unti unti kong binuksan ang mga mata ko. Hindi ko in-expect yung nakita ko
"H-Hazen?"
"Ayos ka lang? Buti pala nandito ako"
"Ahh, ayos lang ako. Salamat, butu nga nandito ka"
"Ano bang ginagawa mo dito? Tapos bakit ka naghagdan?"
"Ahm, ahh... Kasi inabot ko yung libro dun eh"
"Ahh, Julius Caesar, nice choice"
"Ehh ikaw? Anong ginagawa mo dito?"
"Hihiramin ko din yung Hamlet" tumango ako.
Sabay kaming umupo sa iisang table. Hindi ko maiwasang tumingin sakanya. Kahit si Hazen siya, siya padin si Hawk. Magkaiba nga lang sila.
Habang nagbabasa kami, may nakita akong libro.
"Ang aklat ni Margaret Davis: ang natatagong lihim ng Wight" ito yung libro nung Wight na nakalaban niya.
Tinignan niya yung libro.
"Familiar itong libro para sakin" sabi niya. Hays! Pamilyar talaga yan. Hinawakan niya yung ulo niya. Parang sumasakit.
"Ayos ka lang?"
"Oo, ah sige, mauna na ako sayo" umalis na siya. Dumaan muna siya sa librarian para mahiram yung Hamlet.
Bakit kaya siya nagkakaganun? Nakakagulat naman. Siguro nangyayari sakanya yung mga napapanood konsa tele nobela, yung unti unti nilang naalala yung nangyayari sakanila noon.
Ay char, mahirap umasa. Hays! Kung ano ano nanaman iniisip ko. Ako lang din naman nag iisip nito.
Lumabas na din ako ng library at dumeretso ng bahay. Wala naman na akong dadaanan eh.
Pag uwi ko, binasa ko na agad yung librong yun. Hayst. Ang galing talaga ni Shakespeare. Kaya nga sobrang idol ko siya eh.
Inilapag ko muna yung libro ko. Nakita ko yung cabinet ko sa kanan ko. Binuksan ko yun
Bakit ko nga pala binuksan toh? Wala naman nang kung ano dito. Umupo ako sa loob nun saka sinara ko. Naalala ko nung may kwarto pa dito. Yung kwarto ni Hawk. Habang nanonood ng mga bituwin.
Ang sarap alalahanin ng nakaraan, sayang nga lang at alala na lang sila, kahit pa balikan mo, wala na, nakaraan na eh
Sinandal ko yung ulo ko. Unti unti akong nakaidlip.
Maya maya may kumalabit sakin.
"Yasmine?" alam ko yung boses na yun ah. Bumukas yung mga mata ko.
"H-Hazen?"
"Oh? Bakit parang nakakita ka ng multo, eh tao naman na ako?"
"Ikaw nga ba talaga yan?" hinawakan ko ang mukha niya at damang dama ko yun.
"Mukha bang hindi?" niyakap ko siya at napaiyak ako.
"Na miss kita. Bilang si Hawk. Yung kaibigan ko, yung taong mahal ko."
"Shhh, nandito na ako, wag ka nang umiyak" naiiyak padin ako pero wala na akong pake. Basta masaya ako dahil nandito siya sa tabi ko.
Hinarap niya ako sakanya. Unti unti niyang nilapit ang mga mukha namin sa isa't isa. Nang biglang.
"Yasmine! Anak gumising ka na!" nagulat ako sa boses ni mama. Panaginip lang pala yun. Teka? Bat hawak hawak ko tong teddy bear ko. Buhay pala tong teddy bear kong toh. Aish! Panaginip nga lang talaga yun. "Anak! Lumabas ka na!"
"Opo mama!" dali dali akong naligo at nagbihis. Paglabas ko ng cr ko, napatid ako nung box na pinaglagyan ko nung design namin sa marriage booth. "ARAYYYY!" konting araw nalang pala at mag umpisa na yung event namin. Aish! Nakakainis naman.
Bumaba na agad ako. "Ma mauna na po ako"
"Oh? Dika ba mag bre breakfast?"
"Enough na ang isang apple ma"
Kumuha ako ng mansanas at lumabas. Naglakad na ako papuntang school. Pagdating ko sa gate, nakita ko si Dane na kasama si Laurel. Lalapitan ko sana kaso wag nalang.
Dumeretso agad ako sa classroom, balak ko sanang mag espiya oa sa pwesto nina Hazen. Kasi, naalala ko nanaman yung sinabi ni Dane na si Max ang bumangga kay Hazen. Ano kayang expression niya kapag nalaman niya yun?
Nilabas ko agad yung book na hiniram ko sa library kahapon. Binuksan ko na yun dun sa huling page na binasa ko.
Ang ganda talaga.
"Ang aga aga libro agad"
"Ahh, anjan ka pala"
"HAHAHA, buti may kaibigan si Julius tulad ni Mark Anthony noh,mahirap makahanap ng ganun sa totoong buhay"
"Kaya nga eh. Ikaw? Ang aga aga din Hamlet agad"
"Ngayon ko lang kasi mababasa toh, fan ako ni Shakespeare pero Romeo and Juliet at Julius Caesar palang nabasa ko"
"Nabasa ko na din yan. Bilib nga ako sa creativity niya eh. Ang gwa gwapo at ang gaganda pa ng creations niya" tumawa kaming pareho
"Pero sabi nga nila, fell in love with the creator first, before you fell in love with the creation"
"Tama. I fell in love with God first before I fell in love with you. Hihi" mahinang bulong ko
"Anong sabi mo?" teka? Narinig niya yun ang hinahina kaya nung pagkakasabi ko
"Wala wala, sige na magbasa ka na jan"
"Nga pala, malapit na yung event ng school. Ka group kita diba?"
"Ahh oo. Bakit?"
"Wala naman, gusto ko lang malaman kung prepared na ba yung designs"
"Ah oo naman."
Biglang tumahimik. Yan yung tinatawag na akward silence. Kulang nalang yung cricket effects.
"Uy Yas!" sigaw ni Laurel. Buti binasag niya yung katahimikan.
"Oh bakit Laurel?"
"Wala naman, prepare kana para sa event next week ha?"
"Sure"
Bakit ba puro tungkol sa event next week naririnig ko? Nakakainis naman. Exited din naman ako. Kasi. First time eh.. Uhu...
BINABASA MO ANG
It's YOU
ParanormalNaniniwala ka ba sa spirits? Spirits na gumagala? Gutom sa hustisya, naghahanap ng sagot sa mga tanong nila. Pwes tama ka, totoo sila. They really exist. Pero hindi lahat ng multo masama, may ibang nanjan para bantayan ka. Just like him... Isang mat...