Chapter 7
Napabuga na lamang tuloy ako ng hangin nang mapagpasyahan nga nilang magrelax na muna bago ipaglatuloy ang paglilibot. Umupo naman kami sa isa mga benches at parehas na kumakain ng ice cream.
"Open na iyong horror house dito hindi ba?", tanong ni Vera at tumango naman si Jave.
"Yas, dun tayo mamaya?", sagot ni Jave saka kami tiningnan at nagkibit balikat ako.
"Ay oo nga pala. Alam niyo ba iyong commotion nitong nakaraan sa palasyo?", napatigil naman kaming dalawa ni Vera.
"Ha? May nangyari ba?", tanong ni Vera at tumango naman si Jave.
"Oo nga. Iyong anak ng dethroned king, bumalik na rito. Nasa palasyo siya and guess what? Papasok siya sa academy, and probably magiging kaklase niyo siya! Kyaaaaaaah!", kwento naman ni Jave kaya napangiwi naman ako.
"Wait, he? So you mean lalaki? Is he a prince?", tumango naman si Jave saka kami nginisihan.
"Yes! He's a he. And he's a prince. Shems, ang swerte niyo kasi kahit pwede naman siyang dumiretso sa higher levels pero mas pinili niya pa ring magsimula sa pinakamababa. And as far as I knew related sa darkness or dark elements ang ability niya eh.", sambit pa ni Jave kaya napangiwi naman ako.
"Pero di nga, paano mo naman iyan nalaman aber? Baka fake news iyan ah.", sabi ni Vera kaya napahalakhak si Jave.
"Like dzuh, mukhang hindi mo yata naalalang parte ako ng 'Guardians', Vera.", sagot ni Jave kaya napaismid naman si Vera habang ako naman ay nagtaka. Guardians?
"Wait lang ha? Anong ibig sabihin ng guardians?", tanong ko kaya napangiwi silang dalawa saka napakamot sa ulo.
"Oo nga pala, di ka pala taga-rito. Sa akademya kasi, iyong mga top students ay tinatawag na 'Guardians' and kadalasan sa kanila ay binibigyan ng misyon may pasok man o wala. Ganern? And guess what kasali ako dun.", sabi ni Jave saka humagikik kaya napangiwi ako.
"Alam kong hindi kapani-paniwala pero malakas ang baklang iyan. Ang swerte nga kapag kasali ka sa guardians eh, nakakalabas pasok sila sa palasyo at nalalapit pa sa Prinsipe! Ang prinsipe kasi ang leader ng guardians, hmp.", ani ni Vera saka umirap. Napailing nalang tuloy ako nang tumawa lang si Jave at inasar si Vera at sinasabihang naiingit siya. Naalala ko tuloy iyong prinisipe, iyong sa kagubatan, ang anklet kong nawawala. Napabuga nalang tuloy ako ng hangin saka nilingon si Jave.
"So nakausap mo na ang prinsipe, Jave?", tanong ko at tumango naman si Jave.
"Oo, pero tungkol lang sa missions namin. Masyadong aloof ang prinsipe, cold at pa-mysterious ang peg. Pero all in all, he's a good leader. Matalino rin!", sagot naman ni Jave kaya napatango naman ako. As expected from a prince. Ganyanan naman talaga sila kadalasan.
Nang matapos na nga kaming kumain ng ice cream ay agad na naman nila akong hinila papunta sa horror house. Muntikan pa akong matalisod buti nalang ay naka-balanse ako kaagad. Pagdating nga namin dun ay agad rin naman silang bumili ng ticket. Pero may policy ang horror house, by pair lang ang pagpasok. Nagtinginan naman kami, contemplating kung sino ang maiiwang mag-isa.
"Kayo nalang dalawa ang pair, susunod ako sa inyo. Kita nalang tayo.", sabi ko kaya napakamot sila sa ulo nila.
"Sure ka? Baka wala kang mahanap na pair diyan.", lumingon naman ako sa may likuran at may nakita naman akong bumibili ng ticket. Mag-isa lang kaya itinuro ko nalang ito.
"Iyon oh. Mag-isa lang. Sige na. Shoo!", sambit ko kaya napailing naman sila saka pumila papasok. Sumunod rin naman ako at narinig ko namang kinausap nung personnel iyong nakasunod sa akin about their policy. Sumulyap naman ako rito at nakita ko namang napasulyap rin ito sa akin. Nakita ko namang tumango ito kaya napahinga ako ng maluwag. Mukhang pumayag ito sa pakikipag-pair sa akin. Hindi ko maaninag ang itsura niya kasi isinuit niya hood ng hoodie niya.
"Sige na Ma'am, enjoy your trip sa loob Ma'am, Sir.", ani nung personnel nang papasok na kami sa horror house pero laking gulat ko nalang nang biglang nagkaroon ng posas ang kamay naming dalawa. Ang isa sa kanya nakaposas, habang ang isa sa akin. Magpa-panic na sana ako nang magsalita.
"That's the reason why they have 'by pair' poicy.", parang bored nitong ani kaya napangiwi naman ako. Inilibot ko naman ang tingin sa loob ng horror house at wala naman akong makitang iba naming kasama. Just darkness. Nagsimula naman kaming maglakad papasok sa bukana ng horror house at hindi ko naman mapigilang hindi mapalunok nang biglang may nagsiliparang mga paniki, muntikan pa akong mapatili, buti nalang ay napigilan ko pa. Nakakahiya dito sa kasama ko.
Ilang minuto pa kaming naglalakad pero wala pa ring nangyayari. I mean, wala bang mga halimaw o kung ano? Paniki lang? Napanguso na lamang tuloy ako saka pinakiramdaman ang paligid. Bahagya pang tumaas ang kilay ko nang may kakaiba akong nararadaman na enerhiya. Nakita ko namang napasulyap sa gawi ko iyong lalaki kong kasama.
"What are you doing?", tanong niya kaya napangiwi ako.
"What do you mean?", sagot ko and it feels like parang umirap siya. Bakla rin ba siya kagaya ni Jave?
"You're pouting your lips. You looked like a duck.", nanlaki naman ang mga mata ko sa sinabi niya. How did he know? Eh madilim naman.
"How did you know?", tanong ko at narinig ko naman siyang napailing.
"Because my eyes can see you clearly.", sagot niya kaya napangiwi nalang ako sa sagot niya. Antipatiko yata ang isang 'to.
"Good for you then. Kailan pa ba 'to matatapos?", ani ko nalang saka bumalik sa pagtitingin-tingin sa paligid nang bigla na lamang akong hinigit ng kasama ko kaya parang napayakap ako sa kanya. Napatigalgal naman ako nang may makita akong mga panang dumaan. Holy mackerel.
Napakurap-kurap naman ako saka lumingon sa likuran at napanganga naman ako nang may makita akong halimaw and he's glaring at us. Or should I say at him?
"Anong kailangan mo Stravos? Pati ba naman rito susundan mo ko? I'm busy, sa susunod ka na manggulo.", sabi naman ng kasama ko kaya napanganga naman ako. Kilala niya ang halimaw?
"Kanina pa ako nakasunod sa inyo, alam mo naman ang daan kung saan ang labasan but why do you keep on changing routes?", ani nito saka ako sinulyapan.
"It seems like you wanted to be with her.", dagdag pa nito kaya narinig ko namang napasinghap iyong katabi ko habang ako naman ay napanganga.
"Stravos! What are you saying! And how about you? What about the arrows? Muntikan mo na siyang matamaan!", nagulat naman ako nang bahagyang sumigaw iyong kasama ko.
"I know you know what I am doing Travis.", sambit nung halimaw kaya napanganga ako saka napalingon sa lalaki. Bahagya pa ako ng napatigil nang inalis na nito ang pagkakasuot niya nung hood sa ulo. Kulay ash grey na buhok and ocean blue eyes. Woah! Ang ganda ng combination.
"I know I'm handsome but don't stare at me too much.", sambit niya kaya napangiwi naman ako. Ang hangin ah.
"Whatever. Alam mo naman pala ang daan kanina pa, but hindi mo nalang itinuro hindi ba? Nakakahiya naman sa gwapo mong mukha.", kalmadong sabi ko kaya narinig kong napatawa iyong halimaw sa likuran namin. Inis nalang tuloy itong inismiran ni Travis.
Nagsimula naman siyang maglakad kaya sumunod nalang rin ako sa kanya. Naramdaman ko namang nawala na ang presensya ng halimaw sa may likuran namin. Sa kanya pala iyong naramdaman kong enerhiya kanina. Makalipas nga ang ilang minuto ay nakalabas na nga kami sa horror house.
Automatic naman na nawala ang posas namin kaya dali-dali ring isinuot ni Travis ang hood ng hoodie niya, edi siya na ang ayaw ipakita ang mukha sa iba.
Umalis lang ito ng walang paalam kaya naman agad ko namang nilapitan sina Jave at Vera na nakanganga lang na nakatingin sa papalayong bulto ni Travis.
"Kung ganoon naman pala ka-gwapo ang magiging ka-pair ko sana pala ako nalang ang nagpaiwan.", ani ni Vera kaya napangiwi ako. Samantalang si Jave ay nanatiling nakakangangang nakatingin kay Travis.
"Si.. Si--", binatukan naman siya ni Vera dahil hindi niya maituloy-tuloy ang sasabihin.
"Hakdog kayo! Si Prince Travis iyon! Ang anak ng dethroned king!", aniya kaya napanganga ako. That explains kung bakit nakakausap niya ang halimaw kanina at kilala siya. At baka na rin siguro walang kung ano kanina habang naglalakad at nililibot ang horror house ay nang dahil sa kanya. Kasi related nga ang ability niya sa dark elements. Nilingon ko naman ito saka napangiwi. Kaya naman pala medyo nagmayabang ito kanina, kasi prinsipe naman pala siya.
BINABASA MO ANG
Chaos: The Madness Within (Completed)
FantasyNew fantasy story! And I hope you'll spare time to read this! This story is about the girl who escaped from her own reality. But later on, she discovered who she really was and what she was ought to be. Highest Rank Achieved: #1 in Fantasy #1 in Ma...