Chapter 17

77 9 0
                                    



Nagbihis agad ako pag uwi ko. Ewan ko kung saan nanaman ako dadalhin nitong Hawk na toh.

Nag soot ako ng hoodie at pantalon.

"Halika na"

"Saglit! Magpalit ka nga ng damit mo. Ang init init dun sa pupuntahan natin eh"

Umakyat uli ako para magpalit ng shorts at t-shirt, ayan, wala na siyang masasabi.

"Oh eto?" tulala siya. Nakatingin siya sakin tas nag blush. "Huy! Ano?"

"A-Ahmm... S-sige, tara na" tameme ka lang HAHAHAGAG. Naglakad lang kami.

Ewan ko bakit naglakad lang kami. Ano ba problema nito? Ang init init tapos naglakad kami. May topak din yata toh.

"Andito na tayo" ngumiti siya. Humarap naman ako. Nasa beach kami. Yung favorite beach niya.

"Wow!" ngumiti naman ako. Yung ngiting halos mapunit na mukha ko.

"Ayos ba?"

"Siyempre naman, favorite spot mo to eh" ngumiti kami pareho

"Tara dun tayo"

In fairness dito sa lalakeng toh. Sinapian yata HAHAHAHAH. Pagdating namin dun sa favorite spot niya, kumuha kami ng cottage malapit dun.

"Bat mo pala ako nilabas ngayon?"

"Nagulat ka ba? Dika na nasanay."

"Seryoso... Bakit nga"

"Mamaya ko nalang sasabihin sayo HAHAHAHAHA hintayin mong mag sun set"

Ay wew? May pa ganun ganun na siya. Kakabahan ba ako or Matutuwa. Ewan ko diti HAHA!

"Ice cream tayo!" sigaw niya sakin

"Di mo naman kailangang sumigaw eh"

Lumapit ako dun na nagtitinda ng Ice cream

"Kuya dalawang oreo po"

"Eto miss" inabot niya sakin tsaka ko inabot yung bayad ko.

Lumayo na si kuya.

"Hawk, eto na!" hinulog ko yung ice cream na binili ko. Kinuha niya naman ng fresh. Hays. Buti pa siya

"Salamat Yasmine!" ngiti ngiti pa siya. Ano ba yan, ang cute cute niya kapag ngilumingiti. May dimples pa yan ah.

WAAAAAAAAAAH! Ano bang nangyayari sakin? Eh ano ngaying kung naka ngiti siya? Hay Yasmine ewan ko sayo.

"Ang lawak ng ngiti mo huh?"

"A-ahh?"

"Siguro nakita mo si Jacob dito?"

Tss! Si Jacob nanaman? Ano bang meron sa lalakeng toh? Artista ba toh nung buhay pa siya? Ang galing mag panggap oh. Halata yung pagseselos sa mga mata niya. Maasar nga siya

"Wala siya dito pero nasa isip ko siya"

Napatigil siya.

"Yieeeee pumapag ibig na yung best friend ko"

Napaka sarcastic nung pagkakasabi niya. May topak talaga to eh.

"Joke lang uy!"

"Sus! Joke joke kang nalalaman jan eh totoo naman. Naku ikaw ah"

Ewan ko dito sa lalakeng toh, kung ano nanaman nakain niya

"Oh tapos selos ka din?" napatigil siya pagkain niya. whahaha ano ka ngayon? Ano!

"Selos? Bakit ako magseselos?" ang galing talagang magpanggap.

"Eh! Aminin mo nang may gusto ka sakin" Di joke lang HAHAHAHA trip ko lang mang asar. Ayoko ding mag assume, pero hindi ako manhid

"Ah talaga? At pano mo naman nasabe?"

"May nagsabe sakin" HAHAHA ano nanaman trip ko.

"Sino? Si Laurel ba? Ang ingay naman niya, sabi ko secret lang namin eh! Hay" nagulat ako. Hindi ko alam i re react ko. Yung kanina siyempre charot lang yun. Ngayon confirm na? WAAHHHHH char. Wag assuming Yasmine

"So totoo nga? WAHHHHH nagbibiro lang ako uy! Masyado kang defensive! Tas anong si Laurel? Wahhhh!" tawa ako ng tawa panong hindi HAHAHA

Nabulunan siya. "Siyempre joke lang din" naku! Ewan ko sayo Hawk.

Baliw din yata tong multong toh Kahit kailan eh!

"So ano? Ahm, bat mo pala ako dinala dito?"

"Ahm, ahh... Eh! Sabi ko sayo hintayin mo sunset! Sige wait muna. Pupunta muna ako dun sa dulo ah!" nag walk out siya

"Aish! Ewan ko sayo! Huy!" tinawag ko siya pero hindi siya lumingon. Ano bang problema nito?

Inubos ko nalang yung kinakain ko

Hawk's P.O.V.

Muntik na akong mabuking kanina! Ano ba naman kasi yan! Hay naku. Gusto kong sabihin sakanya, gusto kong magtapat, pero paano? Paano ako magtatapat. Una sa lahat. Multo lang ako. Tao siya. Mas deserve niya si Jacob. Hindi ako yung para sakanya. Kasi multo ako eh, anong laban ko dyn. Isang buwan na rin pala nung dumating ako sa buhay niya. Hhh. Kung pwede lang sana Yasmine. Kung pwede lang talaga. Hays.

Andito ako ngayon sa bandang dulo nung seashore. Gustong gusto ko dito. Naalala ko nanaman. Nung buhay pa ako, sinabi ko sa sarili ko na dadalhin ko dito yung babaeng mamahalin ko. Pero wala, namatay na ako.

Sandali!naalala ko nalang ba agad yun? Woah! Hindi normal na maka alala agad ako ng bagay bagay. Dahil siguro isa nalang yung multong kakalabanin ko. Hays. Iisa na nga lang hindi ko pa mahanap.

(suggestion:play "thousand years" by;Christina Perri while reading this:)

Mag su sunset na pala, tatawagin ko na si Yasmine. Ay hindi na pala. Pagtalikod ko naglalakad siya papalapit sa akin. Kinakabahan ako. Ang ganda niya. Grabe. Hindi ko maiwasang mabighani sa gandang taglay niya.

"Oh, mag su sunset na. Bakit mo nga ba ako dinala dito?" napalunok muna ako. Natulala ako sa ganda niya. Hindi ako mapakali. "Huy! Hawk! Hello?"

"Ahh! Ahm. Ehem. Wala naman"

"Anong wala naman? Pinaghintay mo ako hanggang sunset para malaman yung rason kung bakit nandito tayo tapos ang sasabihin mo lang 'Wala naman' seryoso ka?" natulala nanaman ako.

"Ah kasi ano eh" huminga ako ng malalim at Napatingin sa baba.

"Ano yun?" hays. Paano ko ba sasabihin sayo? Nakakainis ka eh nakaka distract yang ganda mo

"Kasi Yasmine..."

"Sabihin mo na" kinakabahan uli ako. "Ewan ko sayo" tumalikod siya sakin at hinawakan ko yung kamay niya. Oo, nahahawakan ko na siya ngayon dahil lumalakas na ako

Hinila ko siya papalapit sa akin. Nilapit ko ang mukha ko sa mukha niya. Ang ganda ng mata niya. Pumikit nalang ako. Hinawakan ko ang bewang niya, at nakawak siya sa batok ko. Nilapit ko ang mukha ko sakanya. At naramdaman kong nagkadikit ang mga labi namin. Bumilis yung tibok ng puso ko. Pero wala na akong pake. Ang alam ko lang, ako at si Yasmine, naghahalikan kami. Unti unti akong kumalas sa halik na yun. Tumingin siya sa mga mata ko.

"Yasmine, gusto kita. Gustong gusto!" sinabi ko sakanya. Nagulat siya sa ginawa ko. Pero nagulat ako, ngumiti siya.

Niyakap niya ako. Sa pagkakataong to, napangiti din ako

"Alam ko yun Hawk, alam ko yun" napangiti siya ng mas malawak na ngiti. "I like you too" sabi niya.

Teka! Hindi ba to panaginip? Nung huli nanaginip ako eh. Kinurot ko yung likod ko. Aray! Totoo nga toh! Napangiti ako at niyakap ko siya. Wala na akong pakialam ngayon. Basta masaya ako. Sobrang saya

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon