14. Look Into My Eyes

Magsimula sa umpisa
                                    

Napakamot na lang ako ng ulo. "Grabe ka naman. Laway ko lang iyan. Wala naman akong nakakahawang sakit."

"Kadiri pa rin. Ang baho kaya. Kapag ba ikaw nilawayan ko, hindi ka mangdidiri?" 

Napatawa ako. "Siyempre, hindi. Gustong-gusto ko pa nga iyon, eh. Dali, lawayan mo nga ako ngayon. Hindi ako papalag kahit buong katawan ko pa ang lawayan mo."

"Bastos!" Napapitlag ako nang sabuyan niya ako ng tubig sa mukha. "Lumabas ka nga!"

Hindi ko pinakinggan ang sinabi niya bagkus, mas lalo ko pa siyang inasar. "Gumanti-ganti ka rin naman kahit minsan. Nilawayan kita at dapat lawayan mo rin ako para patas lang tayo, 'di ba?"

Sinamaan niya ako ng tingin. Kahit basa pa ang mga kamay nito, marahas niya akong itinulak palabas ng banyo niya. Isang nakakabinging tunog ang umalingangaw nang sinaraduhan niya akong pinto.

"Sigurado ka, Zara? Hindi mo ako lalawayan? Ayaw mo talaga? Sure na iyan? Sure na sure na iyan?" panunukso ko pa sa kanya pero hindi na siya tumugon pa. Napailing-iling na lamang ako ng ulo at bahagyang napatawa.

Umupo ako sa kama niya at sinimulan ulit libutin ang paningin ko sa loob ng kuwarto niya. Napadako ang atensiyon ko sa tatlong litrato na nakasabit sa kanan bahagi ng kuwarto at malapit ito sa isang lamesa. Bahagya akong naglakad papalapit doon.

Nakasilid lang ang kamay ko sa bulsa habang tinitingnan ang mga litrato. Sa unang litrato, pansin kong may isang matandang babae at may isang batang babae na hindi masukat-sukat ang napakalawak ng ngiti nito habang nakaakbay siya sa matandang babae. Gumuhit sa labi ko ang maliit na ngiti. Siya yata 'yong tinutukoy ni Tito Ferdy na lola ni Zara at si Zara 'yong bata na nakaakbay sa Lola niya. Hindi ko maitatanggi na cute si Zara rito. Ibang-iba 'yong hugis at kinang ng mga mata niya rito, punong-puno ng saya, kumpara ngayon, nabaliktad na.

Sa pangalawang litrato na nakasabit, may isang batang babae na may suot-suot ng mga medals, hawak-hawak ang mga certificates at isang tropeo. Napahawak ako sa baba ko dahil sa iniisip. Sinasabihan ni Zara madalas 'yong sarili niya noon ng bobo raw siya, walang maipagmamalaki at walang halaga. Pero dito sa nasisilayan ko, nagpapatunay na matalino pala talaga siya.

At sa huling litrato, natigilan ako, isang selfie ni Zara. Sigurado akong ilang taon lang no'ng lumipas no'ng nag-picture siya nito dahil nagsisimula pa lang mag-develop ang pagka-matured ng mukha niya rito. Tulad ng mga ibang nasa litrato, maginhawa pa rin siyang nakangiti. Titig na titig lamang ako. Ganito pala 'yong hitsura niya kapag ngumingiti, nakakahulog damdamin. Siguro, ilan taon pa lang lumilipas nang namatay ang Lola niya. Sana makita ko 'yang ngiting 'yan ngayon.

Napatingin ako sa may bandang lamesa nang may mapansin akong envelope rito. Alam kong bawal mangialam ng gamit ng iba pero hindi ko ma-control ang kuryosidad ko para tingnan kung ano ang nasa loob nito. Binilisan ko na ang kilos dahil alam kong palabas na si Zara mula sa banyo. Nang buksan ko ang evelope, medical certificate ang nahigit kong papel dito. Marfa Guerrero ang pangalan na nakasulat, ibig sabihin, hindi pala ito kay Zara. May nakasulat na blood type rito at O positive iyon. Napatango-tango ako sa sarili dahil same kami ng blood type ng may-ari nito.

"Bakit mo hawak iyan?" Nanglamig ang buong katawan ko nang marinig ko ang boses ni Zara sa likuran ko. Agad kong isinilid ulit ang papel sa loob ng envelope at humarap sa kanya na may kasamang ngiting kinakabahan.

"Wala lang. Sorry kung tiningnan ko."

"Ayos lang, hindi naman sa akin iyan. Kay Mama iyan. Naiwan niya no'ng huli siyang bumisita rito." Napatango-tango ako. "Heto nga pala 'yong gagawin natin." May kinuha siyang plastic at ibinito ito sa akin, nasalo ko naman ito.

"Ano ito?" tanong ko habang naglalakad palapit sa kanya.

"Tingnan mo kaya."

Napaismid na lamang ako at sinunod ko naman ang sinabi niya. Nang makuha ko 'yong bagay na nasa loob, clueless pa rin ako kung ano ito.

wish i could see your smileTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon