Chapter 14: Look Into My Eyes
Landon
Bago magtanghalian, mabilis kaming natapos ni Zara sa paglilinis ng bahay niya. Hindi naman kami nahirapan masyado dahil nagwalis, nagpunas ng sahig, nagpalit ng kurtina at nagtanggal ng agiw sa kisame ang mga ginawa lang naman namin. Mabuti nga, hindi siya katulad ng ibang babae na makalat sa gamit.
Isa lang ang masasabi ko sa ilang oras akong nandito sa loob ng bahay niya; walang buhay. Ewan ko pero 'yon ang pansin ko. Makulay man ang pader, maliwanag man ang sinag ng mga ilaw, kumpleto man ang mga gamit at malawak man ang ispasyo ng bawat parte ng bahay kaso malungkot naman ang histura nito. Siguro kasi, nag-iisa lang 'yong taong nakatira rito. Hindi ko tuloy lubos maisip kung gaano nakakawalang ganang bumangon tuwing umaga kung ikaw lang mag-isang kakain sa kusina, walang magulang na ipagluluto ka ng pagkain, walang kapatid na makakasama mo sa panonood ng TV, walang tatay na puwede mong maka-jamming sa anuman bagay, walang mga kasamahan ang puwede mong makapitan, makapagkuwentuhan at masasabihan ng problema. Paano natitiis ng isang Zara Guerrero ang lahat ng ito?
Nakaupo ako ngayon sa sofa dito sa living area para makapagpahinga muna at siya nama'y nasa taas, nasa kuwarto siya to be specific. Hindi pa namin naiisipan para kumain ng lunch dahil hindi pa naman kami nakakaramdam ng gutom. At mabuti na lang din, hindi ako nahilo kanina habang naglilinis kami. Kapag nakararamdam kasi ako ng pagod, umuupo muna ako para makapagpahinga nang sandali at iinom ng tubig, pagkatapos maya-maya'y magpapatuloy na ulit.
Maya-maya pa'y naramdaman ko ang yapak ni Zara sa hagdan kaya nakuha ang atensiyon ko rito. Tumigil ito sa paglalakad pababa ng hagdan nang makita niya akong nakatingin na sa direksyon niya. "Tara, Landon. Punta ka sa kuwarto ko. May gagawin tayo," pagyaya niya sa akin. Napangisi ako at saka kumurba ang pilyong ngiti.
"Gusto ko iyan! Tara na!"
Agad na akong naglakad palapit sa kanya at nagulat siya nang hinigit ko bigla ang kamay nito. Nang pagkarating namin sa kuwarto niya, hindi ko maiwasang mapangiti dahil sa napakaaliwalas ng hitsura nito, light yellow ang kulay ng dingding at puti naman ang kisame. Sobrang linis at napakaayos din tingnan ng mga gamit niya.
"Anong gagawin natin?" nakakalokong ngiting tanong ko sa kanya habang nakagat sa ibabang labi. Nakatigil kami sa may bandang tabi ng pinto.
"Ano ba sa tingin mo?"
Dahan-dahan kong inilapit sa kanya 'yong mukha ko, napangiwi ito at nagulat ako nang bigla niyang dakutin ang buong mukha ko gamit ang isang palad niya para mailayo ito. Nauntog ang likod ng ulo ko sa gilid ng pinto ng kuwarto dahil sa pagpuwersa niyang pagtulak.
Napadaing ako dahil sa sakit. "Aray!"
"Sabi na nga, iba ang iniisip mo! Kadiri ka! Kaya pala parang excited."
Todo ako sa pagwakli ng kamay niya sa mukha ko pero ayaw niya pa rin itong ilayo. "Bitawan mo ako. Hindi ako makahinga."
"Huwag ka kasing mag-isip ng ganoon."
Hindi niya pa rin ako binibitawan kaya nakaisip ako ng kalokohan. Binuksan ko ang bibig ko at inilabas nang bahagya ang dila ko, pataas-pababa kong nilawayan ang palad niya. Nakahinga ako nang maluwag nang agad niyang inalis ang palad niya sa mukha ko.
"Yuck! Laway ito?" tanong niya sa akin habang tinitingnan ang basang parte ng palad niya.
Napatawa ako. "Oo."
"Kadiri ka!" Isang malakas na hampas ang tumama sa balikat ko. Pagkatapos, agad siyang tumakbo patungo sa banyo ng kuwarto niya.
Sinundan ko siya at pinanood kung paano niyang marahas sabunin 'yong kamay niya.
BINABASA MO ANG
wish i could see your smile
Teen Fiction"Aayusin ko muna ang sandata ko. Aayusin ko muna ang ngiti mo dahil 'yon ang magiging sandata ko sa laban ko." - Landon Date Started: April 14, 2020 Date Finished: September 14, 2020 [Tagalog] -- A Novel written by Nick_Black02 Book Cover: Credits t...