Chapter 6

137 9 2
                                    

Hawk's P.O.V.

"Bitawan mo siya Shadow, ako ang kailangan mo diba?" sabi ko

"Bakit? Sino ba ang babaeng ito? Wala lang naman siya. Isa lamang siyang tao. Lahat ng tao mamamatay" sabi niya

"Tama ka. Pero hindi sa pamamaraang ginagawa mo!" sigaw ko

"Tumahimik ka! Hindi mo ba alam ang trabaho nating mga kaluluwa? Ha? 47? Sabagay isa kang mahinang multo!" sigaw nito.

"Manahimik ka! Yasmine! Yung krus!" sigaw ko. Nilagay niya yung krus sa dibdib ni Shadow at naglaho ito.

"Hindi!" sigaw niya.

"Gusto pa kitang tulungang magbago Shadow, ngunit nagpadala ka sa galit at puot. Paalam" sabi ko.

Unti Unti siyang natunaw dahil sa krus ni Yasmine. Hanggang sa tumuyan na siyang nawala.

Lumapit ako kay Yasmine.

"Yasmine? Ayos ka lang ba?" Tanong ko

"Ayos lang ako" sabi nito

"Pasensiya ka na, sabi ko proprotektahan kita. Kasi hindi ko nagawa. Patawarin mo ko Yasmine, hindi ako mabuting kaibigan" sabi ko

"Ano bang sinasabi mo? Ayos lang yun. Nagpapasalamat nga ako sayo eh. Kung wala ka, hindi ko na alam ang gagawin ko, siguro wala na ako." sabi nito sa akin at ngumiti.

Ngumiti din ako.

"Tignan mo oh, sunset na." dagdag pa niya.

"Ang ganda talaga" sabi ko

"Eto na ang paburitong lugar ko" sabi niya sa akin

"Uwi na tayo, may pasok ka pa bukas" sabi ko sakanya

*The next day*

Yasmine's P.O.V.

Panibagong araw nanaman sa school. Hayst. Pero ibang iba na ngayon. Dahil sigurk toh sa nangyari kahapon. Ang saya ko ngayon.

"Huy!Yasmine late ka na!" sigaw ni Hawk sa akin

"Eh! Exited ka lang na makita Tiffany" sabi ko.

"Ang dami mong alam" sabi niya sa akin

"Siya nga pala, paano mo naaalala ang isang tao?" tanong ko sakanya

"Pag nakita ko uli ang mukha niya. At first, mga strangers sila para sakin. Hanggang sa makikita ko mga mukha nila, pag nakita ko mukha nila, maaalala ko sila. Basta part sila ng life ko noon. kaya nga hindi ko maalala ang family ko. Kasi hindi ko makita ang mukha nila" sabi niya

"Ganun pala yun, aww, wag na sad. Halika na" sabi ko.

Naglakad uli kami papuntang University, siyempre ganun naman araw araw eh.

"Ouy! Yas!" sigaw ni Laurel.

"Oh, Laurel ikaw pala" sabi ko.

"Sige, dito lang muna ako, mamaya na ako susunod sayo" bulong ni Hawk.

"Yas, pwede ba tayong mag usap?" tanong ni Laurel sa akin

"Sige ano yun?" tanong ko

"Maging Honest ka nga, nakakakita ka ba ng multo?" tanong nito

"Huh? Anong tanong ba yan?" tanong ko

"Wag mong ikaila Yasmine. Nakakaramdam ako ng multo. So meron ba?" tanong niya

"Sa atin lang pero ito, Oo, netong nakaraan lang. At naging kaibigan ko siya." sabi ko

"Sinasabi ko na nga ba eh. Nahalata ko kasi yan sayo. Pero swerte ka at mabait yung multong nakilala mo" sabi nito sa akin

It's YOUTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon