02

578 24 0
                                    

Lee Donghyuck; Year 2010

"Jeno hindi talaga multo yung nakita ko kanina!" Pagkumbinsi ni Haechan kay Jeno habang sila ay naglulunch sa canteen.

"Hindi ako maniniwala hanggang hindi ko nakikita" sabi ni Jeno habang may pagkain sa bibig nya. "Pakainin mo muna ako Haechan"

"Kasi nga hindi nga multo!" Pangungulit ni Haechan.

"Oo na oo na hindi na sya multo. Hindi ko ma enjoy yung sinigang na luto sakin ni nanay" nakukulitan na sambit ni Jeno. Sumimangot si Donghyuck at kumain na rin sya.

Tahimik nilang tinapos ang kanilang mga baon at umalis na rin para sakanilang susunod na klase.

Nagulat ang mga kaklase ni Donghyuck dahil buong klase ay tahimik sya. Nagtataka sila dahil hindi ito normal kay Donghyuck.

Buong klase kasi nakatulala lang si Donghyuck sa kawalan kakaisip sa mysteryosong babaeng nakita nya sa music room.

Nagtataka ito dahil bigla na lang 'to naglaho na parang bula.

"Okay class, bago ko kayo pauwiin. Mayroon akong sasabihin" naexcite ang mga  studyante dahil mukhang good news ito. Bukod kay Donghyuck na tulala parin sa kawalan

"May bago kayong kaklaseng dadating bukas, galing syang probinsya. Welcome her as if you known her already. Nagkakaintindihan ba class?" Sambit ng guro habang inaayos nya ang kanyang gamit. "You may go home, ingat kayo paguwi" at binati ito pabalik ng mga studyante bukod kay Donghyuck.

Tumakbo si Jeno papunta sa pwesto ni Haechan at kinalbit 'to. "Haechan kanina kapa tulala, iniisip mo parin ba yung babae sa music room?"

"Hindi talaga sya multo!" Nakasimangot paring sambit ni Donghyuck. "Gusto ko sya mahanapin!"

Niligpit ni Donghyuck ang kanyang gamit at inilagay ito sakanyang bag.

Tumayo sya papuntang labas.

"Uy wag mo ako iwanan!" Habol ni Jeno kay Donghyuck."Saan ka pupunta?" Tanong ni Jeno.

"Hahanapin siya" mabilisang sagot ni Donghyuck. "Hindi ako titigil hanggang hindi ko siya nakikita"

"Sama ako!" Sambit ni Jeno.

Bawat kwarto ng kanilang building nila ay tiningan na ata nila. Pero ni anino ng mysteryosong babae ay wala.

"Pagod na ako Haechan" hingal ni Jeno at umupo sa lapag. "Sakit na ng paa ko"

Nawalan ng pag asa si Donghyuck dahil pagabi na rin at umupo na rin sa tabi ni Jeno.

"Baka nga multo lang nakita ko kanina" malungkot na sambit ni Donghyuck. At nagkatitigan silang dalawa ni Jeno.

"MULTO!"
"MULTO!"

Paunahan silang bumaba ng hagdanan pero natigilan rin noong nakarinig sila ng boses.

"Mga bata bakit nandito parin kayo?" Tanong ng janitor habang nagliligpit ito ng kanyang gamit.

"Ghost hunting po!" sambit ni Jeno na binatukan ni Donghyuck. Napakamot ng ulo si Jeno sa sakit

"Ah wala lang po, naglaro lang po kami." Sambit ni Donghyuck. "Una na po kami, ingat po kayo sa pag uwi!" At nagpaunahan ulit sila ni Jeno bumaba ng hagdanan.

"Mga bata talaga" sabi ng janitor sakanyang sarili.

Hanggang sa pag uwi ay iniisip ni Donghyuck ang mysteryosong babae nakita nya sa music room nila. Pero kinikilabutan rin siya tuwing naiisip niyang baka multo ito.

____

Nagising si Donghyuck sa kanyang alarm. Noong una ay bumalik siya sa pag tulog pero noong naalala nya nanaman yung mysteryosong babae ay napadilat ulit sya at nagising ang kanyang diwa.

Bumaba ito agad upang kumain

Kumakain ng almusal Donghyuck na luto ng kanyang yaya.

"Nasan po sila mama?" Tanong ni Donghyuck. Routine na nya itanong 'to sa kanyang yaya kahit alam na nya ang sagot.

"Iho pumasok na sa trabaho" malungkot na sambit ng kanyang yaya.

Binigyan ng malungkot na ngiti ni Donghyuck ang kanyang yaya.

Pagkatapos nyang kumain ay nagpasalamat si Donghyuck sakanyang yaya at umakyat ito upang makapag handa sa pagpasok.


"Donghyuck andito na si kuya!" Pagtawag sakanya ng kanyang yaya mula sa ibaba.

"Saglit lang po!" Sambit ni Donghyuck. Kinuha nya ang kanyang bag at bumaba ito.

Dali-dali syang pumasok sa kotse

"Good morning po kuya!" Masayang bati ni Donghyuck.

"Good morning rin" pag bati pabalik sakanya.

Aandar na sana ang kotse ng humabol ang yaya ni Donghyuck . "Nakalimutan mo baon mo" at nagpasalamat si Donghyuck saka umandar ang kotse papuntang eskwelehan.

Malapit lang naman ang eskwelahan ni Donghuck sakanilang bahay kaya mabilis lang ang byahe.

"Maraming salamat po! Ingat po " sabay baba ng kotse

"Panibagong araw nanaman para palabasin ako" isip ni Donghyuck habang sya ay paakyat papunta sakanyang classroom.

Sinalubong sya ng mga kapwa nyang pasaway rin sa classroom at ang kanyang mabait na kaibigan na si Jeno.

Nagkukulitan lang sila hanggang sa dumating ang kanilang guro.

"Good morning class" masayang bating guro nila.

"Wow good mood, tas mamaya mababadtrip nanaman sakin" isip ni Donghyuck sakanyang sarili.

Tumayo at binati ito pabalik ng mga studyante at umupo rin.

"Oh diba sabi ko sainyo kahapon may new classmate kayo" sabi ng kanilang guro.

Nacurious ang lahat pati rin si Donghyuck.

Tumingin ang guro sa pintuan at sumignal napumasok ang sinasabing bagong kaklase nila

Pagkapasok ng kanilang bagong kaklase ay
hindi makapaniwala si Donghyuck sakanyang nakita.

"Introduce yourself" sambit ng guro. At ginuide ang bata sa gitna

"H-Hello p-po" nahihiyang sambit ng bata.

"What's your name?" Tanong ng kanyang guro.

"F-Ferlyn po"

the melancholy of loving you | lee donghyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon