01

872 24 4
                                    

Lee Donghyuck; Year 2010

[ song ] - You'll Be in My Heart- Phil Collins

"Mr. Lee labas!" Sigaw ng napipikon na guro at tinuro ang exit door.

Tumayo si Donghyuck na parang normal na ito para sakanya. Totoo naman, araw-araw naman sya napapalabas dahil sa ubod ng kaingayan nya.

"Nasisira na talaga ulo ko sayo Mr. Lee!" madramang reklamo ng kanyang guro habang tinitingan nya si Donghyuck palabas sa exit room.

"oa naman nito" bulong ni Donghyuck sakanyang sarili

Hinawakan ni Jeno ang braso ni Donghyuck na nakaupo malapit sa exit door.
"Uy wag ka muna mag lulunch hintayin mo ako"  at tumungo si Donghyuck

Pagkalabas nya ay bumungad sakanya janitor na nag lilinis sa hallway.

"Nako po Donghyuck napa labas ka nanaman" sabi ng janitor habang pinupunasan ang sahig.

"Opo nga po hehehehe" ngiting pilit na sagot Donghyuck sabay kamot ng ulo.

Simula bata palang talaga si Donghyuck ay natural na maingay at madaldal na. Lumaki kasi siya sa pamilyang pera ang centro ng buhay.

Hindi nya nakakasama madalas ang mga magulang nya dahil busy sa "trabaho". Simula bata palang sya ay atensyon ang lagi nyang hinahanap sa mga tao sa paligid nya- ang hindi maibigay ng kanyang mga magulang.

Sumilip si Donghyuck sa pintuan nilang may bintana sa gitna at tiningan ang nagtuturo nilang guro.

"Ano ba yan ang boring naman" sabi ni Donghyuck sa sarili niya "Buti na lang pinalabas ako"

Ilang minuto rin sya nakatambay sa tapat ng classroom nila ng naisipan nyang mag gala -gala muna sa hallway.

Inoobserbahan nya ang bawat classroom ng merong nakakuha ng atensyon nya.

Sinundan nya ang magandang tinig ng boses na nag mumula sa music room.

Nakabukas ang pintuan kaya hindi mahirap makilala kung sino ang kumakanta.

Isang batang babaeng mukhang kasing edad nya ang kumakanta mag isa habang tumutugtog ng piano.

"For one so small, You seem so strong
My arms will hold you, keep you safe and warm"

"This bond between us can't be broken,
I will be here don't you cry"

Nakatulalang pinapanood ni Donghyuck ang batang babaeng tumugtog at kumanta.

"Ang galing niya naman" pagpuri ni Donghyuck sakanyang isipan.

Hindi maialis ni Donghyuck ang kanyang dalawang mata sa babaeng kumakanta.

Para syang nakikinig sa isang anghel na hinehele sya patulog.

"Cause you'll be in my heart
Yes, you'll be in my heart"

"From this day on,
Now and forever more"

Hindi maipaliwanag ni Donghyuck ang kanyang nararamdaman ngayon. Nabibighani sya sa kanyang nakikita at naririnig. Pero ang bilis ng tibok ng puso nya. Eto ang unang beses na makaramdam ng ganito.

Pinanood nya lang ang batang babae kumanta hanggang sa matapos ang kanta.

"Just look over your shoulder
I"ll be there always"

Puro papuring salita lang ang nasa isip ni Donghyuck sa sobrang pagkabighani nya rito.

Lalapitan na nya sana ang batang babae nang may-

"Haechan ano ginagawa mo dyan?" hila sakanya ni Jeno palabas ng music room.

"Kakausapin ko yung babaeng tumutugtog" naiinis na sabi ni Donghyuck sa kaibigan nyang si Jeno. "Panira ka!"

"Nasan?" Nagtatakang tanong ni Jeno, sumilip sila sa music room at- walang tao roon.

"N-Nandito lang y-yun kanina.." naguguluhan na sambit ni Donghyuck.

"Hala ka multo ata nakita mo awooo" pang aasar ni Jeno sakanya.

Hinampas ni Donghyuck si Jeno sa braso ng malakas

"Wag mo nga akong tinatakot! Atsaka nakita ko talaga sya dito.. dito mismo tumutugtog ng piano!" Depensa ni Donghyuck

"Pabayaan mo na yan" hila sakanya ni Jeno papuntang canteen. "Nagugutom na ako, puro dada si Ms. Santos kanina wala akong maintindihan" sumunod na lang si Haechan sakanya at tumingin uli pabalik sa music room.

Totoo sya, hindi sya multo isip ni Donghyuck.

_____
Hi! Stay safe peeps! <3

the melancholy of loving you | lee donghyuckTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon