"Eh kasi... Lucian. Parang mala Lucifer ang datingan." tumawa naman ito.

"A-ah, sorry hahaha. Ganun pala. " at tumawa naman siya.

Hindi ko alam kong bakit parang pinagtitinginan na kami ng mga tao ngayon dito. Ano bang problema nila.

"Oo, ganun 'yon." sabi ko dito at napatawa.

Natigil naman kami ng may nagsalitang malamig na boses sa likuran namin. "Move." he said.

Mas nagulat na lang ako ng dumaan ito ng mabilis sa gitna namin. Kaya napaatras si Lucian kasi nabangga niya ito.

Parang walang modo kasi sa gitna talaga namin siya dumaan. Pwede naman siyang dumaan sa gilid namin kasi maluwag naman ang daan. Pero pinili niyang dumaan sa gitna.

Si Jethro lang naman yung dumaan sa gitna namin. Jeez! Akala ko ba mayaman 'yon, eh bakit parang hindi siya makabili ng manners.

Derederetso lang itong naglalakad na parang wala lang nangyari.

"Si Jethro talaga oh." sabi nitong si Lucian.

Napatingin naman ako kay Lucian. "Bakit kilala mo ba siya?" tanong ko sa kanya.

He nodded. "Ah, yeah. He's my friend before." at ngumiti siya.

Na curious naman ako sa sinabi niya. "Before?" tanong ko.

Nakalimutan ko naman ang mission ko! Dumaan na nga pala si Jethro, at sa harapan ko pa.

"Oo kas-." Agad ko naman siyang pinutol. Si Jethro! Nakalimutan kong kanina ko pa pala siyang hinahanap.

I need to talk to him immediately. Hindi ko na pinatapos magsalita si Lucian kasi ngayon ko lang naalala na kailangan ko pa lang makausap ang taong 'yon.

"Ay, t-teka lang. I have to go." sabi ko dito.

"Wait!" pipigilan niya pa sana ako. Pero hindi ko na siya pinansin at tumakbo na ako para mahabol si Jethro baka pa siya makapasok sa classroom.

Tumakbo at tumakbo ako para mahabol ko siya. Mabuti na lang at naabutan ko itong paakyat pa lang ng hagdan.

"Jethro, wait!" tawag ko sa kanya pero parang wala lang itong narinig.

Tsk! Nakakainis talaga 'to! Kaya naman mas binilisan ko pa ang paglalakad at hinabol siya. Hinawakan ko ang kamay niya para mapigilan ko siyang maglakad, kaya napatingin ito sa akin.

"What?" and here we go again, sinalubong na naman ako ng nakakunot niyang kilay.

Nginitian ko naman ito ng napakalapad. "Pwede ba kitang makausap?" mahinahon na tanong ko sa kanya.

"No." aba't nanggigigil na talaga ako dito!

"Sige na please." at nag pa cute naman ako dito. Kailangan ko lang talagang gawin to para sa kapakanan ko at umaasa akong mag w-work sa kanya.

Kung wala lang akong kailangan dito, ay hindi ko talaga 'to kakausapin.

"What the fvck!" napamura naman ito. At parang nandiri pa talaga siya sa mukha ko. Ganun ba kasagwa, kasi nag w-work naman 'to sa iba eh.

"Hoy! Ang bad ng mouth mo ha." suway ko dito. Kalmahan mo lang, Vera may kailangan ka pa.

"Tsk, ano ba ang kailangan mo? And can you please remove your hands." Nakalimutang kong hindi ko pa pala nabibitawan ang kamay niya. Kaya agad ko naman itong binitawan.

Chill, Vera. Kailangan mo siya ngayon.

"Natapos mo na ba ang activity natin hehehe?" tanong ko.

"Yeah." he answered plainly.

"A-ah, pwede bang ilista mo ako diyan? Balita ko kasi hindi makakakuha ng quiz bukas kung hindi raw tumulong yung partner mo hehe." sana talaga mag work 'to.

He chuckled. "Yes, it's true, at wala akong planong ilista ka, kasi hindi ka naman tumulong. Not evenam a bit." He coldly responded.

Aba't! Kapag hindi ako makakakuha ng quiz bukas, bababa na naman ang grades ko, tapos pag bumaba, mapapagalitan na naman ako ng Papa ko.

Napabuntong hininga naman ako. "Alright, I'm sorry huhu. Hindi ko naman kasi alam na hindi pala makakakuha ng quiz bukas kapag hindi tumulong.''

He chuckled. "It's not my fault tho."

I pout. "Please, paki lista na lang ako, pretty please." pagmamakaawa ko sa kanya. Baka kasi ako lang ang hindi makakakuha ng quiz bukas eh.

"It's still a no." at akmang tatalikuran na ako nito pero pinigilan ko siya ulit.

"Sige na, my President please." malumanay na saad ko. Kailangan ko talaga 'to. Nakasalalay na 'yong quiz ko dito bukas.

"Ano'ng sabi mo?" at kumunot naman ang noo niya.

Kaya napatigil naman ako at doon ko lang napagtanto ang nasabi ko sa kanya. "H-huh?" saad ko at napaiwas ng tingin.

Lumapit naman ito sa akin. "Ulitin mo 'yong sinabi mo.'' kaya naman bigla akong kinabahan.

Nakakahiya iyong nasabi ko. "Iyong paki-usap kong sana isama mo ako sa list sa partner mo?" pag mamaang maangan ko dito. How careless of me! Ba't ganun ba 'yong nasabi ko. Nakakahiya talaga.

"You know that it's not what I mean." at mas lalong lumapit pa ito sa akin.

Napapapikit na lang ko sa kakahiyan. "Oo na! I'm really sorry sa sinabi ko. Hindi ko talaga sinasadya na sabihan ka nang My President eh. Hindi na mauulit! Promise." mabilis na saad ko. Ayaw ko na atang buksan ang mga mata ko sa kakahihiyan.

May narinig naman akong tumawa kaya iminulat ko ang mga mata ko.

Nagulat naman ako ng nakangiti ito ng kaunti. Oh my! Is he sick?

"Hmm." at parang nag-iisip pa ito.

Nakangiwi pa rin ako kasi hindi ko inaakala na marunong itong ngumiti. "I'm really sorry. Pero sana ilista mo na ang pangalan ko."

He crossed his arms. "Fine. I'll include your name if you'll call me that way again." simpleng saad nito.

"What?" grabeng kahihiyan na yung naransan ko tapos ipapaulit niya pa sakin 'yon?

"I know you heard me. Do it. I just want to see you getting embarrassed." he's really evil!

Tinignan ko naman siya ng masama. "Ayoko."

"You only have 10 seconds." at napatingin pa ito sa relo niya.

Nag panic naman ako. "You're kidding right?" kinakabahang tanong ko.

Pero nakatingin lang ito sa relo njya. "Seven" tanging sagot niya.

"Jethro naman." at hindi na ako mapakali dito.

"Five."

Damn. For the sake of my grades.

"Fine! I'll d-do it." nauutal na saad ko.

Napatingin na ito sa akin. "Three."

I took a deep breath. "Please, my president! Sana ilista mo na ang pangalan ko. Nakikiusap ako. Please, my president!" at namumula na ang mukha ko sa kahihiyan.

He put his hand inside his pocket. "Just right on time." at tumingin naman ito sa akin. "Good girl."at napangiti naman siya.

Hindi ko alam kong totoo ba ang nakikita ko ngayon pero parang totoo nga ang sinasabi nila! Pogi nga talaga siya!

Jethro's Obsession (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon