A/N: This is the second part of the past.
CHAPTER 39
NAGMULAT ako ng aking mata at unang bumungad sa akin ang mukha ni papa.
He looks exhausted and really stressed. Katabi niya ang isang magandang babae na agad na na-alarma nang makitang gising ako.
"Demencio, gising na siya. Tatawag ako ng doktor." Agad niyang niyugyog si papa at tumakbo palabas ng kwarto.
Nang makita ako ni papa ay nag-unahang pumatak ang luha sa kanyang mata. "A-Anak, I'm s-sorry.." Mahinang wika niya.
Kinapa ko ang aking likod kung saan ako sinaksak ng lalaki ngunit wala akong maramdamang kahit ano.
"A-Ano pong nangyari?" Naguguluhang tanong ko sa kanya.
"Naghilom na ang sugat mo, anak. Kapag naka-recover ka na ay kailangan nating makabalik agad ng Maynila." Seryosong wika niya, pumasok muli ang babae ngunit may kasama na itong tatlong doktor.
Isa-isa nilang chineck ang kung ano-ano sa akin at tinanong ang pakiramdam ko, feeling ko ay ang tagal kong tulog kaya kahit pag-kurap ay nananakit ang mata ko.
"What do you feel right now?" Tanong ng isang doktor.
Ngumiwi ako, "Okay na po ako, feeling ko lang po ay nasobrahan ako sa tulog." Sagot ko. The doctors chuckled.
"Your wounds are healed but we still need to run some tests. But once you recover your energy, we can process your dischargement. Ubusin lang ang medication niya and she'll be fine." Paliwanag ng isa pang doktor.
Nagpasalamat si papa at yung babae sa kanya, nang makaalis yung doctors ay tinignan ko yung babae.
"Sino po kayo?" Tanong ko.
Ngumiti ang babae at hinawakan ang kamay ni papa, "You were unconscious for about three weeks now. I was the one who saved you that day." Paliwanag niya, nanlaki ang mata ko. Sunod-sunod na kumawala ang alaala ko sa araw na 'yon.
Ang pinaka-masalimuot na pangyayari sa buhay ko, sunod-sunod na bumuhos ang luha sa mata ko kaya agad na tumayo si papa upang yakapin ako.
"H-He kissed m-me. H-He touched me in e-every part of m-my skin, 'pa. N-Nandidiri ako sa sarili k-ko." I can't even hug papa back, feeling ko ay hindi ko siya kayang yakapin dahil masakit pa rin sa akin ang lahat ng nangyari. Sariwa pa rin sa alaala ko kung paano ako muntikang mamatay at magahasa.
"Shh.. Papa is here na, hindi ka na nila masasaktan, o-okay?" Pagpapatahan niya, mas lalo akong napahagulgol.
Hinawakan ng babae ang aking kamay, lumayo si papa at hinaplos ang aking pisnge. "I have to tell you something." Aniya.
"Your mother.." Panimula ni papa na parang nag-aalangan pa kung iku-kwento niya sa akin ang sinasabi niya.
"S-She's dead. She killed herself because she felt g-guilty of what happened to you." Paliwanag niya, dumoble ang nakatusok sa puso ko.
Mas lalong lumala ang nararamdaman kong sakit at kirot. "S-Si m-mama.." Mangiyak-ngiyak kong wika.
"Sa susunod na gabi ang last night ng burol niya, a-anak. Patawarin mo kami at hindi ka namin n-naprotektahan. P-Patawarin mo kami." Paghihingi niya ng tawad, tinakpan ko ang aking mukha.
BINABASA MO ANG
PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)
RomanceTHIS IS THE REVISED VERSION. WARNING: R18 A/N: This story contains toxic male lead. Not for reader with Anger Management Issues. Read at your own risk. "Tell me how you fall in love, Luther." Ngumisi ang lalaki sabay inilapag ang isang baril sa har...