Luel, a faint voice woke up Luel from her deep sleep.
Marahas na suminghap si Luel nang bigla siyang magising. Pakiramdam niya ay naghahabol siya ng hininga. Hinawakan niya ang ulo niya nang makaramdam siya nang matinding sakit.
Argh! Ang sakit naman!
Her eyes squinted while looking around. Nasa forest pa rin siya. Nawala na ang portal at sina Alcaeus. Luh, iniwan ba nila ako? Tanong niya sa sarili niya nang mapansing walang tao. Walang bahid ng mga kapangyarian. Para bang walang nangyari rito.
Tumayo na lang siya at pinagpagan ang kaniyang damit. Napatingin siya sa langit at napansing nag-umaga na pala. Isang araw na ba ang nakalipas, at hinayaan lang nila ako dito?
She exhaled sharply before walking out of the woods. Hindi niya magamit ang kapangyarihan niya dahil parang na-drain na iyon at naubos na.
She looked at her hand and noticed a vine bracelet. Taka siyang tumingin doon, akala ko ba naitago ko na 'to sa spatial ring ko? She just shrugged off the thought and fastly walked.
Tinahak niya ang daang alam niya, pero napansin niya rin na parang may kakaiba... hindi niya alam kung ano, pero mas lalo siyang nagdududa patagal nang patagal. Nasaan ba ako?
Sinubukan niyang gamitin ang vampire speed niya, thankfully nagawa niya 'yon. Phew! Buti nalang talaga.
She used her vampire speed to get away from the forest. Akala niya ang town ng Qidian ang bubungad sa kaniya, pero bigla siyang nagulat nang makakita ng hindi pamilyar na kastilyo.
She noticed a sign. Phoenix Academy. What? Nasaan ba siya? Hindi naman siya pamilyar sa pangalan ng academy. Is this a new academy? Tiningnan niya ang paligid at napansing wala namang mga estudyante.
Baka nga bagong tayo lang 'to. Pero saang parte naman ito ng Aerilon? Qidian? Helevetik? Deshire? Taquine?
Mabilis din siyang nakarating doon sa tapat ng kastilyo. Napansin niya ang iba't ibang estatwa, pero nanlaki ang mata niya nang makakita ng estatwa na kamukha ng kaniyang ina... Sinclair.
Bakit naman may estatwa ang nanay niya rito? Nasaan ba talaga siya? Nasa Qidian ba siya?
Tumigin siya sa taas, at napansing may pangalawang palapag pa. Pero tiningnan niya ang buong first floor pero wala namang daan pataas. She sighed, and tried to gather energy to summon her black wings. Thankfully, it did.
Lumipad siya pataas at namangha. Parang nasa outer space lang sa ikalawang palapag. Napansin niyang puro planeta dito. Sa gitna ay naroon ang araw. Hindi naman siya pamilyar sa ibang planetang naroon.
Because of her curiosity, she walked towards the sun. Nagtaka naman siya kung bakita ganito sa second floor. Wala namang rooms, and whatsoever. Hinawakan niya 'yon at nagulat nang iabsorb ng sun ang kamay niya. Para bang nakapasok sa loob ang kamay niya.
Ah! Baka naman may room sa loob, at kailangan ko lang makadaan dito.
She stepped her foot and caught a glimpse of the inside of the sun. Pero bago pa siya tuluyang makapasok, naramdaman niyang may kung anong puwersa ang tumulak sa likod niya.
For the second time, everything went black for Luel.
༻❁༺
"Bakit mo kasi pinatamaan agad, Alpha?" sambit ng isang lalaki, at iyon ang unang bumungad kay Luel paggising niya. Hindi niya pa naimumulat ang kaniyang mata dahil napapariin ang pikit niya sa sakit ng likod niya.
BINABASA MO ANG
Aerilon Academy
FantasyCOMPLETED | Aerilon Academy unlocks the element within. Lucianna Sariel Rofocale is a mystery. Ang kapangyarihan niya ay kakaiba, at hindi nabibilang sa apat na elemento. Now that she has turned sixteen and is bound to enter Aerilon Academy, she nee...