CHAPTER 32

39.3K 991 66
                                    

CHAPTER 32





NAPAMULAT ako nang makaramdam ng gutom, tatayo na sana ako ngunit may mabigat na bagay ang nakadagan sa akin. Nang mag-angat ako ng tingin ay nakita ko si Luther na ginagawang unan ang dibdib ko. 





"Luther..." Mahinang tawag ko sa kanyang pangalan at bahagyang niyugyog ang kanyang balikat. Medyo napapaos pa ang boses ko dahil sa panunuyot nito. Ni-hindi ko alam kung gaano kami katagal nakatulog.





"Hmm.." Maikling sagot niya na tila pagod at walang planong bumangon.





Nilibot ko ang paningin ko at tsaka lamang naproseso sa utak ko na nasa opisina pa rin kami at nakahiga sa sofa niya. 






Nababalutan rin ng kumot ang kalahati ng aming katawan dahil malamig ang hangin na nagpapaikot-ikot sa loob ng opisina at pareho pa rin kaming walang kahit anong kasuotan. 







Bahagya ko ulit siyang niyugyog, "Usog ka, gutom na 'ko." Wika ko at pilit siyang tinutulak palayo sa akin. 





Agad siyang nagmulat ng mata at tinignan ako habang nakasilay ang ngisi sa kanyang labi, "Thank you.." Mahinang wika niya at naupo, he slightly bend over to reach my lips.






Saglit na halik lamang 'yon at pagkatapos ay hinalikan niya rin ako sa aking noo.






"C'mon, let's eat." Pag-aaya niya, tumayo siya at mabilis na isinuot ang boxer na hinubad kanina.






Tinulungan niya rin akong tumayo at iniabot sa akin ang hinubad niyang t-shirt niya kanina. Masyadong malaki 'yon sa akin kaya't tanging panloob lamang sa pang-ibaba ang isinuot ko. 






"Dinala ko 'yan para makain mo." Nakangusong paalala ko nang magsimula siyang subuan ako ng pagkain.







He smiled, "I'm satisfied with your taste." Aniya at pagkatapos ay pinanganga ako, tinanggap ko naman ang isang kutsarang puno ng pagkain.







Pagkatapos ay siya naman ang sumubo, para akong isang batang paslit na kailangan pa niyang subuan.






Nang maubos namin ang pagkain ay tumayo na ako, tinignan ko ang wall clock na nakasabit sa taas ng pintuan ng veranda.






Four o'clock na pala ng hapon, napasarap ang tulog namin.






"Maliligo lang ako." Nakangiting paalam ko.






"Wait, I'll join you." Nakangisi pa siya habang nakatayo, he wrapped his arms around my waist. Nagtama na naman ang aming balat kaya ilang daang boltahe na naman ang bumalot sa katawan ko.






"Hindi pwede, puntahan mo si Lucia at nami-miss ka na no'n. Isang linggo ka ba namang hindi tumabi sa amin sa pagtulog." Bahagya ko pa siyang inirapan at animo'y nagtatampo.






Hinawi niya ang buhok ko na tumatabing sa aking mukha, "I love you, I'm sorry." Mahinang bulong niya at hinalikan ang noo ko.






Ngumiti ako sa kanya at gumanti ng yakap sa kanyang likod, "'Wag mo nang uulitin 'yon, masakit kase. Alam ko namang kasalanan ko pero hindi ko maiwasang masaktan sa hindi mo pagkausap sa akin. Kung mau nagawa man tayong mali sa isa't-isa, gusto kong pag-usapan natin." Sagot ko, sinubsob ko ang aking mukha sa kanyang dibdib.






Masyado siyang matangkad sa akin kaya't ang ulo ko lang ang kaya niyang halikan habang magkayakap kami.






THIRD PERSON'S POINT OF VIEW






PSYCHOPATH #1: Luther Sylveria | Gunshot (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon