Gresha
Nagising ako na wala na si Caldrix sa aking tabi. Nilibot ko ang aking paningin at nilasap ang katotohanang nandito na ulit ako sa kastilyo, sa silid ni Caldrix.
Last night was full of unexpected revelations that even myself couldn't believe that those things were real. Those revelations are real.
Cassiopeia, who would've thought that she is the sister of Caldrix? A pureblood, and a princess by birth. Alam ko namang kakaiba at natatangi siya, ngunit hindi ko lubos maisip ang katotohanan ng kanyang pagkatao.
She hides herself that many thought she's already dead.
At ngayon ay siya na ang bagong reyna ng Vampyria. She made a scene last night. A massive scene that everyone won't forget, ever. Well, she was cool, it's given. She is Cassiopeia, the bitchest among all, as what she praised herself to be.
Napabuntong hininga ako dahil sa mga pangyayari na hindi ko napaghandaan at inaasahan. Ano pa ang susunod na mangyayari? Sa akin? Sa nakapalibot sa akin? Sa Vampyria?
Maraming katanungan na masasagot lamang habang ipinagpapatuloy ang takbo ng buhay.
And this is what needs to be done. Life must go on, and I need to live with it by living it.
Pagkatapos kong ayusin ang aking sarili ay agad akong pumanhik sa kusina upang uminom ng tubig. Nadatnan ko si Maya na naghahanda ng pagkain.
Nang makita niya ako ay agad siyang nataranta dahilan upang mahulog ang kutsarang hawak niya na agad naman niyang pinulot.
"G-gresha," pagtawag niya sa akin na nakayuko.
Napataas ako ng kilay. Hindi ko inaasahan ang pagbabago ng kanyang pakikitungo sa akin.
"Maya. Ilang araw tayong hindi nagkita, mabuti naman at maayos ka."
Tumango lang siya.
"Nakita mo ba si Caldrix?" kaswal kong tanong. Bigla siyang nanigas.
"Nasa kanyang opisina siya ngayon. Sa katunayan ay ihahatid ko na itong pagkain papunta sa kanya."
Bigla ko siyang nilapitan at kinuha ang inihanda niyang pagkain dahilan upang mapatingala siya sa akin. Puno ng pag-aalinlangan ang kanyang mukha.
"Ako na ang maghahatid nito." pahayag ko ngunit mabilis siyang umiling.
"Ako ang inutosan ni Haring Caldrix kaya ako ang magdadala nito sa kanya."
"Maya, alam ko namang kinakabahan ka pagkaharap mo siya diba? Kaya ako na ang maghahatid nito." Naalala ko ang sinabi niya sa akin na iniiwasan niya si Caldrix dahil natatakot siya sa presensiya nito. At dahil sa takot, kadalasan ay nagakakamali siya sa kanyang ginagawa.
"Gresha, kung mararapatin mo ay magiging matapat ako sa'yo. Hindi ko inaasahan na ikaw ang kabiyak ni Haring Caldrix. Noong una akala ko ay isang espesyal na panauhin ka lamang dito mula sa mundo ng mga mortal. Ngunit ngayong alam ko na ang katayuan mo, nais ko lang ipaalala sa'yo na isang hamak na tagasilbi lamang ako rito. Maging ang pakikipag-usap sa iyo sa ganitong paraan ay maaaring magbunga ng aking kaparusahan. Kaya kung maaari, putulin na natin ang naging maikling ugnayan natin noon at mamuhay ng naayon sa ating estado." Huminga siya ng malalim matapos ang kanyang mahabang pahayag na nagpalungkot sa akin.
Nilapitan ko siya at hinawakan ang kanyang balikat.
"Ano ka ba, Maya? Ikaw ang unang kaibigan ko rito at hindi ko magawang kalimutan iyon. Kabiyak ko man ang iyong hari, isang estranghero pa rin ako sa lugar na ito, kaya kailangan ko ng mga tao o nilalang na sigurado akong aagapay sa akin, at isa ka kanila." Nagkaroon ng kagalakan ang kanyang mga mata ngunit napalitan ito ng kalungkutan.
BINABASA MO ANG
Fated To Be
VampireMIDNIGHT CREATURES SERIES 1 "I am the king, but you are my ruler. I am a demon, but you are my religion. I got everything in life, but you are my greatest obsession." * Gresha Iris lived her life in isolation for many years, but everything changed t...