Wattpad Original
Mayroong 5 pang mga libreng parte

3

10.7K 290 24
                                    

CARLY

AND THAT'S WHEN MY FRIENDSHIP with Zacharias started. To the point that he almost became my confidant. Iba ang naging impact ng pagkamatay noon ni daddy sa akin. Mas lalong tumibay ang paniniwala kong mahirap maging attached sa mga tao. It's hard to care for too many people. It would mean too many pains to go through once they began leaving one by one.

I pushed my friends away. I blamed Kelly for inviting me to that café. I believed if that did not happen, daddy would still be alive. Or maybe, I was just making excuses.

I was just making excuses to make it look like pushing them away was very reasonable of me to do.

But like any person, no man was an island. At sa lahat ng mga taong iniwasan o tinaboy ko, si Zacharias lang ang hindi sumuko sa akin.

Aabangan niya ako kapag oras na ng uwian sa gate ng subdivision. Sasabayan lang niya ako sa paglalakad hanggang sa maihatid ako sa gate ng bahay. Siguro, iniisip niyong ang rupok ko dahil...dahil tumalab 'yong simpleng gesture niyang iyon. Hindi rin ako nakatiis na hindi siya kausapin habang naglalakad kami. Hanggang sa hindi ko na talaga kinaya ang lungkot.

Lumabas ako ng bahay isang gabi. Pumuwesto ako sa tapat nung tindahang malapit sa nire-renovate na bahay nina Zacharias. Dahil gabi na at may regulations ang home owner's association sa subdivision, ayun, wala nang makikitang kumikilos sa construction site.

Kaya nag-abang na lang ako sa tindahan kay Zacharias. Wala naman kaming cellphone number ng isa't isa kaya inabangan ko na lang siya. I was still shedding tears, but more calm than I was when I woke up in the middle of my sleep. I slept too much during those sad episodes of my life.

Sinabihan ako nung tao sa tindahan na magsasara na sila at pinauwi ako. So, I left. Nagkunwari lang ako na uuwi. Binagalan ko ang paglalakad habang panakaw-nakaw ng sulyap sa bahay na pinagtatrabahuan nila Zacharias.

Akala ko, uuwi akong mabigat ang loob. Pero biglang lumabas si Zacharias mula sa tulugan nila. Lumabas daw siya kasi natanaw raw niya ako sa bintana. Sa taas kasi siya nung double deck natutulog.

Gusto ko sanang hingiin ang permiso niya. Kung pwede ba akong maglabas ng lahat ng kinikimkim kong sama ng loob sa kanya? Kung okay lang ba sa kanya na maabala siya?

But I could not help it. I finally burst into tears and pulled him into a hug.

Ewan ko kung bakit ko siya niyakap. Ayoko lang sigurong makita niya ang mukha ko, kaya sinubsob ko sa leeg niya.

Humiwalay agad siya.

"Shh... Shh..." alo niya sa akin. His fingers wiped my tears. "Huwag masyadong maingay, hm? Hinga ka muna nang malalim, okay?"

I sniffed and tried my best to recollect myself. Mukhang nakontento siya sa effort ko, kahit panay pa rin ang pagdausdos ng mga luha ko. He gave me an encouraging smile.

"Pwede ba tayong mag-usap?" Tingala ko sa kanya, nanginginig ang boses.

"Oo naman." Oh, his voice was so gentle that night. "Pero anong oras na, Carly. Baka hanapin ka sa inyo. Baka masita rin tayo ng mga nag-iikot na gwardiya rito kapag nakita tayong nasa labas pa."

"Walang maghahanap sa akin sa bahay, Zacharias." Napipikon kong tulak sa kanya. "O baka naman, tulad nila, napagod ka na rin sa akin?"

Napilitan siya. At dahil ayaw niyang masita kami nung mga kasamahan niya sa construction, pumuslit kami sa loob nung mismong bahay na nire-renovate nila. Dahil pinapalaki lang iyon, may ilang bahagi ng bahay ang hindi nagalaw at maayos pang magagamit. We managed to sneak inside one of the bedrooms. Mas pribado kasi roon at hindi kami agad makikita kung may isa sa mga construction workers ang makaisip na mag-inspect sa ginagawa nilang bahay.

The TestTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon