MPMMN:11

11.3K 526 105
                                    

Hindi na ako umangal nang si kuya na ang nanghila ng upuan para sa akin, tinignan ko siya at nginitian niya ako.

"Manang sumabay ka na rin sa'ming kumain." inumpisahang lagyan ni kuya ng kanin ang plato ako, napanguso ako ng pilit ko siyang inaawat ngunit tinawanan lamang ako.

" Kuya, tama na yan ang dami na."

" Kumain ka ng marami para tumaba ka naman." napanguso lamang ako at sinenyasan si manang na maupo na nang makita siyang nakatayo pa rin.

" Manang, diba sabi ko naman sayo sumabay ka na sa amin laging kumain. Dadalawa lang lang kami lagi ni Ataska oh."

" Naku iho, nakakahiya kasi ngunit salamat."

" Ilang taon na kayo dito manang ngayon pa ba kayo mahihiya? parang ina na rin naman ang turing namin sa iyo ni kuya." sumubo ako matapos sabihin yun.

" Kayo din naman, sa apat na taong pamamalagi ko dito ay anak na rin ang turing ko sa inyo," hindi ko maiwasang mapangiti habang nakikinig kay manang habang ganun din si kuya na tuloy tuloy sa pagsubo,napailing na lamang ako.

" Nakikita ko kasi sa inyo ang anak ko si Eliana, napakabait ng batang iyon katulad niyo."

" Bakit hindi niyo siya dalhin dito manang, maybe we can bond with her some other time?" sumang ayon ako sa sinabi ni kuya.

" Oo nga manang, sigurado ako makakaclose namin yun..." napansin ko ang malungkot na ngiti ni manang.

" Wala na siya iha...namatay ang anak ko noong katorse anyos pa lamang siya." nanlaki ang mata ko sa narinig.

" P-po? pasensya na manang..." ngumiti ito ng pait.

" Ayus lang iha, alam ko namang nasa mabuting lagay na siya ngayon."napayuko ako. Dumaan ang katahimikan sa amin.

" Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala...ang laki na ng pinagbago mo iha." napatingin ako kay manang.

" p-po?"

" Noon pa man ay napapansin ko ng maganda ka ngunit 'diko alam na may mas igaganda ka pa pala..." ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko.

" Ahehehe, s-salamat po."

" Baka naman eh marami ng umaaligid sayo?" naramdaman kong biglang natigilan si kuya, doon ko lang napansin na subo pa rin siya ng subo ngayon.

Sa tingin ko ay nakatatlo na siyang ulit to ng kanin? gutom na gutom ba to?

" Umaaligid manang?"

" Oo, mga manliligaw meron na ba?" napailing ako.

" Tss, kung meron man sa'kin muna sila dadaan. Tignan ko kung hanggang saan ang tapang nila."

" K-kuya?!" hindi ko siya maiwasang panlakihan ng mata. " Grabe ka naman ata..."

" Oh bakit? ano gusto mong gawin ko?"

" Para kasing ang dating ng sinabi mo eh sasaktan mo sila..." napanguso ako.

" Bakit ba hindi? kung yun ba ang paraan para malaman natin kung kaya kang ipaglaban sa ano mang pagsubok." napairap ako.

" Palibhasa hindi ipinaglaban." bulong ko.

" Ano kamo?!" inirapan ko na lamang siya ng panlakihan niya ako ng mata.

" Magsabi ka nga, may nanliligaw na ba sayo ng 'diko nalalaman?" nanlaki ang mata ko, naalala ko yung laging nagpapadala ng sulat sa akin si JW. Tsss, hindi naman nanliligaw yun.

"W-wala." narinig ko ang halakhak ni manang.

" Normal lamang iyan lalo na't maganda iyang kapatid mo, matalino at mabait pa." napangiti ako kay manang, sinasabi ko sayo manang magiging friends talaga tayo forever.

Mr.Playboy Meets Ms. Nerd [COMPLETED]Where stories live. Discover now