Chapter 7: The Seer

Magsimula sa umpisa
                                    

Kumuha si Sir Apollo ng dagger sa mesa at walang babalang binato ito sa direksyon ng nakatalikod na si Victoria. Halos manlaki ang mga mata ko sa ginawa niya. Mukhang walang kamalay-malay rito si Victoria ngunit napanganga ako nang makita ang susunod na pangyayari.

Natigilan si Victoria sa ginagawa nang halos ilang pulgada na lang ang layo ng kutsilyo sa kanya. Saka siya mabilis na umilag. Tumama ang kutsilyo sa matigas na pader at tumusok sa pagitan ng dalawang bato.

Humarap si Victoria sa amin na nakakunot ang noo. "If you need an example, say so!" iritableng sabi niya. "Hindi 'yong maghahagis na lang kayo ng kung anong mahawakan n'yo. Muntik pang madaplisan ang buhok ko." Ininspeksyon niya ang buhok sa gilid ng mukha niya bago nagpatuloy sa ginagawa.

"See that?" sabi ni Sir Apollo na tila hindi narinig ang reklamo ni Victoria. "She's a deceiver pero kaya niyang umiwas sa pag-atake at makipaglaban. Lahat kayo ay magiging target sa larong ito. Dahil sa bawat member na malalagas ay may kalakip na puntos na maaalis sa grupo. Mas malaki ang tyansa n'yong manalo kung makalalabas kayong lahat nang buhay."

Tumikhim si Miss Aura.

"Mukhang wala na tayong maaabutan na breakfast sa hall kaya mabuti pang pumunta na kayo sa mga klase n'yo. Siguradong magtataka sina Principal Bins at Headmaster Grey sa hindi n'yo pagsipot sa breakfast hall. Mabuti nang may madatnan silang ilan sa atin sa classrooms man lang."

Bumaling si Miss Aura sa akin. "Shia, you need to stay here with Luna. Kailangang gumaling ang mga sugat mo bago ka lumabas dito sa training room. Babalik ang grupo rito mamayang ten o'clock para sa training. Sa ngayon, si Luna muna ang bahala sa 'yo."

Nagtayuan ang iba at nagsimulang mag-ayos para umalis.

"Wala pang ilang oras na nagsasama ang grupo, nagka-spark na agad," sabi ni Cain na tinutukoy ang gulong nangyari kanina. "The best team."

Hindi ko alam kung nagbibiro ba siya. Siguro nga dahil hindi niya mapigilan ang tawa niya habang palabas sila ni Ethan sa training room. "Bye guys!" paalam niya bago sila tuluyang nawala sa paningin ko.

Sumunod si Victoria nang walang anumang sinabi. Ang huling nagpaalam ay sina Miss Aura at Sir Apollo. Hannggang sa naiwan akong mag-isa kasama ang babaeng nagngangalang Luna.

***

"You really are something, aren't you?" nakangiting sabi ni Luna habang ginagamot ang mga sugat ko.

Kumpara sa mga gamot at bandages, parang fast forward ang paggaling ng mga sugat ko dahil sa ability ni Luna. Wounds heal ten times faster kung siya ang gagamot sa 'yo.

"First time na may makasakit kay Gin sa unang subok," natatawang sabi niya. Her necklaces clatter every time she moves. "At unang babae pa," she added with amusement. "And you tend to counter his every decision. Mukhang tama si Cain. This is the best group so far."

Gusto kong matawa. Best group? Alam ba nila na muntik na akong patayin ng kanilang Team Captain para lang masigurong hindi ako magiging sakit ng ulo at susunod sa gusto niya?

"Paano mo nalaman?" tanong ko. "Wala ka rito kanina."

"Nasalubong ko sina Gin at Corrine sa corridor."

Hindi ko mapigilan na magtaka. "Anong meron sa dalawa?"

"They're inseparable. Sabay silang lumaki, both from very influential families." Nawala ang atensyon ko sa mga sugat ko. I found myself listening involuntarily to Luna.

"There are no formalities kaya hindi ko rin alam kung sila ba." Bumalik ang focus niya sa mga sugat ko.

"Anyways, I've always been fascinated by your special ability. It's a wonder how you can control your senses. Para kang may sariling anesthesia. But you know what's deadly about this?" Patuloy siya sa pagsasalita at walang pakialam kung nakikinig ba ang kausap niya o hindi. "You will never know if your body is at its limit. You can die without even knowing it."

Titan Academy of Special AbilitiesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon