"Anne! Bumangon ka na riyan dahil maglilinis ka pa! Palagi ka na lang nakahilata sa kama, puro nalang problema dala mo sa buhay! Sana pala pinatay na kita nung sanggol ka pa!"
Iyan ang mga salitang bumungad sa akin pagkagising ko. Sanay na ako, ni hindi na ako naiiyak 'pag sinasabihan nya ako ng masama. Na manhid na ata ako.
Pero isang pangugusap ang pinaka-ayaw kong marinig sa kanya.
'Sana pala pinatay na kita nung sanggol ka pa'
Nanghihinayang sya, nanghihinayang syang binuhay nya pa ako sa mundong ito.
---
"Anne! Hindi mo ba nakikita na nahihirapan ang kapatid mo sa project nya? Bakit nakakagawa ka ng project mo pero hindi mo matulungan ang kapatid mo? Kung pwede pa lang pumatay ngayon ay ginawa ko na!" sigaw nya at lumabas sa kwarto ko.
Tinulungan ko ang kapatid ko sa project nya at nung natapos na tiningnan ito ni mama.
"Ano ba naman 'yan! Ang ganda nung project mo tapos sa kapatid mo parang basura! Sinasadya mo 'to 'no? Para mas maganda 'yung sa'yo at ikaw ay makakuha ng mataas na marka. Asa ka nalang, dahil bobo ka!"
---
"Linisin mo ang buong bahay at ang bakuran dahil may bisita tayo mamaya."
Ginawa ko ang gusto nya. Habang naglilinis ako ng bakuran, napaupo ako isang malaking bato sa sobrang panghihina. Nagulat nalang ako ng sinabunutan ako ni mama.
"Mama! Nasasaktan ako!" sigaw ko habang nakahawak sa kamay nyang hawak hawak ang buhok ko.
"Masasaktan ka talaga! Paglilinis lang tinatamad ka na! Sana talaga mamatay ka na!" sigaw nya pabalik at iniwan ako.
Hinang hina na ako pero pinilit kong maging malakas dahil magaglit na naman si mama. Umubo ako nagpatuloy sa paglilinis.
I have a Stage 3, Leukemia and all I want to do is to lay in my bed and die. Walang nakakaalam, even my sister and mama.
Bumalik na ako sa loob at naroon na ang bisita.
"Oh, mare. Dalawa ang anak mo? Aba! Ang tagal na nga nating hindi nagkita't hindi ko alam na may panganay ka pala!" saad ng bisita.
"H-huh? hahaha, hindi ko sya anak. Katulong lang namin sya," sagot ni mama.
Hindi ko na napigilan ang sarili ko't nagtanong na ako.
"Ikinakahiya mo ba ako, mama?" nangingilid ang luhang tanong ko.
"Huh? Anong pinagsasabi mo? Mama ka dyan." Pinandilatan nya ako ng mga mata.
"Kung kinakahiya mo ako, sabihin mo lang," sabi ko at iniwan sila.
Ikinakahiya nya ako dahil anak ako ng nag rape sa kanya. Nabuhay ako sa mundong 'to dahil sa pangrarape ng ama ko kay mama. Hindi ko sya nakilala. 'Yung step-father ko naman na kakampi ko ay nasa abroad.
Pagod na ako. Pagod na pagod na ako. Gusto nyang mamatay ako diba? Huwag kang mag-alala mama dahil hindi mo na ako makikita.
Kinuha ko ang aso ko at nilagay sa lamesa. Umupo ako sa upuan at kumuha ng papel at ballpen. Nagsimula na akong magsulat.
Mama,
Mama! Mahal na mahal kita kahit ganun ang pagtrato mo sa'kin. Gusto nyo na akong mamatay mama 'di ba? Huwag kang mag-alala mama dahil 'pag nabasa mo 'to wala na ako. Pagod na ako mama, pagod na pagod na ako. Ayaw na ayaw mong natutulog lang ako but I want to sleep forever. Bakit mo ako kinakahiya mama? Iba man ang ama ko, anak mo pa rin ako. May sakit ako mama at hindi ko sinabi sa iyo 'yun dahil alam kong magagalit ka na naman. Mawawala na ako mama, sana maging masaya ka na. Mahal na mahal ko kayo ni Jenny mama. Mag-ingat kayo palagi. Mama, kunin mo ang pera sa drawer ko. May pera doon, nag ipon talaga ako para hindi kayo mamroblema kung mamatay man ako. I love you mama!
-Anne
Pagkatapos kong magsulat ay kinuha ko ang aso ko at lumapit sa bintana. Umupo ako sa upuan, hinihintay si kamatayan.
I close my eyes then everything went black. Finally, I can't feel the pain anymore.
YOU ARE READING
One Shot Collection
RandomWa_OneShot Stories All Genre Is Here. Create: April 1, 2020 Ongoing Tagalog English