CHAPTER 52

296 12 0
                                    



"He didn't do that. " sagot ni Lance.

"He did! " sigaw nito maging si Erhen ay nagulat din sa pag sigaw nito.

"Isa siya at ang ama niya  sa matagumpay na business man sa business world noon.  Lahat ng gusto nila nakukuha nila.  Kung may gusto silang pabagsakin ay napapabagsak nila.  Sinubukan nilang bilhin ang kompanya ni Dad noon pero hindi pumayag ang ama ko.  Isa isang umalis ang mga investors sa company namin at alam mo kung sino ang nasa likod nun?  Si Max Sandoval! " mababakas ang sobrang galit sa pananalita ni Rojan.

"Nalubog sa utang si Dad dahil sa pagsasalba nito aa kompanya niya. Pero walang nangyari. Bumagsak padin ang kumpanya at maging ang pamilya namin ay bumagsak din.  Naubos ang lahat ng meron kami at hinabol kami ng mga taong pinagkakautangan ni Dad hangang sa dumating sa puntong ipinasunog nila ang bahay namin na ikinamatay ng mama at kapatid ko. Pagkatapos mamatay ng ina ko ay nagpakamatay na din si dad. "walang emosyong wika nito.

"Kung hindi dahil sa mag amang Sandoval ay hindi sana mangyayari ang lahat. Buhay pa sana ang pamilya ko! Naiintidihan mo na siguro ang dahilan ng galit ko! " walang emosyong wika nito bago nito iniwan sina Lance at lumabas.

Dahan dahan namang lumapit si Erhen kay Lance at mahinang nagsalita.

"Don't push hin on his limit.  Para na din sa kabutihan mo.  Hintayin mo na lang sila dahil darating sila.  Nostalgia and company will save you.  But for now don't do anything stupid. " babala ni Erhen dito na ikinataka ni Lance dito

"Who..Who are you?" nagtatakang tanong ni Lance.

"Hindi ako kalaban.  Sumunod ka na lang sa mga sinasabi ko." nakangiting wika nito bago nito iniwan si Lance na hindi makapaniwala sa nalaman.

"How's the shipment going? " tanong ni Rojan sa mga isa sa tauhan nito ng makalabas ito sa silid.

"Maayos boss.  Nakuha na din natin ang mga bagong baril." sagot ng tauhan.

"Good. " simpleng wika ni Rojan.

"Handa na ba lahat? " baling naman nito kay Erhen na nasa likod lang nito.  Isa ang babae sa pinagkakatiwalaang tao ni Rojan sa mga plano nito.

"Malapit na.  May mga gamit lang tayong kailangan para maging handa ang lahat. " simpleng sagot ni Erhen.

"Good.  I can't wait to kill that fucking Sandoval! " gigil na wika nito.

"are you really going to kill him? " tanong ni Erhen dito.

Nilingon ito ni Rojan habang nakakunot ang noo.

" Simula palang iyon na ang plano. At walang magbabago sa planong iyon.  I will make him pay for everything.  Ipaparamdam ko sa kanya ang sakit ng mawalan." mababakas ang galit sa pananalita nito.

"Gagamitin mo ang bihag na iyon at si Villaruel para maghiganti kay Sandoval bago mo siya patayin? "

"exactly. " nakangising wika ni Rojan.

"Gusto kong maramdaman niya muna ang pakiramdaman ng mawalan bago ko siya patayin. " dagdag pa nito.

" Ayusin ninyo ang plano. May kakausapin lamg ako." utos nito bago iniwan si Erhen.

"iba talaga ang nagagawa ng galit at paghihiganti.  Nakakaawa na lang ang taong madadamay.  Sana lang ay mag tagumpay sila sa gagawin nila para mapigilan nila ang gusto ni Rojan. " mahinang wika ni Erhen habang nakatingin sa papalayong katawan ni Rojan.

NOSTALGIA SERIES 1: NIKE VILLARUEL Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon