"So, ano nang plano?" Tanong noong babaeng naka-upo sa counter side nina Kuya Nero. For what I can remember, her name is Alexis. Mukha siyang masungit.
"Maybe we have no choice but to," Kuya Nero started but hesitations are evident by the way how he swallowed hard, "uhm, like walk for a bit."
"For a bit?!" Nag-freak na naman si Ate Athena, "Nero, gusto mo bang ulitin kong fourty minutes walk ang layo ng pinakamalapit na gasoline station dito sa lugar na 'to?!"
Hindi nakasagot si Kuya Nero. He pursed his lips, trying hard not to think of a better idea but only resorted with just heaving a giving up sigh.
"So, what are you suggesting, Athena? Maghintay tayo dito hanggang sa ang gasoline station na mismo ang lumapit sa atin?" The guy beside Ate Alexis mumbled. Mukhang suplado. Mabuti na lang at madali akong makaalala ng pangalan. He's Kuya Finn.
Lahat kami ay natahimik.
Walang gustong umimik dahil walang ni kahit isa sa amin ang maka-isip ng paraan.
"Wala na nga talaga tayong choice," Tito Theo suddenly spoke, tumayo siya at saka humugot ng malalim na hininga, "kailangan talaga nating bumaba."
I look around. Nandito kami sa parte ng Barangay kung saan walang mga bahay. Kung saan, walang ni kahit ano kung hindi mga puno at halaman.
Maybe, hindi nga ganoong ka-delikado kung maglalakad kami dito. But then again, I really don't know. What if bulto-bulto pala talaga ng mga zombies ang nag-aabang sa amin sa gasoline station?! Shit, ayoko n'on! Hinding-hindi ako bababa!
"Or what if, pumili na lang tayo ng mga pupunta sa gasoline station? Kasi look," Kuya Nero pointed his forefinger at the two old ladies on the counter side of Tito Theo and I, "baka hindi kayanin nina Lola. Ganoon na rin ang mga girls, they are still freaked out. Mukhang na-trauma pa yata sila."
"Except me." Ate Alexis whispered with a rolling eyes.
"Sige." Tito Theo started, "Tayo na lang mga lalaki ang lumakad. Ang maiiwan na lang dito ay iyong driver at ang mga babae."
My eyes widened.
Wait.
So that means, I am counted to the persons who will effin walk outside?!
Tito Theo, puta. Akala ko ba poprotektahan mo ako?! Bakit hindi mo na lang ako patigilin dito kung saan mas ligtas ako?!
"Right. I approved of that." Kuya Finn agreed.
I swallowed hard.
Tumayo na ang lahat ng mga lalaki. And on that moment, I really wish na sana walang hiya, babae na lang ako!
"Tito Theo," I whispered noong makatayo na ako.
Napalingon sa akin si Tito, "Oh?"
"I don't want to go outside." I wince. Feel kong putlang putla na ang mukha ko ngayon.
Agad siyang umiling. "Hindi. Sasama ka sa akin."
"Pero Tito--"
He is so quick to cut me off. He leaned closer to me and frantically whispered, "Nakakasigurado ka ba talagang babalik pa kami? Papaano kung makakita kami ng sasakyan sa daan? Paano kung may magligtas sa amin sa daan?"
Then he looked around, para bang nag-iingat na walang makarinig sa sunod niyang sasabihin, "Papaano kung maabutan na kayo noong mga infected dito? Papaano kung atakihin nila kayo dito habang wala kami? Sa dami nila, kayang-kaya nilang basagin ang bintana ng bus na 'to."
I gasp.
Shit.
"Sasama ka sa akin. Mas ligtas kapag sumama ka sa akin." Seryoso na si Tito Theo. Iyong tipong buo na ang desisyon niya. Bawal nang kumontra.
Lumunok muna ako ng laway. Kinakabahan man ay tumango ako bago agad na isinilid si Orion sa cat backpack ko. Kukunin ko na sana iyong sports bag na naglalaman ng mga damit namin ni Dad pero pinigilan ako ni Tito Theo. He told me that what matters right now is my life and not the things that can be easily replaced.
"Let's go?" Kuya Nero is standing at the front of the bus. He smiled at me, seems like assuring me that I will be safe.
"Wait, sasama ako." Ate Alexis started to walk closer to us. Lahat ng tingin namin ay dumako sa kanya.
"Alexis . . ."
And she cut Kuya Nero off, "Just let me join. Mabo-bore lang ako dito." She yawned. It's as if hindi zombie apocalypse ang nangyayari ngayon! For a moment, I wished to have her guts for once.
"Sama mo na," Tito Theo said, "para wala nang gulo. Isama mo na."
Kuya Nero seems to have a battle against himself when he nods. Wala siyang nagawa kung hindi ang pumayag. Ramdam ko, kahit hindi pa siya sumang-ayon ay sasama pa rin sa amin si Ate Alexis.
Ilang segundo ang nakalipas, lahat ng mga lalabas ay nakatayo na. Handa nang makipagsapalaran sa kung ano mang sitwasyon ang sasampal sa amin mamaya. At heto ako, gusto na lang bumalik sa panahong ginagawa pa ako nina Mom at Dad. Sana talaga, pinahid na lang ako sa pader para hindi ko na nararanasan 'to!
Bago buksan ng kundoktor iyong pinto ay tumingin pa muna siya sa labas. He is checking the whole place like an army who is making sure that there was never a deadly foe around us. Noong para bang nasiguro niyang ligtas ang lumabas, he slowly clicked the door open.
At doon nagsimula ang paglakas ng tibok ng puso ko dahil sa kaba.
I was really never ready for this shitty zombie apocalypse! I don't have any fighting instincts on my system! Feel ko, mahihimatay talaga ako mamaya kapag nakakita na naman ako ng zombie!
Kasunod na bumaba noong kundoktor si Kuya Finn na sinundan naman ni Kuya Nero. Then ni Ate Alexis. And I hesitated to step out next, pero dahil nasa likod ko si Tito Theo, naitulak niya ako papalabas. Muntik pa nga akong masubsob sa lupa!
Hindi ang mga zombies ang papatay sa akin, parang si Tito Theo talaga dahil sa patuloy niyang pang-ha-high blood sa akin!
Noong makalabas na ako ay agad na humampas sa akin ang malamig na hangin. Na nakapagpadagdag lang ng kabang nadarama ko. Ganoon na rin ang kulay kahel na langit, tila bang nagbabadyang malapit nang mag-gabi.
We really need to walk faster, dahil kung hindi, aabutin talaga kami ng gabi.
May kinuha saglit iyon kundoktor na dalawang gas container doon sa gilid ng bus. Lumapit siya sa amin. Iniabot niya iyon kay Kuya Nero.
"Kailangan na nating mag-madali," He looked around, noong bumalik muli ang tingin niya sa akin ay halata ang takot sa kanya, "mahihirapan tayong bumalik kapag nag-dilim na."
I nod while avoiding myself to freak out. Kasi nasisigurado ko, kahit gaano pa katapang tignan itong mga kasama ko ngayon, alam ko at ramdam kong natatakot rin sila na baka hindi na kami makabalik pa. Na baka sa daan . . . sa daan na lang matapos ang buhay namin.
BINABASA MO ANG
The Last Quarantine (Published Under LIB)
HorrorDuring the spread of the deadliest virus in 2054 Philippines, Santhy Gozon struggles to survive to reach the last quarantine. *** A sixteen-year-old student should be worrying about school, friends, girls, growing up-not battling the deadliest virus...