Bearer's Series #1: Celebrity On My Territory
Bearer's Series #2: Behind Close Door
Bearer's Series #3: Under The Cover
These stories will be found at Lake_GAD wattpad profile.****
Chapter 2: His Partner
Sebastian's Point Of View
Madaming puwedeng makita ngayong gabi bakit itong babaeng kinaiinisan ko pa ng sobra! Ilang milyong babae ang mayroon ng Pilipinas, bakit ang aswang pa na ito ang makikita ko!
"Hi, Sebastian! Masaya ka bang makita ako?" Tanong ni Kim. Hindi ko alam kung bakit ba akong matuwa kasi binati niya ako o hindi.
M
akita ko lang talaga ang itsura nitong aswang na 'to, pumapangit na ang araw ko! Parang gusto ko na lang kunin ni Lord kaysa makasama ang hipokritang babaeng 'to sa buong byahe namin papunta sa club nina Louise!
Pumasok ako sa loob ng kotse pero sa likod na ako pumwesto dahil may aswang sa harapan na katabi ni Lach. Kainis talaga! Hindi ko naman matyempuhan na hilahin ang buhok ng babaeng 'to baka mahuli pa ako ni Lach at malagot pa ako sa kaniya. Knowing him, he is protecting Kim at all of his cost.
Kung hindi lang talaga magkasyosyo ang pamilya nila sa negosyo paniguro sa lansangan na pupulutin itong babae 'to. Hindi sa pagmamayabang at pag-aassume, mas poprotektahan pa ako ni Lach kaysa dito kay Kim kung hindi lang talaga makasosyo ang pamilya nila sa negosyo. Sa tingin ba ng babaeng 'to papatulan siya ni Lach? Pwe! In her face! Itsura niya? Jusmiyo, kung tutuusin kahit aso hindi papatol sa babaeng ito. Kahit nga ugali hindi papasa sa aso kay Lach pa kaya!
Daig pa nga ng sirang plaka itong si Kim kung magdaldal sa buong byahe! Parang hindi nauubusan ng kwento, akala mo naman nakikinig si Lach sa boring at walang kadating-dating niyang mga kwento kuno! Kes'yo kumakain DAW siya ng street foods, parang noong isang araw lang nabalitaan ko muntik ng isugod sa hospital dahil kumain ng isaw. Sinubukan pa kasing magpa-impress kay Lach, 'e hindi naman siya papansinin nung tao. Kaya kung hindi kayang pilitin, sumuko nalang! Kaysa naman ipagpilitan pa niya yung sarili na kainin ang mga pagkain na hindi naman niya sanay kainin tapos ang ending isusugod lang sa hospital!
"You know, Lach, uminom din ako nung... what do you called that? Yung something yellow then med'yo maasim? Mura lang siya, e. Five pesos ang price?"
Pasikreto akong umirap sa kwento niyang kahit sino ay maiinis dahil sa kaartihan. Simpleng pineapple juice lang hindi pa alam ang tawag. Huwag kasi puro ganda lang, gamitin din ang utak para hindi nangangalawang! Paano kung lason 'yun? 'E di mamatay na sana siya! Kaartihan niya!
"Silent, Kim. I'm driving." Lach's replied.
Boom! Supalpal ang ate mo girl! Emotional damage level. 9999! Talon na sa tulay!
Palihim akong humagikhik. Kuha mong papansin ka! Dapat sa'yo 'yan e. Kaarte-arte mo pa mag-kwento. Pineapple juice lang naman ang tawag doon sa ininom mo hindi mo pa alam!
"Ano ang tinatawa mo d'yan, ulikba?" Asik ni Kim. Gusto sanang mainis sa itinawag niya sa'kin kaso nga lang mas nilakasan ko pa ang tawa ko para mainis ang bruha! Imbis na ako yung manggalaiti sa itinawag niya sa'kin, siya pa yung namumula sa galit na animo'y tocino!
"Kung ulikba ako, ano ka pa? Hipon?" Pang-aasar ko. "Kain katawan, tapon ulo?" Naningkit tuloy ang mga mata niya sa'kin. "Okay lang yan, Kim. Tapon ulo ka talaga, wala ka naman utak kaya all goods lang! Hindi mo naman magagamit ang ulo mo, 'e! HAHAHA!"
BINABASA MO ANG
BS#4: Friendly Reminders
RomanceI'm just making him regret for hurting me. ... [Filipino/English] Warning: RATED 18 | Mature Content